German Moreno, lilipad pa-Amerika para tumanggap ng award!

ISA NA namang milestone sa buhay-showbiz ng nag-iisang Master Showman na si Kuya German Moreno ang nalalapit na pagtanggap nito ng isa na namang Lifetime Achievement Award mula sa Gawad Amerika, isang prestigious award na iginagawad sa mga Oustanding Pinoy sa kanya-kanyang larangang ginagawalan. At ngayong Nobyembre nga ay tutungo sa Amerika si Kuya Germs para siya mismo ang personal na tumanggap sa nasabing award.

Ayon nga kay Kuya Germs, ang award daw na iyon ay isang napakagandang regalo sa kanyang kaarawan ngayong October 4 at isang napakaagang Pamasko na galing sa Diyos.

Ilan nga sa tumanggap na rin ng Gawad Amerika ay ang ating Pambansang Kamao na si Manny “Pacman” Pacquiao , Quezon City Mayor Herbert Bautista, Manila Vice-Mayor Isko Moreno, atbp.

 

NAGDIWANG NG kanyang 20th birthday ang Kapuso Tweenstar na si Teejay Marquez last Sept. 29 at ilan nga sa wish nito ay ang good health sa kanya at sa kanyang pamilya at mas umusbong pa raw ang kanyang showbiz career, mapa-telebisyon at pelikula, at dumami pa raw ang kanyang endorsements at print at TV commercials sa bansa at sa Asya.

Ilan sa naunang bumati kay Teejay ay ang nali-link ditong Korean international singer na si Hari na nagpasikat ng awiting “Gwiyomi” na nakilala nito nang magkasama sila sa mismong mall tour ni Hari sa Pilipinas, kung saan nagkagaanan sila ng loob at nagpalitan ng numero, at ngayon ay parati nang nagtatawagan ang mga ito at nag-uusap.

Balita nga namin, nakatakdang bumalik si Hari sa bansa para magbakasyon at si Teejay mismo ang mistulang magiging tour guide nito sa paglibot sa magagandang lugar sa bansa.

Isa nga rin daw sa magandang regalo sa kanyang kaarawan ngayon ang nakilala niya si Hari na ayon kay Teejay ay sobrang ganda at mabait . Maraming bagay nga raw ang nagkakasundo sila kaya naman daw enjoy na enjoy siya sa pakikipag-usap dito sa telepono.

 

NAKATAKDANG GANAPIN ang inaabangang male pageant sa bansa, ang “Top Hunk 2013”, na hatid ng K5 Productions sa October 11, 2013, 11pm at P2 Comedy Bar, Yale St., Cubao. Q.C.

20 candidates na pare-parehong nagtataglay ng magaganda at maaamong mukha at magagandang pangangatawan ang maglalaban-laban para tanghaling “Top Hunk 2013” at mag-uuwi ng tumataginting na P15,000 cash prize.

Kaya naman, manood na at sumugod sa P2 Comedy Bar sa Oct. 11 para malaman kung sino ang mananalo. Sa mga interesadong bumili ng tickets, ito’y nagkakahalaga lamang ng P300 pesos. At para sa iba pang detalye at impormasyon, tumawag lamang sa numerong 09175764626 o kaya sa 09275520488.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

5 thoughts on “German Moreno, lilipad pa-Amerika para tumanggap ng award!

Leave a Reply

Your email address will not be published.