German Moreno, laging nakabuntot sa alagang si Jake Vargas?!

NINE-NEGA NG ilan ang pagsasama-sama ni German Moreno sa alagang si Jake Vargas sa mga mall shows at out of town shows nito. Stage manager daw si Kuya Germs na lagi ngang nakabuntot kay Jake saan man ito magpunta. “Natutuwa ako at masaya kapag nakikitang pinagkakaguluhan ng mga fans si Jake. Du’n ko nalalaman na sikat na sikat na ang bata na noon ay nangangarap lang mag-artista. Sino ba namang ma-nager ang hindi maliligayahan kapag nakikita niyang dinudumog at tini-tilian ng mga fans ang alaga niya, ‘di ba? At akoy masayang-masaya kapag nakikita kong napakara-ming fans ni Jake ang gustong lapitan siya, halikan at malapitan man lang,” pahayag ni kuya Germs sa isang panayam sa kanya.

Pinapansin din ng ilan na kay Jake na lang daw nakatuon ang panahon niya at napapabayaan na ang mga kabataang naghihintay ring mapansin lalo na ‘yung matagal na sa Walang Tulugan.

“Alam n’yo, iyang mga batang lumalapit sa akin kasama ang mga nanay nila, hindi natin tinatanggihan. Gusto nilang mag-artista, at ako naman, tatanungin ko kung ano ang talent nila. ‘Pag maganda ang boses, pinapakanta. ‘Pag magaling sumayaw, pinapasayaw sila at kung sa hosting naman, binibigyan ko ng chance na magsalita sa programa.

“Never kong sinabi na sige tatanggapin kita at pasisikatin kita. Ang sabi ko, kung willing magtiyaga at maghintay, dito ka. Kung talagang may talent ka, mapapansin ka ng mga producers at kukunin ka.

“Si Jake naman ay nagsimula rin sa Walang Tulugan, pero tingnan n’yo naman ngayon, may mga shows siya, pelikula at album. Nagtiyaga rin ang bata bago siya mapansin. Dahil may talent nga, ayan at nagbubunga na ang pagtitiyaga at pagsisikap niya.

“Huwag na tayong lumayo. Sa That’s Entertainment, alam n’yo naman na du’n nagsimula ang lahat ng malalaking pangalan ngayong artista natin. ‘Yung iba nga, nakilala pa sa international. Ang sa akin, mahalin lang at mag-pokus sa trabaho at tiyak na sisikat kayo, lahad pa ng Master Showman.

UNTI-UNTI AY nakikilala na rin si Ken Chan, ang guwapong teener na nakilala sa TV commercial via “Nescafe” na may pamosong kantang “Good morning sa inyo”. First movie ni Ken ang My Kontrabida Girl at suwerte niya dahil kasama niya ang ultimate crush niyang si Rhian Ramos.

Kay Ken namin kinumusta si Rhian since wala ito sa presscon ng pelikula.

“Kung may pinagdadaanan man po siya during the time na ginagawa namin ‘yung movie, hindi po namin nakita, eh. She’s very cool sa set. Mabait siya. She’s very nice to everyone. Nakikipagkuwentuhan siya sa amin at nakikipagbiruan pa. Makulit nga po siya, eh! Laging masaya! ‘Di po namin nakita na malungkot siya,” pag-amin ni Ken.

Kinumusta rin namin si Aljur Abrenica kay Ken.

“Ah, si Aljur po, sinasasabihan po niya kami nina Jake Vargas, Enzo Pineda at Sef Cadayona na alagaan po namin ang katawan namin. Work-out at tamang pagkain. Nagbibigay po siya ng tips sa amin para sa pagpapaganda ng katawan. Tingnan n’yo naman po si Aljur, ang ganda ng katawan n’ya, alaga kasi, at grabe ang disiplina niya sa katawan. Pati po sa pagkain, ingat po s’ya, ‘yung tama lang. Importante po kasi na alagaan namin ang aming katawan at hitsura dahil sabi po niya, artista kami at tama lang na tama ‘yung nakikita sa amin para maging role model din kami sa mga kabataan,” pahayag pa ni Ken.

Ikinuwento rin pala ni Ken na may butt exposure sila nina Enzo, Kevin Santos at Sef Cadayona rito na comedy ang dating kaya hindi raw makakaapekto ang ginawa niya sa pagiging commercial model niya. Kasali rin si Ken sa Biritera, Walang Tulugan at Tween Hearts. Nais ni Ken na sundan ang yapak ng mga idolo niyang sina Aljur, Dennis Trillo at  Dingdong Dantes.

 

RAP EN ROL
By Ronald M. Rafer

loading...

10 thoughts on “German Moreno, laging nakabuntot sa alagang si Jake Vargas?!

  1. ay si kate nagtatangatangahan. hindi ba bading si kuya germs! itaning mo pa kay shalala! di na bago iyang istorya. Tanung mo pa kay mon alvir! nasan na ba iyun? kaya ikaw kate hwag kang tanga!

  2. sana wag naman bastos yung iba,… para nyo ng lolo or tatay c kuya germs para bastusin nyo ng ganyan wala naman ginagawang masama yung tao sa inyo. kung tutok man sya ka jake eh ano naman masama dun eh manager naman sya, magtaka kayo kung wala naman sya kinalaman kay jake pero panay buntot nya

  3. si german moreno ay isa sa mga haligi ng mga bakla sa industria na indi masyadong pinag uusapan ang kanyang kabaklaan.

  4. sikat na ba yang jake na yan???? hindi nga? for real??? sige na nga sikat pero hindi sikat na sikat!!!!! bakit laging nachichismis sila ni ate germs??? totoo kaya? hahahahaha

  5. @hugoparada, bakit nagapang ka na ba ng mga beki sa Dos kaya alam na alam mo? utak dulong ka pala eh!

  6. tama ka hugoprada talagang satisfaction guarantee ang performance level ni jake kaya baliw na baliw si kuya germs kapag ginagapang nya ang bagets

  7. ibang klase kasi si jake vargas, siya yung talagang pang satisfaction guaranteed, talagang tatabain ka sa sarap ng pagmamahal! malambing at mapagmahal na talent si jake kay tito german, kaya naman ayaw naman ni tito german na madedehado sa dealings si jake kaya laging sinasamahan. isa pa, mahirap na ang panahon ngayon, panay ang gapangan, ginagapang ng ABS CBN ang mga talents ng GMA7, mahirap ng masalisihan si kuya germs.

Leave a Reply

Your email address will not be published.