German “Kuya Germs” Moreno, pumanaw na sa edad na 82

 alt=

German-MorenoNagdadalamhati ngayon ang mundo ng showbiz sa pagpanaw ng itinuturing na Master Showman at “ama” ng maraming celebrities na si German “Kuya Germs” Moreno.

Sumakabilang-buhay si Kuya Germs nitong Biyernes ng madaling-araw, January 8, sa edad na 82.

Sa isang statement na ipinadala sa GMA News Online ng pamangkin ni Kuya Germs na si John Nite, namatay si Kuya Germs ganap na alas-3:20 ng madaling-araw dahil sa cardiac arrest, isang taon matapos na makaranas siya ng mild stroke.

Co-host ni Kuya Germs si John sa kanyang Saturday midnight variety show na “Walang Tulugan with the Master Showman”.

“He passed on in the company of his family and friends. He lived a full life, touched so many hearts through the years, and helped make dreams come true for most of the biggest stars in the Philippine entertainment industry. We are deeply saddened by his passing but we are comforted by the thought that his legacy will live on,” dagdag pa ni John.

Huling nagkaroon ng public appearance si Kuya Germs sa New Year countdown ng GMA Network sa SM MOA Arena. Pinangunahan din niya ang pagbibigay ng stars sa bagong batch ng celebrities sa Walk of Fame Philippines sa Eastwood City, kung saan kabilang sa binigyan ng stars ay sina Alden Richards at Maine Mendoza.

Madamdamin naman ang mensaheng ipinost ni Billy Crawford sa kanyang Instagram para kay Kuya Germs na itinuturing niyang pangalawang ama. Nagsimula si Billy bilang child star at dating miyembro ng sikat noong youth-oriented program “That’s Entertainment” ni Kuya Germs.

Sa post ni Billy, “Pa, I don’t know where to begin. You’ve always been there when I needed you the most. You are the most generous, selfless, genuine, caring father/mentor anyone could ever ask for. You’re one of the reasons why I’m still in this industry you love oh so much. I’m sad that I’m not there next to you to say my goodbyes. You will be missed tremendously. We fought, we laughed, we cried, we sang, we danced and we shared the same stage for so many years! And I want to just thank you for teaching me and guiding me through everything. It hurts to see you leave us, but God is right there to make you rest and enjoy eternity with Him. I also pray for your family to be strong and to carry a smile like you always did. You will always be our MASTER SHOWMAN! Most importantly you will always be my father and I will always be your makulit na adopted son! RIP, Pa. I love you.”

Buhos din sa social media ang mga mensahe ng pakikiramay, pagdadalamhati, papuri, at pagkilala ng mga celebrities para kay Kuya Germs. Trending topic din sa Twitter ngayong araw ang #KuyaGerms.

Narito ang ilan sa kanilang mga mensahe:

Vina Morales: “#kuyagerms #GermanMoreno I’m saddened by the news This is our last photo with Kuya Germs taken at his bday celebration of Walang Tulugan last Oct. He is one person I respect and love not only in showbiz but he is also a part of my family. I love you Kuya Germs I’m sure you are in a better place now with our Lord Jesus Christ Missing you”

Shaina Magdayao: “You did what you definitely do BEST! #MASTERSHOWMAN It was a good show, Pa! A great show actually!!! Maraming salamat sa pagmamahal mo sa aming buong pamilya esp Ate Sheila We will miss you Pa. But we are happy that finally you are agreeing to rest YOU WILL ALWAYS BE IN OUR HEARTS Enjoy heaven and heavens unli-tapa-valencia Pa at pwedeng pwede ka na sumigaw ng#WAAALAAAANG #TULUUUUGAAAN dyan kasi alam namin na this time wala na talagang tulugan ang pag bantay at alaga mo sa amin esp my pamangkins Na witness ko mula bata ako hanggang sa tumanda ako na ang dami dami mong napapasaya. Pasko man o hindi. You had such a big heart. You were a blessing not only to us but to everyone Maraming Salamat po sa lahat. I know you’re happy now in heaven We love you, Pa #GERMANMORENO #MASTERSHOWMAN #WALANGTULUGAN the show im going to do on the 10th is for you!!!! I LOVE YOU!!! ”

Alden Richards: “It’s not how much we give but how much love we put into giving, that’s Kuya Germs. Rest in peace Tay.”

