German Moreno, pumanaw nang may hinanakit kay Sharon Cuneta

Sharon-Cuneta-German-MorenoNitong panahon ng burol para sa yumaong Master Showman na si Kuya Germs (German Moreno), medyo natulala lang kami sa sobrang pag-iyak ni Sharon Cuneta at ganu’n na rin sa pagki-claim niya kung gaano siya kamahal ng pumanaw na Starbuilder. Mahal naman din siya talaga ni Moreno, kaya lang ay may mga pagkakataong nagkaroon ng hinanakit sa Megastar ang mahal na Kuya Germs ng showbiz.

Bago kasi na-stroke si Kuya Germs, madalas kaming tumatambay noon sa studio ng “Sunday All Stars” na naging “Sunday Pinasaya” na ngayon. Madalas na nakakukuwentuhan namin ang host ng “Walang Tulugan With The Mastershowman” ng GMA 7, at naikuwento niyang sumasama rin ang loob niya sa mommy ni KC Concepcion.

Wika nga ni Kuya Germs noon, “Nakapagtatampo lang ang Megastar, dahil kapag ako na ang may kailangan at gusto ko siyang makausap, hindi ko naman na siya makontak. Hindi ako makapasok. Eh, si KC nga, inaanak ko ‘yon. Pero nu’ng mag-showbiz ay hindi man lang ako kinonsulta o tinanong sa opinion ko.”

Minsan kasi, ang pagmamahal ni Sharon ay paiba-iba sa takbo ng panahon. Kung sa bagay, marami rin naman siyang pinagdaanang problema. Kaya siguro nitong mga huling panahon bago niya muling hinarap ang kanyang showbiz career, parang kakaiba siya. Minsan, may mga taong iniisip niyang hindi na siya naaalala. Pero kapag naman ipinaramdam mo sa Megastar na pinahahalagahan mo siya bilang aktres at tao, deadma at wala rin naman siya.

ChorBA!
by Melchor Bautista

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.