GF, inirampa ni Alfred Vargas

MATAGUMPAY ANG OPENING day ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival last Saturday, July 17 sa CCP.  Watch namin ang Colorum ni Alfred Vargas na idinirek ni Jon Steffan Ballesteros. Istorya ito ng isang pulis doing a part-time job bilang FX driver at ng isang 70 year-old ex-convict. Nang magtagpo ang kanilang landas, the two embark on a road trip.

Very positive ang approach, hindi pilit ang mga eksena, matatawa ka, mapapaiyak ka. Ngayon lang namin napanood si Alfred sa isang seryoso at makabuluhang pelikula. May lalim siya bilang actor kaya hindi nahirapang makipagsabayan sa galing umarte ni Lou Veloso.

“Actually, nahirapan ako rito sa role ko kasi physical work siya at kailangan mo ng emosyon sa mga eksena namin ni Lou. Siyempre, titimbangin natin ‘yung bigat ng role for this particular project. Sobra’ng ganda ng role, ‘di ba? I promise myself to do one indie a year. Ang dami ko ngang offers ngayon, kung puwede ko lang gawin lahat, gagawin ko. Ha! Ha!Ha! Kaso mo nga, limited lang ‘yung time.” Intro ni Alfred.

Project na gagawin niya next year? “May dalawang script na akong pinag-aaralan, hopefully okey rin. Acting is my passion talaga and I’ll  never give up acting. May TV series, love tringle with Marian Rivera, Mark Anthony and me. I’m very excited kasi trabaho ‘yan and my role is a reporter. Okey naman, nakaka-excite din at saka fantasy para sa mga bata,” pahayag ni Alfred.

Maganda ang naging reaction ng mga tao after watching the movie. For the first time, ngayon lang inirampa ni Alfred ang bago niyang girlfriend na si Yasmine Espiritu, a 21-year old half-Italian, half- Filipina.

I’m very very happy, iba ‘yung happiness na nararamdaman ko ngayon. This is more complete, I just feel inspired everyday. I wake up inspired and I go to sleep inspired,”sambit ni Alfred.

Sa relationship ninyo ngayon ni Yasmine, walang bang conflict sa family ninyong dalawa? “Wala, botong-boto silang lahat. Family ko, even my manager Nanay Lolit (Solis), everyone I know, boto silang lahat,” dugtong pa ng magaling na aktor.

Nagkakilala ang dalawa habang nagbabaksyon si Yasmine dito sa atin. Medyo matagal ring itinago ni Alfred ang relationship nila ni Yasmine, 7 months na silang mag-on at ngayon nga lang sila naging open in public. “Nanahimik ako for our own sake, kasi nag-uumpisa kami. Gusto ko, ma-ano muna ‘yung foundation ng relationship namin. Okey naman, it’s about time na makilala siya ng tao para hindi na lumapit ‘yung ibang mga babae. Ha! Ha!Ha!”

Si Yasmine na kaya ang future to be ni Alfred? “I hope, kasi ayaw ko nang mag-aksaya ng oras. Gusto ko, ‘yung totohanan na pero it’s too early to tell. Kapag prepared na ako sasabihin ko,” aniya.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

4 thoughts on “GF, inirampa ni Alfred Vargas

  1. ito ang wife material! bravo alfred! wag mo na yang pakawalan! ito ang bagay k alfred someone who is intelligent just like him dba? si LJ pang-pa-cute lang yon hehe. sori! hehe

  2. Good for him, di ikinahiya o dinenay ang GF para lang sa career. Dapat tularan ng mas maraming artista ang ginagawa niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.