Gerald Anderson, Umamin Nang Nagde-Date Sila ni Bea Alonzo!

TOTOONG NAKA-MOVE-ON na si Kim Chiu sa controversial break-up nila ni Gerald Anderson. Naging malaking issue ang love affair ng dalawa. Pati Kim-Gerald fans naging sentro ng intriga. Ma-drama ang naging eksena ni Gerald sa presscon ng kanilang pelikula, kung saan umiyak at nag-walkout ang actor. Eksenang hindi mo mawari kung nagpapa-underdog epek o gimik lamang?

Ilang buwang hindi mamatay-matay ang issue na may romansang namamagitan kina Gerald at Bea Alonzo. Always deny to death ang guwapong aktor tuwing nababanggit ang tungkol sa kanila. Nang mag-show sina Gerald at Bea sa US, pumutok ang balita na diumano nag-break na raw ang dalawa. To think na wala namang pag-amin na naging sila, pero nagkahiwalay na! Madalas nilang sabihin na friends lang ang pagiging malapit nila sa isa’t isa na palaging litanya ng bawat artista.

Nang tanungin si Kim tungkol sa diumano’y break-up nina Gerald at Bea. Ayaw niyang magbigay ng komento tungkol dito. Buhay raw nila ‘yun, ayaw niyang makialam. Happy ngayon ang young actress sa pagiging single at sa blessings na dumarating sa kanya.

Kahit may lihim na ugnayan sina Gerald at Bea, tahimik lang si Kim. Binabati naman raw niya si Bea tuwing nagkikita sila. Walang dahilan para hindi niya batiin ang magaling na actress. Hindi naman daw sila magkagalit at hindi siya galit dito. Katunayan nga, magkasama sina Kim at Bea sa Your Song.

Hindi pa handa si Kim na umibig uli, focus muna raw siya sa kanyang acting career. May movie na gagawin with Piolo Pascual under Star Cinema. Hopefully, may project with international action superstar Jacky Chan, kaya excited ang dalaga.

Sa ngayon, matatag na hinaharap ni Kim ang hamon ng buhay. Ayaw na niyang pag-usapan pa ang totoong nangyari sa kanila ni Gerald. Tapos na raw ‘yun, isang kabanata sa kanyang buhay na hindi niya malilimutan. Pakiusap ni Kim, “Respeto na lang sa amin ni Gerald at ibalato na lang po ninyo sa amin  kung ano ‘yung nangyari sa amin. Once na magsalita, mas maraming masasaktan, mas maraming natatamaan. Ayaw ko po ng ganu’n.”

AT LAST, UMAMIN DIN si Gerald Anderson na nanliligaw siya kay Bea Alonzo. Hindi lang niya inamin na ang actress ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Kim Chiu. Natapos na rin ang super pagdi-deny ni Gerald sa totoong namagitan sa kanila ng actress. Wala na kasing dahilan para itago pa nila ni Bea ang tunay nilang relasyon. Tama na ang pagkukunwari, naipalabas na ang pelikula nila ni Kim na ayon sa balita, hindi raw gaanong kumita ito sa takilya.

This time, gusto ni Gerald na maging totoo sa kanyang sarili. Patunayan kay Bea ang tunay niyang saloobin. Hindi ‘yung nagkukubli sila sa dilim. Inamin ng binata na nagde-date na nga sila ng dalaga. “We were seeing each other and mas nakilala ko siya. Hindi lang ‘yung si Bea Alonzo but as a person whose very genuine sorbrang bait and I have great opportunity to know her. We decided to stay friends muna…” say ni Gerald na alam nating may mutual understanding na sila, matagal na, ‘di ba?

Sige na nga, friends lang ang relationship na mayroon sina Gerald at Bea sa ngayon. Sa tono ng pagsasalita ni Gerald, ramdam mong in love ang binata. May lalim na ang namagitan sa kanilang dalawa pero pawang pagkukunwari pa rin ang drama ng actor. “We got to know each other better, ‘yun ang importante sa amin,” turan niya. Ganu’n?

Naging open si Gerald sa totoong saloobin niya kay Bea, walang dahilan para muling masaktan ang ex-girlfriend niyang si Kim Chiu dahil tapos na ang kanilang relasyon. Naging maayos naman ang kanilang paghihiwalay so, single sila ngayon. We’re good friends and sa lahat ng nangyari sa amin last few months, we’re even stronger. We’re all single, I’m doing it right now para kahit papaano, ma-sealed ko sila from all the things that has happened to us. Maprotektahan ko sila because I care for both of them,” pahayag ng aktor.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

42 thoughts on “Gerald Anderson, Umamin Nang Nagde-Date Sila ni Bea Alonzo!

  1. Walang masama kung nag date or maybe nagdedate pa .mga tao din sila at may pribadong buhay walang pakealam ang mga fans kung anong gawin nila sa buhay nila behind the camera.Agree ako sa isa ang poster dito,hindi kasi nagyari yong gusto nila na maging real yong pasweet kuno ni Kim at Gerald kaya galit sila sa lahat ng babaeng nalilink kay Gerald In fairness naman kay Gerald si Bea lang ang inamin nyang nakadate nya.

