Ghost pensioner sa PNP, ibinulgar ng Napolcom

IBINULGAR NI INTERIOR Secretary at Napolcom chief Jesse Robredo ang malaking sindikato ng pekeng pensioner sa Philippine National Police (PNP).

Sa panayam kahapon kay Robredo, sinabi nito na isang Marlon Reyes, dating pulis ang may malaking involvement sa nasabing sindikato, kung saan naisingit ang hindi mga lehitimong pangalan at hindi naman retiradong pulis sa mga tumatanggap ng pension.

Sa datos, mula sa 58,000 pensioner, 2,000 ay mga ghost pensioner na isiningit.

Gayunman, tiniyak ni Robredo na walang kinalaman si Sr. Supt. Jet Menere, bagong hepe ng PNP Retirement Benefits System sa nasabing sindikato dahil ito pa ang nakatuklas ng “kalakaran”.

Dahil sa pagkakatuklas, nabatid na pinatigil muna ang release ng mga pension, kung saan ipinaliwanag na nais lamang na linisin ang mga talaan ng mga lehitimong pensioner.

Nilinaw rin ni Robredo na walang kinalaman ang asosasyon ng mga pensioner dahil ang target lamang nito ay ang mga pekeng pensioner. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Ghost pensioner sa PNP, ibinulgar ng Napolcom

  1. i’m not one bit surprised! pinas pa…sobrang galing ng mga pinoy sa ganyan…sa inyo na ang pinas..talagang mahirap umuwi and mag stay permanently sa pinas..puro kalokohan..

Leave a Reply

Your email address will not be published.