Amy Perez: “Salamat po Kuya Germs sa yakap at words of encouragement na lagi nyong binigay sa akin pag nagkikita tayo! We will miss you! #kuyagerms #germanmoreno”

Lea Salonga: “RIP, Kuya Germs. And thank you. #ThursdayGroup”

Gladys Reyes: Salamat po kuya Germs sa lahat!! Hanggang sa huli ipinaramdam mo ang iyong pagmamahal sa industriya.

Ruby Rodriguez: “Let us all give prayers for Kuya Germs may he rest in peace and pray for his loved ones he has left behind

 

“I just saw Kuya Germs last sunday sa SPS and he was smiling we all went and greeted him and now he has left us all to be with his creator”

Lovi Poe: “In an industry where vultures exist. You remain to be the light that guides people like me. Tulog na po tayo at magpahinga Kuya Germs. Hindi po kita makakalimutan. I know you’re in a better place right now. I love you. ”

Arnell Ignacio: “Walang tatapat walang hihigit. Totoong walang tulugan kuya germs dahil lahat ng pangarap ng iyong mga nakausap..nakaniig…nakabiruan….ay iyong pinanatiling gising…..maraming salamat sa masasayang alaala…….hinding hindi ka malilimutan.”

Cris Villanueva: “Kuya Germs, thank you for your kindness. It is a great honor to be once under your wings, you will forever live in our hearts. Pahinga na po kayo sa piling ng ating Diyos Ama, maraming maraming maraming salamat po Kuya Germs.”

Julie Anne San Jose: “Woke up to a very sad news. Kuya Germs, we know you’ll take care of our paths here on earth. Farewell, we hope your soul rests with God.”

Dingdong Avanzado: “To a dear friend, mentor, father figure, Ninong who genuinely cared for others. We will surely miss you. Thank you Kuya Germs. Rest in Peace”

Kristoffer Martin: “You left us with your wisdom. And that we will keep til we meet again. Salamat tay. Paalam, kuya Germs.”

Ken Chan: “Tatay binago mo ang buhay ko.Napakaswerte ko na naging parte ako ng buhay mo.Mamimiss kita.Masaya ako na nakasama kita sa iyong huling paghinga.Pahinga ka na Tatay…I am so proud of you! Idol kita! Mahal na mahal kita MASTER! #KuyaGerms”

Sheree: “Paalam Kuya Germs! Nalulungkot ako sa balita pero lahat tayo babalik din sa ama natin. Rest in peace kuya germs! Mahal ka namin sa lahat! Maraming salamat sa happiness and sa help na nabigay mo… My condolences to the family of kuya germs.. #RIP #kuyagerms #germanmoreno#fatherofshowbizindustry”

Yasmien Kurdi: “Eto na pala yung last picture namin ni #KuyaGerms noong Sept. 22,2015 :( Maraming salamat po sa pagiging Tatay sa aming lahat. #RIP #mastershowman …We Love you @Goldengerms”

Bea Binene: “You will always be in our hearts. You and everything you did will never be forgotten. You are a legacy. May you rest in peace, Kuya Germs.”

Rocco Nacino: “Rest in Peace Kuya Germs. You lived a long, full life. I am very glad and honored to have met you. Condolences to the Moreno family”

KC Montero: You can finally sleep now Kuya Germs. Heaven welcomes The Master Showman. #respect

Mula sa mga bumubuo ng Pinoy Parazzi, ang aming taos-pusong pakikiramay. Kuya Germs, maraming salamat at paalam.

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

loading...

2 thoughts on “German “Kuya Germs” Moreno, pumanaw na sa edad na 82

  1. we miss u kuya germs especially those that’s entertainment days na lahat ng young talents saibat-ibang bakuran ng movie outfits ay nagkaisa-isa na imposible nang mangyari ngayon

  2. Condolence Po sa family ni German Moreno, may he rest in peace-
    Puede Po bang magtanong?
    How old Po si Mr german moreno is he
    72 or 82?

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.