German Moreno, wala nang balak sumabak sa pulitika?

HINDI NAMAN puwedeng pagta-asan ng kilay kung sakali’t maging desisyon nga ni Kuya Germs (German Moreno) na kumandidato siyang Mayor ng Quezon City. Hindi rin puwedeng sabihin na kung kailan pa siya nagkaedad ay saka pa niya nagustuhang pumasok sa larangan ng pulitika, dahil sanay naman ang Master Showman na maging leader ng samahan ng mga artista, at nakikinig naman sa kanya ang mga nasasakupan kapag mayroon siyang pinamunuang grupo.

Sa edad ngayon ni Kuya Germs, nakabibilib ang kanyang kasipagan. Ang dami-dami niyang gustong gawin lalo na para sa kapakanan ng showbiz at iba pang magagandang layunin na gusto talaga niyang maisakatuparan. Napansin na siyempre ang maganda niyang adhikain para sa movie industry, at maamo rin naman siya sa mga tao, kaya hindi pinagta-takhan kung bakit mayroon ngayong umuugong na balitang baka mapunta rin siya sa larangan ng pulitika.

Isang malapit ni Kuya Germs ang nagkuwento sa amin, na mayroon daw talagang mga grupo na kumukumbinsi sa host ng Walang Tulugan With The Master Showman ng GMA-7 na pasukin na nga ang pulitika. Pero siyempre, sa ngayon daw ay wala pang sinasabing desisyon ang Kuya Germs ng showbiz, pero natutuwa lang siya, na kahit nasa ganitong edad na siya ay mayroon pa ring mga tao na bilib sa kanyang kakayahan.

 

LAGING NAIPAPANGALANDAKAN ni Kris Aquino ang kanyang panahon na ibinibigay para makasama lagi ang kanyang mga anak na sina Joshua at Bimby. Dahil bilang Mommy ng dalawang bagets ay heaven lagi ang pakiramdam ni Tetay na ikuwento na talagang isinisingit niya sa sobra niyang kaabalahan, na makapag-bonding sila ng dalawa niyang anak. Pakiramdam nga kasi niya ay mabilis lumipas ang panahon at ayaw niyang ma-guilty pagdating ng araw, na hindi niya nakasama sa paglaki ang kanyang mga anak dahil sa dami ng kanyang trabaho.

Hindi naman ipinagkakaila ni Kris na sobrang alagain si Joshua, dahil sa kanyang kundisyon. Pero si Bimby ay lumalaki rin sa sitwasyon ngayon ng kanyang mga magulang na nauwi sa hiwalayan, pero lagi namang nakakasama ng bagets ang kanyang daddy na si James Yap. Napapansin na talaga ni Kris na ang bilis na raw lumaki ni Bimby, at alam niyang mas lalo siyang kailangan ng kanyang bunso sa ngayon, dahil sobrang matanong na raw sa mga bagay-bagay.

Nariyan lang si Joshua. Pero ang kakulangan ng kanyang kapasidad, ilang taon lang ang lilipas ay si Bimby ang magpupuno sa kanyang Mommy. Masayahing tao si Kris, pero mas marami ang matutuwang makita siya na maging kagaya nina Vilma Santos na may Luis Manzano, Nora Aunor na may Ian de Leon, Ai-Ai delas Alas na may Sancho, Dina Bonnevie na may Oyo Sotto at Lorna Tolentino na may mga panganay na lala-king anak, na kung wala ang kanilang mga asawa, ang binatang anak ang puwedeng makasama kung biglaan ay kailangan silang ipag-drive ng kotse. Nakaaaliw ka-sing tingnan ngayon, na mahal na mahal ni Bimby ang kanyang Mommy.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.