Guesswhodoes: Gerald Madrid does the ‘shoplifting’

Umingay ang pangalan ni Gerald Madrid ilang taon nang nakakaraan ng aminin nito sa publiko ang relasyon nila ng orig Eva Fonda na si Alma Moreno. Nagsi-taasan ang mga kilay ng mga badet dahil na rin sa kanilang mga malisyosong iniisip. Sa kasamaang palad ay nauwi lang sa wala ang kanilang May-December love affair. Balita namin ay naging maayos naman daw ang kanilang paghihiwalay. Alam naman natin na happily married na ngayon si loveli-ness.

Nagiging aktibo muli ang magaling na aktor sa mga indie films. Isa sa mga pelikulang kasama siya ay ang “Kamoteng Kahoy”, na nakakuha ng mataas na rating sa CEB. Meron din itong isa pang pelikulang lalabasan sa nalalapit na Cinemalaya Festival. Bongga, diba?!

Hmmmm… pero nakapagtataka naman itong si Gerald. Paano ba naman, nahuli siya ng ating kaparazzi sa premiere night ng Kamoteng Kahoy na may binulsang bote! Oo mga the, Bote ng wine! Umaakting ba bilang shoplifter itong si Pareng Gerald? Bagay ata na title para sa next movie niya ay ‘Mambobote’ Hehehe! Naku Gerald, ibalik mo na yan baka ano pang isipin ng mga miron sayo!

Guesswhodoes
By Mica Rodriguez, Photos By Mark Atienza

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.