Gerald Anderson, walang binatbat kay Jake Cuenca by Eddie Littlefield

IKINAGULAT NI IZA Calzado ang front page ng Pinoy Parazzi last Friday, August 7,  nakunan kasi siyang kasama ang rumored boyfriend niyang si King na magka-holding hands sa concert ng Nine Inch Nails sa Araneta Coliseum. Nakausap namin ang dalaga, hindi niya itinanggi may mutual understanding na nga sila ng binata. Nasa period of getting-to-know-each-other palang ang kanilang relasyon.

Sabi nga namin kay Iza, macho guwapito ang dating nitong si King, oozing with sex appeal na agad namang  sinang-ayunan ng dalaga. “He’s a businessman and at the same time part-time lang niya ang pagiging band member, “ matipid na sambit ng magandang actress. Pilit nga namin inusisa si Iza kung kailan at papaano sila nagkakilala. Ilang months na ba silang mag-steady? Tumawa lang ang dalaga na halata mo masaya kahit hindi sinagot ang aming katanungan.

Pagpapa-tunay lamang ito na naka-recover na si Iza sa past relationship niya na tumagal ng four years. Naka-move-on na, maligaya ngayon sa bago niyang pag-ibig. “You know me naman, pagdating to my personal life ayaw kong pinag-uusapan. As much as possible, gusto kong maging private ‘yung sa amin pero hindi maiiwasan dahil artista ako. Kahit naman ‘yung past relationship ko, after we broke-up nanahimik na lang ako, never akong nagpa-interview,” pahayag ni Iza.

Ngayong bistado na si Iza na may King sa buhay niya, magiging open na kaya ang kanilang relationship ? I’m sure, nakatutok ngayon ang atensiyon kina Iza at King. Makaiiwas pa kaya ang actress na hindi mapag-usapan ang tungkol sa kanila ? Abangan na lang natin.

SA BAWA’T EPISODE ng Tayong Dalawa ay ka pansin-pansin ang galing sa pag-arte ni Jake Cuenca. Actor na nga siyang maituturing sa tunay na kahulugan nito. Buong puso niyang ibinibigay ang emosyon sa mabibigat nilang eksena ni Agot Isidro. Ramdam namin ang character na kanyang ginagampanan, maging si Kim Chiu ay hindi rin nagpahuli kay Jake sa acting.

Maging sina Gina Pareno, Robert Arevalo at Agot  puring-puri si Jake sa husay nitong umarte. Puros take 1 nga raw ang binatang actor kahit heavy drama ang eksena.

Napag-iwanan yata si Gerald Anderson, walang kabuhay-buhay ngayon umarte ang binata. Kinakain siya nang buong-buo ni Jake sa bawa’t eksena nilang dalawa. Para tuloy siyang baguhan na nagsisimula palang humarap sa kamera. Nasaan ‘yung Gerald na kinakitaan namin ng potential noon na puwedeng maging isang mahusay na artista? Hindi yata siniseryoso ng binata ang character na kanyang ginagampanan kaya hindi namin maramdaman.

Feeling kasi namin gustong maging action star ni Gerald kaya kontento na siya sa performance na ipinakikita niya sa nasabing teleserye. Sige, watch na lang namin ang Agimat kung puwede nga siyang maging action star.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

15 thoughts on “Gerald Anderson, walang binatbat kay Jake Cuenca by Eddie Littlefield

  1. ang acting style ni jake? magaling siguro if he’ll play an autistic – kasi yung acting nyang pakipat-kipat ng mata at over sa movement at sigaw na laging gusto manapaw – helloooo!

    si gerald? well, i quite agree that he can improve so much better … but he’s showing strong potential, pero kulang pa sa angst. but the recognition he is getting from etablished actors in the industry lately is an indication that we can expect greater things to come for gerald.

  2. ANO BA YANN!!! Pilit na naman binubuhay itong comparison ek ek na ‘to. Nagkaroon lang ng konting tamlay ang career ni Cuenca dahil dun sa “bad breath issue na ‘yan” (imagine what one nasty rumor can do to an actor’s career) at yung flop movie nyang Villa Estrella, heto’t gagawa lang ng ingay ang mga publicists nya at Gerald Anderson’s expense pa. Pwede ba patahimikin nyo naman ‘tong mga batang ‘to. They’re both effective in their own ways, yun ang hinihingi ng roles nila kaya nga super hit ang Tayong Dalawa. Kung meron mang sisisihin e yung directors yun kasi it’s their final call kung ok o “pwede na” ang performance!

  3. di ko ma-explain pero kapag eksena na ni jake ang nasa screen di ako makatingin sa akting nya, naaalibadbaran ako! parang napaka- OA! namumuo pa laway, ewww!!! puro lang pa-cute! si gerald simple lang ang banat, di kailangang magpa-cute kaya di apektado ang akting sa bawat eksena.

