Gerald Anderson, umaming wala na sila ni Kim Chiu!

OLA CHIKKA!! HINDI talaga matahimik ang bibig ko pagdating sa pagpuna ng mga nakakainis na chikka! Alam n’yo naman na ang inyong yours truly ay tumagal sa ating industriya ng 41 years na nang walang kahit anong kaso at hanggang ngayon ay credible pa rin… ‘di ba?? Kaya patuloy pa rin siguro ang pagbilang ko ng taon dito sa mundo ng showbizness ay para punahin ang mga hindi gumagawa ng maganda at para magkaboses ang mga tao lalo na pagdating sa mga artistang mayroong hindi kanais-nais na pinaggagagawa.

Una na rito si Cristy Fermin na mukhang sa tigas ng mu… este dibdib ay manhid na sa mga pagpuna sa kanyang pagiging harbatera at sumbatera, at siguro nga ay nahawaan na itong co-host niyang si Mo Twister na patuloy ang pambabatikos sa kababaihan. Teka! Mukhang hindi naman siya nahawaan ng Lucyfermin baka natural na rin niya ‘yun.

‘Yung pagiging taklesa nitong si Mo ay mukhang hindi maganda na tipong wala na sa lugar at hindi patas. Paano ko nasabi? Sige nga, magsabi kayo ng kahit isang pangalan ng aktor na binakbakan nitong si Mo? Hindi ba at puro mga babae lamang ang kanyang pinupuna at kung minsan ay below the belt na ang mga sinasabi niya.

Ang mga lalaki kasi maginoo kahit bastos, ‘yung pagsabi ng mga bagay lalo na kung para sa kapakanan ng iyong sasabihan ay maidadaan iyan sa magandang usapan hindi tulad ng pag-atake ni Mo at pagbubunganga niya sa radyo at telebisyon ay hindi maganda para sa isang tunay na lalaking katulad niya.

Ako ngang bading, hinay-hinay lang sa paninita samantalang siya kung umarangkada, akala mo kung sinong perpekto daig pa ako. Hmmm… hindi kaya bading din siya?

Itulad mo na lamang sa nangyari rito kay Pokwang na kung mag-comment sila ay namemersonal na. Hindi maganda ang dating na parang pinagtutulungan nila ang mga celebrity na pinag-uusapan nila at magbibitaw ng salita nang wala namang basehan.

Hay naku… naawa tuloy ako sa mga babaeng nali-link sa kanya dahil mukhang hindi naman totoo ang mga hinala ng taong may relasyon siya kahit isa sa mga iyon. Ano ‘yun pang-front lang para sabihing lalaki siya?

Ano kaya magiging reaksiyon ni Mo sa mga sinusulat kong ito? Maging tulad kaya ito ng eksena noong nagkita kami sa elevator? After ng radio program namin sa magkaibang istasyon ay nagkasabay sa isang elevator at hawak lamang niya ang aso niya habang nakayuko… Ngayon kaya nakayuko pa rin kaya siya o baka tatalakan na rin ako tulad ng pagtalak niya sa kababaihan. Kung magkaganu’n ay ang taray ko pala?

One of the girls? Paak!

TOTOO NGA PALA na hindi lang on-screen ang relasyon nitong si Gerald Anderson at Kim Chiu dahil pati real life din. Kaso… hindi na ngayon! Ha-ha-ha!

Nabasa ko sa isang tabloid na umamin na itong si Gerald na naging sila ni Kim ngunit hiwalay na nga lang ngayon. Dapat maging masaya ni Kim dahil after all this time na pagde-deny nilang dalawa, inamin pa rin ni Gerald sa huli. ‘Yun nga lang, super huli na to the point na instead na mag-celebrate si Kim ay mukhang kabaliktaran ang nangyari dahil wala na sila.

Hindi kaya ni-request talaga ng isa sa kanila na buwagin na ang Kimerald dahil wala na talaga sila o sadyang plano na talaga ng ABS-CBN na tapusin na ang loveteam na iyan na tumagal rin ng five years?

Tsk tsk tsk… sayang naman! Kung marami ang nanghihinayang, malamang mayroong iisang tao ang nagbubunyi at kung sino man ‘yun… hindi ko sasabihin! Ha-ha-ha!!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino sila? Sino itong young artists na minsan nang napabalitang gumawa ng eksena sa loob ng kotse sa parking lot? At ngayon ay mukhang na-take two dahil ngayon naman ay naispatan na naka-park na naman ang

sasakyan ngunit hindi tulad ng usual na parking na steady lang ha? Dahil ito ay umuuga daig pa ang pump my ride. Kung dati kotse lang, ngayon pati van pinatos na!

Sa bagay, mas malaki at maluwang naman ang van kumpara sa kotse kaya panigurado ay performance level ang eksena ng dalawa sa loob.

Sino itong wild na young stars… basta si girl kapuso habang si boy kapamilya. ‘Yun na!

INAANYAYAHAN KO RIN ang lahat na saksihan ang mga naggagandahang taga-San Mateo, Rizal sa kanilang Beauty Contest mamayang gabi sa Plaza Natividad na ilan pa lamang sa napakaraming inihanda sa pagdiriwang ng kanilang kapistahan na hatid ng kanilang butihing mayor na si Mayor Rafael “Paeng” Diaz.

Maiinit na chikka at no holds barred ba ang nais n’yo? Kung ganu’n ay abangan sa aking programa sa DWSS 1494 kHz  weekdays from 11:30-12 nn, kaya makigulo at maging una sa chikka kasama ang aking mga parazzi girls na sina Lady Camille, Lady Ghaga and Lady Khianna. At patuloy pa rin po akong subaybayan sa DZRH TV tuwing Linggo mula 2:30-3:30 pm. Thank you very much and God Bless us all!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleLuis Manzano, gustong ipatikim kay Vice Ganda ang masarap niyang hotdog at itlog!
Next articleMaui Taylor, bagong anghel ni Willie Revillame!

No posts to display