Germany-Based Filipina Artist/ Fashion Designer Joyce Peñas Pilarsky, Wagi sa Philippine Fashion Week

 

MASASABING TRUE winner ang Germany-based Filipina artist/ fashion designer na si Joyce Peñas Pilarsky sa katatapos na Philippine Fashion Week Spring/ Summer 2012 Season Ready to Wear show last October 30, 2011 na ginanap sa SMX Convention Center sa Mall of Asia.

Inirampa ng mga modelo ang 10-piece collection ni Pilarsky na ginamitan ng laser cut technology sa basic material niyang tafetta. Iilan pa lang sa Filipino fashion designers at tanging si Ms. Joyce ang gumamit ng ganitong technology sa fashion week.

“I’m very much committed to show how creative I am and how serious about my craft,” sabi ni Pilarsky sa isang interview.

Elements of nature ang inspiration ni Pilarsky sa napaka-mabusisi na collection niyang ito. Patunay lang na environment advocate din ang fashion designer. Inihalintulad naman ng ilang fashion experts ang mga likhang damit ni Pilarsky sa pastillas wrapper ng Bulacan at sa wood carving ng Pakil, Laguna, na talaga namang maituturing na mga obra maestra.

Ginamit din niya ang mga Joyce signature fashion accessories sa kabuuan ng kanyang collection. Sa final walk ng mga designers, huling lumakad sa catwalk si Pilarsky at sinalubong siya ng isang masigabong palakpakan mula sa VIP at mga fashionistas na nanood ng show.

If you want to experience the joy of wearing a Joyce Peñas Pilarsky creation, contact 09158696078 and look for Loren; 4859655 (Philippines), 004971727623806 (Germany), 00447880817564 (London); e-mail: joycepenaspilarsky@yahoo.com; website: www.jppcollection.weebly.com.

By Dani Flores

Clickadora
Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.