German Moreno, ‘di naniniwalang balik-casino na naman si Nora Aunor!

TO SEE IS to believe!” Ito ang winika ng Master Showman himself na si Kuya Germs Moreno sa kumakalat na tsismis na nakita raw na nagka-casino ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor kasama si John Rendez.

Ayon kay Kuya Germs, kung sino man daw ang nagtsi-tsismis na balik-casino si Ate Guy ay magpakita sa kanya ng pruweba katulad ng picture at video at doon lang daw siya maniniwala na nagka-casino nga ang kanyang ‘Ni’ (tawagan nila ni Ate Guy).

Pakiusap nito na ‘wag naman daw intrigahin si Ate Guy dahil ilang buwan lamang daw ang ilalagi nito sa bansa ay after ng kanyang mga commitments dito ay babalik na ito sa Amerika. Kaya naman ang hamon ni Kuya Germs ay maglabas ng litrato man lamang ang mga taong umiintrigang nagka-casino ang Superstar bilang ebidensiya at doon lamang siya maniniwala.

 

MANAGER PALA NG young actor na si Alden Richards ang agent na si Dudu, ang hindi binigyan ng komisyon ng BF ni Heart Evangelista na si Daniel Matsunaga at ng handler nito sa raket na naibigay ng nauna sa hunk model/ actor.

Tsika nga ni Dudu nang makausap namin na until now, hindi pa rin nito nakukuha ang 20k na komisyon sa booking na  ibinigay niya kay Daniel. Pakiusap nga nito na sana man daw ay tuparin ng mga ito ang unang napag usapan tungkol sa magiging parte niya sa bayad sa nasabing show na maayos naman daw nilang napagkasunduan noong nag-usap sila.

Ano ba naman daw na sumagot daw ang mga ito sa text ni Dudu kung makukuha pa ba niya o hindi na ang kanyang percentage  at ‘wag  daw mag-super duper deadma ang mga ito kapag ite-text na ni Dudu.

Ano kaya ang masasabi ni Alden Richards dito? ‘Yun na!

 

NAALIW ANG MARAMI  sa newest character na napapanood sa GMA-7 every Sunday after Party Pilipinas, ang Tween Hearts sa katauhan ni Gwendolyn na in real life ay si Joanna B. Marcelo at kapartner ng tinaguriang Mario Maurer ng Pilipinas na si Teejay Marquez.

Cute daw ang tandem ng 2 bilang mga nerd sa Barkada ng mga tweens na sina Kristoffer Martin, Joyce Ching, Bea Binene, Jake Vargas, Hiro Magalona, Kim Komatsu, Derrick Monasterio, Gabby Garcia, atbp.

Ang character nga raw nina Gwendolyn at Nathan ang isa sa loveteam ng Tween Hearts na talaga namang maraming sumusuporta at umaasa nga raw ang mga fans ng loveteam ng mga ito na sana raw ay magkaroon ng episode na hindi na nerd ang dalawa nang makita ng lahat kung gaano kaguwapo at kaganda si Gwendolyn at Nathan without eyeglasses.

 

MARAMING KINILIG NANG inamin ng dalawa sa lead actors ng Utol Kong Hoodlum na sina JC de Vera at Jasmine Curtis-Smith na type nila ang isa`t isa. Noong una, hindi pa masabi ni Jasmine na type niya si JC dahil kababae nga niyang tao at siya pa ang naunang tanungin kung type niya ang binatang aktor.

Pero kalaunan ay umamin din ito na may paghanga siya sa binata, pero hindi pa raw ito handang magkaroon ng panibagong relasyon, kung saan very honest nitong sinabing nagkaroon na siya ng BF when she was 15 years old sa Australia, pero hindi raw ito nag tagal. Kaya naman daw after that relationship ay na-realize ni Jasmine na masyado pa siyang bata para ma-involve sa malalim at seryosong relasyon.

Tsika naman ni JC nang matanong kung type niya ang nakababatang kapatid ni Anne Curtis, sinabi nitong sino naman daw ang hindi magkakagusto sa isang Jasmine Curtis-Smith na fresh, only 17 years old, maganda at sexy, pero masyadong bata pa raw si Jasmine. Bukod pa sa katotohanang may Danita Paner na siya. Dagdag pa ni JC na kapag nag-edad 20 pataas pa si Jasmine ay magbu-bloom pa ito at mas gaganda.

Ngayong Setyembre na magsisimulang mapanood ang nasabing aksyon-serye mula sa direksiyon nina Argel Joseph at Topel Lee.

 

John’s Point
by John Fontanilla

Related Post

loading...

8 thoughts on “German Moreno, ‘di naniniwalang balik-casino na naman si Nora Aunor!

  1. Bago kau mg-ilusyon ng kung anu-0ano eh panoorin nyo muna projects nya at mg-ipon ng pambili ng movie ticket pra s pasko eh makapanood kau ng movie nya suportahan nyo s takilya para nmn me pakinabang s inyo mga pesteng Noranian n2!!!!

  2. Naku Lita, wag kng ilusyunada paano sasagipin ni NOra ang Philippine movie industry eh sarili nga nya eh lunod nalunod sa pagkabagsak at pagkasabog nya s drugs? Pulos FLOP nga un mga movies nya eh 1ST DAY – LAST DAY kya ang mga un kya nga nabangkarote c Melanie Marquez. Fortunately nlng c Melanie Marquez eh madiskarte s buhay at kya nmn mayaman prin xa ne0n kc dxa ADIK

  3. @Lita Galvez totoo nga yong sinabi mo na hindi paniwalaan si Fear-mean, Bina blind item nya si Nora for many years ng nanduun pa ito sa tate, grabe ang mga sinulat nya noon, nung dumating na dito si Superstar, she kissed Nora’s behind at naging nagmalinisan na. Ngayon na naman, siniraan na naman dahil kaibigan sila ni La Aunor, The nerve nga talaga. I always go to hatawtabloid.com at binabasa ko yong mga article doon ni Peter L at Pete A. Klaro talaga ang mga baho doon ni Fear-mean. Kailan ba darating ang karma nitong matandang bubonik na kafal na mukha. Hindi siguro sinakyan ni Superstar ang bait baitan nitong demonyong crispy na ito kaya nalaman na wala siyang makuha kay superstar kaya yon balik sa dati ang ugali, doble kara.

  4. mabuhay si nora aunor ang superstar. nakabili na ako ng star studio magasin para suportahan ang aming superstar.. huwag maniwala kay lucifermin at lala aunor inggit lang sila kay nora aunor dahil siya muli ang sasagip sa ating pelikulang pilipino gaya noong 1970’s na uso ang bomba films sinagip niya ang magagandang pelikula.

Leave a Reply

Your email address will not be published.