Gerald Santos, susubukang maghubad sa pelikula

Gerald-SantosHANDANG-HANDA NA raw magpaka-daring sa paggawa ng pelikula ang tinaguriang Prince of Ballad na si Gerald Santos lalo na’t nasa right age na raw siya at hindi na bumabata, kaya naman daw sa kanyang gagawing konsiyerto na magaganap sa June 28 sa SM North Edsa Skydome na may titulong “Gerald Santos … It’s Time”, may patikim na pagpapa-sexy ang singer na dapat abangan ng mga manonood.

“Depende siguro sa script, director at makakasama ko. Kasi first time kong gagawin na magpapaka-daring sa pelikula, so kailangan sure ako sa lahat ng bagay.

“Kailangang maganda ‘yung script, magaling ‘yung director. Kailangang mahusay ‘yung mga makakasama ko para maganda ‘yung kalabasan ng pelikulang gagawin ko.

“Kung pang award naman ‘yung pelikula at maipalalabas sa international, why not? I’m willing to take the risk. Kumbaga kung may isang maselang eksena sa pelikula na kailangan naman talagang gawin sa ikagaganda ng movie, bakit ‘di ko gagawin?

“Dapat lang sigurong ipaliwanag sa akin kung bakit dapat kong gawin. Mahirap kasi na gagawin mo lang tapos ‘di mo alam kung bakit kailangan mong gawin.”

Gaano ka-daring ang kaya mong gawin?

“Siguro dahil baguhan ako, kaya ko nang mag-topless , naka-skimpy shorts o mas daring pa du’n. Let’s see ‘pag nandu’n na ako.

“Mahirap kasing magsabi kung hanggang saan ang kaya kong mag-daring, kasi iba ‘pag nandu’n ka na. Tingnan na lang natin ‘pag nandu’n na, abangan na lang nila.

“Pero if ever na papapiliin ako ng makakasama sa mga daring scene, gusto ko si Maja Salvador. Maganda kasi siya at magaling umarte bukod sa type ko talaga siya. Hahaha!” Pagtatapos ni Gerald.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

One thought on “Gerald Santos, susubukang maghubad sa pelikula

Leave a Reply

Your email address will not be published.