  4. akala ni gerald ang akting madadala sa mata at timbre ng boses. sa totoo lang para siyang estatwa. magsanay ka pa gerald.

  5. anung acting ba meron c Gerald? kse kada nanonood kme ng TD e iisa lng ang reaction nya which is ” NR”! Pasalamat cia at gwapo cia kya hindi na napapansin ngmga fans nya na wala ciang acting….

    C Jake nman mas ok na kesa k Gerald na prang napadaan lng kung saan2.. Dpat kse ang sisihin ung WRITER @ DIRECTOr ng TD, masyado na OA ung story na hindi na makatotohanan kya pti ung artista nawawalan na ng gana… Buti n lng magagaling na artista nakapalibot sa kanila.. C Kim ok impressive ung acting although nakaka-inis ung character.

  6. hmph! etchos nman ‘tong writer na ‘to. Mas paniniwalaan ko naman ang critic na si Nestor Torre kesa dito, mas may kredibilidad. Dapat ang name nito hindi “Eddie Littlefield” dapat “Eddie Littlehair” BWAH ha ha ha ha! (just look at his picture na lang!)

  7. haay naku inaa-agitate lang nito ang feelings ng mga kimeralds. Batid nya kasi na marami itong tagahanga kaya pilit i-compare kay jake para dumugin ang article nya. Kung nanonood ka talaga ng tayong dalawa dapat napapansin mo na iba na yung acting ni jake ngayon compared nung mga middle part nitong teleserye, magaling sya nun pero lately super OA na, especially yung eyes nya halatang-halata na pilit nyang bini-blink para tumulo ang luha. Di ko ma-gets, but anyways Gerald still needs improvement pero hindi naman ganung napagiiwanan gaya nang inaakala mo.

  8. ok ang acting ni jake cuenca? baka di ka nanonood ng TD? tignan mo sya sa screen parang nakatingin sa kung saan, parang bulag. todo emote at walang lalim na pinaghuhugutan.

    kung yung acting ni jake cuenca e magaling na sayo – no wonder hindi ka umaasenso sa industriyang kinalalagyan mo.

  9. Gerald is trying to play mature by lowering the tone of his voice. Ang nangyayari tuloy, nagiging napaka-artificial ng pagsasalita nya. Hindi naman nya kailangang gawin yon. He can be mature in some other ways, pero not using his voice. Mas okay kung yung natural na lang nya. Meron namang mga tao talaga na kahit tumatanda ay hindi nagbabago ang boses. Sa case kasi nya, masyado nyang binabantayan ang pagpapalaki ng boses nya kaya hindi sya makaarte ng maayos. With Jake naman, natural ang voice nya. Hindi masyadong macho pero hindi naman artificial.

    Piece of advice to Gerald.

  10. Sana nabasa mo rin Mr. Littlefield ang opinion ng noted movie critic na si Nestor Torre na bilib na bilib kay Gerald sa kanyang pagtackle sa kanyang character on TD compared to the other newbies in the group…para hindi ka masyadong mag sound so pabaya sa critique mo sa kanya.

    FYI, ang three other actors na hinahangaan ni Christopher de Leon sa ngayon ay si Piolo, Jericho and John Lloyd…the fourth being Gerald…ito yong sinabi niya about Gerald, ” he has such intensity; such passion; he has the flair and he knows how to use his eyes..”

    Coming from CDL…masyadong angat talaga si Gerald compared…but I respect your opinion at hindi ko rin sinasabi na hindi magaling si Jake…just that saludo lang talaga ako sa opinion ni Nestor Torre and Christopher de Leon. Peace.

  11. Monotonous ang tone nang pananalita niya. Emosyon niyang ine-emote, parang pare pareho. Gayang gaya nang mister ko
    ang pagtawag ni Gerald nang “Audrey”.

  12. MAY ANAK NA YANG SI GERALD ANDERSON D2 sa USA, AYAW PA NIYANG AMININ PERO KAPITBAHAY NAMIN YUNG BATA DITO SA CALIFORNIA…KUNG GUSTO NINYO EMAIL NINYO AKO.

  13. Asus….

    Ok lng kng gnun ang cmnt m kay gerald.

    Atleast mga bigstars gaya nina christopher de leon, vilma santos, albert Martinez, etc. C gerald ang tinuturing n mas mgaling s tayong dalawa kesa kay jekwa..hehe..

    At si jake kakarampot lng ang fans..kaya after tayong dalawa sya ang Tunay n mapag iiwanan..

    Btw..tnx nga pla kay Christopher de leon kc cnma nya
    C gerald sa top 3 favorite young actor nya..

    And kim congratzz naipanalo k nmin sa poll!

    Kimerald forever and ever!

Leave a Reply

Your email address will not be published.