Gerald Santos, pinaasa lang ni Joel Cruz!

FOR SURE, MARAMI ang nagtaka kung bakit wala ni isa sa mga WW.Girls ang nagsayaw sa last Wednesday episode ng Willing-Willie. Nagulat din kami na talagang mula sa umpisa hanggang sa ending ng show, ang choreographer na si Ana Feliciano lang ang mega-dance sa bawat portion ng programa.

Wala namang sinasabi ang main host ng show na si Willie Revillame kung bakit nagkagano’n. Basta makailang ulit lang itong pabirong nagpa-punchline na, ang galing ni Ana, puwede naman palang siyang mag-isa na lang, nakatipid pa ang show.

We tried texting some people from TV5 kung ano kaya ang naging problema. Nag-boycott ba ang WW.Girls, o ano kaya?  Pero wala ni isang nag-reply. Naisip namin, may problema nga siguro talaga na kung may alam man sila ay ayaw na lang nila na sa kanila manggaling.

Until isang kasamahan naming reporter na kaibigan ng isang close kay Willie ang nagsabi sa amin na ‘yong hindi paglabas ng WW.Girls sa Willing Willie ng gabing iyon ay isang disciplinary action daw sa mga ito. Lumalala raw kasi ang awayan sa grupo kaya kinaila-ngang kastiguhin na umano.

Hindi na lang naidetalye pa sa amin kung sinu-sino ang nag-aaway-away at kung ano ang puno’t dulo ng tumitinding gulo. Pero sa ibinigay na disciplinary action sa mga ito, siguradong matatauhan daw ang bawat miyembro at mari-realize na walang ibubu-ngang maganda ‘yong awayan nila. Na dapat ay kanilang ayusin na kung anuman ‘yong problema.

Nakita rin naman siguro nila, umere pa rin nang maayos ang Willing Willie kahit wala sila. At marami ang bumilib na mag-isang naitawid ng choreographer nilang si Ana Feliciano lahat ng portion na may dance number, huh!

Actually, nakaaaliw nga na makitang parang nag-one-woman show si Ana. With or without the WW.Girls, hataw pa rin sa primetime ang Willing Willie.

‘Yon na!

MAY TAMPO PALA si Gerald Santos and his manager sa binansagang Lord of Scents na si Joel Cruz. Napakaraming beses daw kasing naiimbita ang binatang produkto ng Pinoy Pop Superstar search na mag-perform sa mga minor events gaya ng mall shows at maging mga okasyong personal o pampamilya ng negosyante. Pinakahuli nga raw ay sa birthday ng ina nito last December.

Go naman daw nang go ang Gerald kahit honorarium lang ang natatanggap o kung minsan pa nga raw ay wala talaga, bilang pakikisama na rin. May inilalambing daw kasi ang kanyang manager kay Joel, na since may hukbo rin naman daw siya ng mga tagahanga, baka puwedeng magkaroon din ang binata ng sariling scent o perfume na puwedeng i-endorse under Afficionado.

Nag-yes naman umano si Joel since they are like family na rin daw. Ang kaso, maraming buwan daw ang dumaan, wala namang nangyari sa gano’ng naging usapan.

Nagtataka rin daw si Gerald at ang manager niya kung bakit sa mga major events ng Afficionado gaya ng malakihang concert na ginanap kamakailan sa Mall of Asia kung saan pangunahing tampok ang pinakabagong endorser nito na si Charice kasama ang iba pang celebrities na datihan nang nag-i-endorso ng nabanggit na line of perfumes and colognes, hindi sila nai-invite na mag-perform.

Two hours daw before the show, nakatanggap sila ng tawag mula sa tauhan ni Joel. Ini-invite sila not to perform kundi para manood lang.

Ganyan?

Anyway, ipinagpapasalamat na rin ni Gerald at ng kanyang mana-ger na naging isa sa mga sponsors ang Afficionado ng second album niyang ipinu-promote ngayon na “Gerald Santos: Pinakahihintay”. Ongoing ang kanyang promo tour para rito sa iba’t ibang lugar sa buong bansa.

He will also be having a pre-Valentine concert entitled “Luv Haus” on February 5 sa Zirkoh Morato kung saan special guest niya sina Angelica Panganiban, Wally Bayola, Jose Manalo, at si Luningning. Isa itong fund raising project para sa gusto niyang matulungang mga batang may kanser na nasa pa-ngangalaga ng The Child Haus na sa ngayon ay namimiligrong mapaalis sa kanilang tinitirahan.

Happy naman daw siya sa paglipat niya sa TV5. Enjoy umano siya sa regular appearance niya every week sa TV5. And he’s hoping to have other TV shows and acting projects din.

Go Gerald!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.