German Moreno, sinisira ng kanyang staff?!

TOTOO ‘YATA ANG matagal nang sinasabi ng mga friends ni Kuya Germs na ang mga staff niya sa kanyang Saturday show ay parang mga langaw na nakatuntong sa kalabaw.

And why?

“E, paano, sa taping ng Master Showman last Saturday e, may tinarayan ang headwriter ni Kuya Germs. Grabe raw kung mag-power trip ang headwriter na ‘yon na tomboy na mukhang bading,” sabi sa amin ng isang GMA-7 insider.

Nang tinanong daw kasi siya ng female talent na guest ni Kuya Germs tungkol sa kanyang gagawin sa show e, akalain mo bang biglang nagtaray si headwriter at sinigawan ang talent sabay sabing, ‘wala kang name’.

“Hindi alam ng headwriter na ang female talent na ‘yon e, peborit inaanak ng isa sa mga major sponsors ni Kuya Germs sa show. Hala ka!

“Ayun! Nagsumbong si female talent sa kanyang ninong na isa sa mga sponsors ni Kuya Germs. Ewan lang namin kung magpu-pull out ng advertisement ang ninong ng female talent na tinarayan ng headwriter or hindi,” pag-conclude na tsika pa ng aming source.

Matagal na naming kilala si Kuya Germs and we know for a fact kung gaano kalaki ang pangalan niya sa industriya at never pa namin siyang napakinggan na nanglalait ng mga baguhang talents kaya naman sobrang kapal ng mukha ng kanyang headwriter na magtaray sa mga baguhan, much more na guest pa naman ng kanilang show.

Dapat sana e, isipin nilang sinasalamin nila ang buong show as staff ng Master Showman at kahit na anong pagtataray ang gawin nila sa mga guests e, kay Kuya Germs pa rin ang balik nu’n.

Narinig na kaya niya ang matagal nang kasabihang. “Ang hampas sa kalabaw, sa kabayo ang latay”?

MAY PAYO ANG isa sa mga executives ng ASAP XV sa pamunuan ng kanilang katapat na Party Pilipinas na kahit na anong gawin e, hindi makaalagwa sa ratings.

“Kasi ba naman, hindi na nila kailangan pang mag-out of town para panoorin ng televiewers. Ang tingin ko, dapat e, palitan na ang mga hosts na matatanda. Dapat ‘yung magandang tingnan sa TV.

“Sampol na lang. Si Jaya ba e, gusto mo pang mapanood sa TV na medyo malusog ang hitsura? Hindi ba malayo naman siya kay Zsa Zsa Padilla kung tutuusin?

“Let’s face it. Telebisyon ang pinag-uusapan at gusto rin naman ng mga viewers na maganda ang kanilang nakikita sa TV bukod pa sa pure talents, ‘di ba?” Sabi pa sa amin ni ASAP XV executive.

Napanood nga namin nang live ang ASAP XV nang nag-celebrate sila ng anniversary ng Star Magic at kung paano bumirit si Charice Pempengco at kung paano humataw sina Rayver Cruz at Gab Valenciano na talagang pang-world class ang dating.

Siguro nga, tama ang ASAP XV na total overhauling ang kailangan ng katapat para magkaroon naman ng bearing ang kanilang tapatan every Sunday, hendehvah?

PAKI NI MOTHER Joy Cancio. Dahil maraming girls ang nawala sa Sex Bomb, pagkakataon na ng iba diyan na maging member ng naturang dance group. Wala raw kayong ibang gagawin kundi ang tumingin sa salamin at makiramdam kung marunong kang magsayaw, kung certified girl at kung 15 to 18 years old, go na sa kanilang audition on May 29 and June 1 sa SM Pampanga.

Op kors, for identification, magdala na rin ng birth certificate and ID at puwede ring magwagi ng P500,000.00 pesoses ang mga mapipili.

For reactions, please e-mail: mediatouch2000@yahoo.com
Sour-MINT
by Joey Sarmiento

loading...

6 thoughts on “German Moreno, sinisira ng kanyang staff?!

  1. I DO !!! I’LL ALWAYS LOVE TO SEE JAYA ON TV – FOREVER, AND EVER … ❤ SHE IS MY FILIPINA-WHITNEY-HOUSTON 🌹 FOR AS LONG AS I AM LIVING, I CAN NEVER FORGET MY FANTASTIC EXPERIENCE BEING AT HER CONCERTS AT THE #MUSICMUSEUM – JAYA-GREATEST-HITS STAY ON MY PLAYLIST #LOOPFOREVER

  2. tama…d kc kilala mga performer sa pp…mga tryinghard ang dating…asan na c rachel ann go and mark bautista..ayun mga laoceana deep na….un naman mga 3 girls na kumakanta…anu ba yun? lalo na un nagpatangos ng ilong na c jonalyn viray,super baduy talaga, tsaka parang palengke un show nila,pati effects,mga ilaw,d maganda.parang panahon pa ng germ special yan.

  3. hinatak lang sya pataas ng kapuso movie festival lol pero nationwide? i doubt it na mauungusan nila ang asap xv. di ba nga lumilibot sila sa buong pinas para masungkit at nationwide rating? lol

  4. hay maling mali ka tinalo na naman ng party pilipinas ang asap xv nung linggo. hindi ka credible. sana sumunod ka na kay archie de calma kasi pareho kayong ungas.

  5. Maling mali ang GMA7 nang balewalain nila ang ibang talents na ngayon ay nasa ABS-CBN na. Hindi na dapat sabihin kung sino ang mga ito, pero karamihan, makikitamo sa ASAP. Mga sikat, blockbuster ang movies nila at maski na teleserye, fanteserye, hosting, kantahan, sayawan, PUMAPATOK SILA. GMA7, MISTAKE, BIG MISTAKE TSK TSK TSK. . . .

Leave a Reply

Your email address will not be published.