Gerald Madrid on Alma’s wedding plans

BLIND ITEM: NATAWA naman kami sa isang production staff ng isang live show. Nu’ng yumuko raw ang isang not-so-young actor para magsuot ng sapatos, nakita raw niya ang strap ng briefs nito.

Sabi raw niya sa not-so-young actor, “Kumusta naman ang underwear mong pink?”
Sey daw sa kanya ng actor, “‘Yan ang uso ngayon!”

At nu’ng balikan kami ng staff, “Hmph, chika lang niya ‘yon. Tinakpan niya kaya agad ‘yung strap ng briefs niya nu’ng sitahin ko. Uso pala, tapos, itatago mo lalo ‘yung strap? Hello!”
Hay, naku… read between the lines na lang kayo kung mahuhulaan n’yo.

TUMAWAG NU’NG ISANG araw sa amin si Gerald Madrid. Nagtataka siya. Ba’t daw gano’n, ang tagal nang wala na sila ni Alma Moreno, isinasabit pa rin ng ibang manunulat ang pangalan niya.

“Ngayon na naman, Ogs, porke nakapangasawa si Ness ng isang mayor sa Mindanao, sabit na naman ako. Kesyo at least daw, me trabaho ang dyowa niya. Hindi daw tulad nu’ng dati, nu’ng panahon ko nga, hindi raw ako kumakayod.

“Ano ba naman ‘yon, Ogs? Nagtatrabaho naman ako. Me Calla Lily ako that time. Hindi naman ako ‘yung tipong umaasa kay Ness. Kahit itanong mo pa sa kanya, hindi ko siya hinihingan, kasi, me trabaho rin naman ako.

“Ba’t gano’n? Parang unfair naman sa akin ‘yon. Ang sama-sama ng loob ko talaga. Nananahimik ako, tapos, isasabit na naman ako.”

Sabi namin kay Gerald, ‘wag na siyang magdamdam o sumama ang loob. Normal lang naman sa showbiz ‘yong isyung naikukumpara ang ex sa current.

The fact na naaalala pa rin ang pangalan niya kahit sa negative na paraan, ibig sabihin, nararamdaman pa rin ang kanyang presensiya. May “K” pa rin siya.

“Gano’n ba ‘yon?” Napagtanto ni Gerald. “Buti na lang, nakausap kita. Medyo gumaan naman ang pakiramdam ko sa sinabi mo.”

Oo, ‘wag na siyang magre-react. Mas ma-shock siya kung hindi na binabanggit ng reporter ang pangalan niya. Ibig sabihin, deadma na siya sa kamalayan ng reporter.
“Thanks, Ogs, ha? Kaya mahal na mahal kita, eh!”

Hahahaha! Si Gerald talaga, oo! Wala ‘yon. Kinilig tuloy ako. Hahaha! Joke!

“Uy, sabihin mo naman kay Tita Annabelle, sabihan niya si Raymond na magpapayat!”
Hahaha! Kinowt talaga namin ang aming friend na si baklang Ferdie, dahil nanood daw siya ng Showbiz Central at tinatanong kami kung ba’t daw lumapad nang bonggang-bongga si Raymond.

I’m sure, hindi naman siguro nagkukulang si Tita Annabelle sa pagsasabi sa kakambal ni Richard na mag-diet, ‘no!

Saka kung healthy naman si Raymond kahit gano’n siya kadyubis, eh, keri lang, ‘no! Siguro rin, kaya gano’ng katawan ang gusto ni Raymond, eh, para hindi na sila mapagkamalang kambal ni Richard.

Para na rin siguro magkaroon din siya ng sariling identity, ‘di ba?
“Gano’n ba? Me narinig akong iba, eh!”

Hay, naku… ikaw talaga, potah ka! Buti na lang, hindi ka artista or else, tatarayan ka nang bonggang-bongga ni Tita Annabelle, promise.

‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi mula Lunes hanggang Biyernes sa Wow! Ang Showbiiiz! sa DWIZ 882AM Band o ‘di kaya ay mag-log on sa www.dwiz882.com para makasagap kayo ng latest chika, 11-12nn.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.