German Nat’l, Ninakawan ng 3 GRO

MALUHA-LUHANG NAGTUNGO sa mga kinauukulan ang isang German national matapos itong pagnakawan ng tatlong babaeng kanyang inupahan at isinama sa isang hotel sa naturang lalawigan.

Kinilala ang dayuhang biktima na si Cristo Benias y Opachin, 46.

Base sa report ng Legazpi City PNP, mula pa sa Germany ang nabanggit na dayuhan na bumisita lamang sa bansa para lamang magbakasyon.

Subalit, hindi nito inaasahan na sa ilang araw pa lamang na pagbisita sa bansa ay mabibiktima ito ng pagnanakaw.

Sinasabing matapos malasing at sabay-sabay na natulog sa isang silid sa hotel kasama ang tatlong babae, kinabukasan nagulat na lamang ito na nawawala na at tinangay ang kanyang pera.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.