Gerogina Wilson, napagpaka-daring sa pictorial para sa isang kalendaryo

MORE THAN two months ang naging preparation ni Georgina Wilson bago i-shoot ang Ginebra San Miguel calendar 2013. “Deadma ko lahat ang mga rice, lahat ng mga sweets at saka carbs. Sobrang hirap ‘yan para sa akin because love ko ang mga ‘yan. Everyday nagwo-workout ako. Of course, ‘yung Belo family ko, I go there a lot to help burn the fat and I think, if you poses bikini, kailangan sobrang confident ka. I do really prepare and I am very happy with the pay off.

“’Yung mga bikini collaborated with the stylist na ito ‘yung mga gusto ko at ‘yung mga colors na bagay sa akin. We went shopping together, even the photo shoot, the location, we we’re together with the San Miguel team to find the perfect location. We want something na kakaiba rin. We wanted water sports, different scenery. He (Borgy Monotoc) has a big part, suggesting location. Love na love niya ‘yung work so, it’s natural for him to suggest,” she said.

Sinabi ni Georgina na ito na ang pinaka-daring niyang pictorial ever. “Sa tingin ko, it’s gonna be seen by the most number of people na daring ang shoot ko.”

Ikinuwento rin ng Filipino-British model ang naging reaction ni Borgy Monotoc sa mga sexy pictorial. He really saw na nag-payoff ‘yung hard work ko. Masaya siya because he can see, career changing talaga and I think I’m very excited to go around with the Ginebra San Miguel to get to know more the Philippines and to really experience the Barangay Ginebra’s party.”

Three years na palang mag-dyowa sina Georgina at Borgy. Habang tumatagal ang kanilang relationship lalong nagiging solid ang kanilang samahan as lovers. It’s serious pero wala pang plans, so very young. He’s very mature and he understand. He really let me do my own thing. I’m a very independent woman so, I need a man who understand at pinapayagan to do whatever they want,” say niya.

Right now, wala pa raw sa plano nila ni Borgy na lumagay sa tahimik. “Ang dami ko pang plano in life to accomplish, malayung-malayo pa ‘yung marriage. For now, I can say, I like being with him now. I can’t answer for the future but it would be nice to have him around,” dugtong pa niya.

Inamin ni Georgina na malakas siyang uminom ng alak. “Hindi siya nag-a-affect sa akin easily so, I can really drink like a guy. Eversince I was younger, talagang malakas talaga ‘yung tolerance ko. Recently, hindi naman ako malakas uminom pero ‘yung kaya ko, malakas talaga. I like now mixing drinks kasi, hindi na ako sobrang hardcore drinker kumpara sa dati. I enjoy going out, sometimes it’s doesn’t be outside, usually, house parties na.”

Siyempre, hindi maiiwasan itanong kay Georgina ‘yung controversial tweetpic na post niya sa kanyang twitter account na nagmukhang katawa-tawa ang itsura ng Superstar. Nag-react ang mga Noranian, pakiramdam nila, binastos ang kanilang idolo ng model/VJ. Mabilis naman niyang binura ang picture ni Ate Guy dahil sa negative reaction ng mga fans.

“I really respect Nora Aunor and her whole career. A fan sent me her photo. Hindi ako ang gumawa and I posted it because parang I thought it was funny and some people were offended so I took it down right away. I didn’t say anything, of course, my intension weren’t to offend her, she’s our Superstar and you know,I was talking to my Tita Gloria (Diaz) about it and she said that people just took it the wrong way. I really didn’t mean anything wrong and if I offended her and her fans, I’m very sorry about that. But I really would never mean to offend something that’s an institution in our showbiz world,” paglilinaw ni Georgina.

 

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

3 thoughts on “Gerogina Wilson, napagpaka-daring sa pictorial para sa isang kalendaryo

  1. This girl is really enjoying the attentions and enjoying the limelight!  No talent at all! proper connections lang ang puhunan kaya nakilala!  She is the Ex of Richard G, she is a niece of Gloria Diaz, She is a friend of raymond G,Liz uy , Cousin of Isabel Daza. At most of all She is a friend of Anne Curtis. At madalas panay ang tag nya sa name ni Anne sa twitter to get the attention of Anne’s fans..Nag work naman yun strategy nya, coz  many of Anne’s fans ay na uto nya!  Sa lahat ng friend ni Anne  sya ang pinaka ayaw ko. Feeling sikat at  pa importante!! Sorry sa fans nya. nagpapakatutuo lang ako.

  2. Sus boba ka nga…”i thought it’s funny”… tapos post mo pa? “I was talking to my tita (Gloria) and she said that people just took it the wrong way”……eh bakit kaya di mo ilagay yung mukha ng tita mo sa katawan mo ewan ko lang if she’ll say the same thing. Hay naku tong mga babaeng to mga uhaw sa atensyon!

Leave a Reply

Your email address will not be published.