GETTING MARRIED IN PARIS: Kasalang Vicki Belo at Hayden Kho, sa Sabado na!

Vicki Belo and Hayden Kho with daughter Scarlet Snow

TALYADA at super bongga ang apat na gowns na isusuot ng ikakasal na si Dra. Vicki Belo sa longtime partner niya na si Dr. Hayden Kho Jr.

 
Ang sikat na Dubai based Pinoy Hollywood designer na si Michael Cinco ang nagdisenyo at tumahi ng isusuot ng bride.
 
Sa wakas ay haharap na sa dambana ang dalawa na kung nasundan lang ninyo ang madramang (parang teleserye)  love story ng dalawa, iisipin mo na hindi na magkakabalikan pa sina Vicki at Hayden sa mga pinagdaanan ng relasyon nila.
 
Nariyan na “nge-nge” si Hayden na natagpuan sa pinyahan sa may bandang Cavite (or was it Tagaytay) na ayon sa balita ay gustong magpakamatay dahil sa depresyon sa paghihiwalay nila noon ni Vicki ay iisipin mo na may sinusundan ka na teleserye sa telebisyon na ang lovestory ng dalawa ay naging hot item na inuurirat ng publiko.
 
Naging hot topic din si Hayden dahil sa kanyang maelyang “sex video” with a sexy star at ng isang pa na aktres na misis na ngayon ng isang singer na naging trending ang eksena ni Hayden with the two women sa kama.
 
 
Mabuti na hindi pa uso ang social media noong naganap ang insidente kaya pasa-pasa lang ang mga naturang video na umabot pa sa pagkasuspinde ni Dr. Hayden ng kanyang professional license as a medical doctor.
 
Pero nakaraan na yun. Tapos na sa pahina ng buhay ni Doc Hayden na ngayon ay nagiging positibo na sa buhay mula nang maging renewed Christian na siya na magandang isang magandang senyales dahil sa naturang pagbabago.
 
Sa kasalan nina Vicki at Hayden, madami sa mga showbiz friends ng dalawa ay hindi makakadalo sa kasalan na magaganap itong darating na Sabado.
 

Alcasid Family in Paris

Si Vice Ganda, hindi pinayagan na umalis dahil tinatapos nito ang kanyang MMFF 2017 entry na “The Revengers” directed by Bb. Joyce Bernal para sa Star Cinema.

 
Sina Anne Curtis, Iza Calzado at Karylle, ay hindi rin pinayagan dumalo sa kasalan dahil may mga commitments sila.
 
Si Ogie Alcasid (right after his Kia Theater show) ay bumiyahe na the following morning kasama ang misis na si Regine Velasquez at anak na sina Leila, Nate at ang anak naman niya na si Sarah at dating misis na si Michelle ay nasa Paris na bago pa sila dumating for a vacation ay dadalo sa kasal ni Vicki at Hayden.
 
 

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.