  2. namumuro na sa pagiging sinungaling at pashowbiz si ge,,ito ang ikakalaglag nya,,,ke bata pa,,liar na!!!sige lang!!!nag date lang daw,,NAGING SILA NI BEA,,AT BREAK NA SILA NOW,,wag nyang sabihin nag date,,magpaka true naman!wala naman mawawala e,,..bobo ba mga tao,,,kasiraan pa yan s ainyo ni bea,,,kase naman kebata pa,,ang haharot na,,di muna mag focus sa work at pag iipon,,kala mo nauubusan!hayyz,…gerard,..wag mong hayaan maging nega ang image mo sa tao gaya ni JLC,,if so,,mawawala ka,,stay real sa tao,,at stay nice,,..mas ok ngang wag na muna kase bata pa kayo ni bea at wala ding patutunguhan,,saka na,..mas ok,,stay wid god na muna,,ibibgay nya ang tamang tao sa inyo,,in his tym,,

  3. finally umamin din…pro bakit frends lang?takot pa din?hehehe…mas ok ng mghiwalay cla ni kim for a change nman pra di pagsawaan ng mga tao.dun nlang c gerald mgpaampon at mg paawa sa fans ni bea hehehe…cguro totoo din ung sa kanila ni pauline luna pro deny to death sya kahit maraming witness.baka u should catch him red handed pra umamin hehhee…

  4. well about time. that guy is a liar! and his so stupid for lying in the first place! kim deserves better. and Bea could do better than Gerald Anderson. helller! it’s just Gerald Anderson. His not worth it whahahahahaha!

  5. HiDi kAmI PaPayAg Na sLA PA N BeA KaSi maS IdOl NaMi c kIm MAs mAgAnDa sYa IdOl rIn nA Mn nAmI c bEa pRo mAS IDol K C KiM maHaL NaMe c kIm laHaT nAg BarKadA NaMe NAgAgALiT Ka BeA dAhIl KaY gEraDl sUrI KaAyO BeA……..

    • sooooooo???? bakit kayo ba ang dapat sundin ng idol nyo?? may sarili silang utak at desisyon at wala kayong pakialam dun! bakit? hindi ba 5 buwan na kayong galit kay bea? may bago pa ba dun? masyado kayong OA!!!!

  6. correction lang eddie sa article mo..walang ligawang nangyari kina gerald at bea nag-kalasingan din off to bed na sila sa HT concert sa New York… di mo ba nakita yung pictures na lango ang mga itsura nila..panay ba nga liyad ni bea dun sa pictures..

    yun ang simula ng knowing each other nila…

    kayo namang mga tabloid writer ..get your facts very well before writng down…like mo i will supply you with concrete evidence…hehehehe..i got the pictures….hahahaha

    • isa pa itong desperadang matandang ito. ang sabihin nyo naudlot ang mga fantasya nyo sa relasyong gawa gawa lang ninyo. hindi nyo masaksak dyan sa utak nyong BAOS na wala talagang realsyon si kim at gerald, pero pinipilit pa rin ninyong isikisik na meron. LOSER!!!!!

  7. Gerald Anderson is the new Fernando Poe Jr as the
    action king. Why? Parehong filamerican sina FPJ at
    Gerald, tisoy na tisoy. Parehong matinik sa babae. Si
    Charito Solis ang unang naging girlfriend ni FPJ sa
    showbiz at maraming artistang babae ang na-link kay
    FPJ before and after marrying Susan Roces. Ganito rin
    ang nakikita ko kay Gerald, as the new action king, hindi
    lang sina Bea at Kim ang ma-iinvolve kay Gerald in the
    future, maraming babae ang mahuhumaling kay Gerald
    either show biz or non-showbiz. Si Gerald is being groomed as the action king, magaling siya sa bakbakan
    at macho ang dating. Mga former fans ni FPJ ay si
    Gerald ang favourite actor nila ngayon dahil sa action
    na pinakikita ni Gerald sa mga teleserye.

  8. well then gerald is seing bea now….
    that’s great…… i hate them….. both
    but i love that they are seing each other…..

  9. umamin nga pero biglang bawi..friends lang muna kami…si gerald duwag talaga takot mawalan ng projects.

    until now deny pa rin si bea…hahaha…

    kawawa din yung mga fans umaasa pa naman na tuloy na tambalan nila….hehehe

    mukhang di ata pag-bigyan ng management ang umaasang bearald fanatics…sorry guys nega pa rin kasi dating ng lovebirds ninyo.

    so the management decides it will be
    bea at binoe..

    gerald at sarah…

    gudluck sa bagong pairing…

  10. hehe… date for gerald is sexcapades with bea…. mga bea fanatics pa nga nag-post sa twitter..about the Tagaytay Highlands check-in nila nung undas…proud pa nga sila ng pinag-usapan nila ito sa thread nila…

    pati yung sa guam at london “honeymoon” daw….

    gerald wag na mag-sinungaling for the sake of both your upcoming projects… wala ng maniniwala sa iyo…

    go tell the marines…hahahaha

    • May ganun! Pati marines sinama-funny! Hayaan na kasi,wag ng mag nega…pakialaman na Lang buhay ninyo…di pag-aari ang mga artista…esep esep Lang…

  11. naku andito na naman ang tandang lota na malebog. andun ka ba katabi nila? diba kayong taga Baos ang nagpasimula nyan at pinadala sa isang bayarang writer? lola, ang tanda tanda mo na mahilig ka pa rin sa ganyan. mahiya hiya ka sa sarili mo impo. para kang walang pinag tandaan.

  12. aaawww love it.. finally naipagtanggol na rin ni Gerald si Bea. hindi niya kasi magawa un dati kasi merong movie ang kimerald, but bye bye kimerald hahahaha.. yan napapala nyo sa mga masasama nyong kimerald fans..

  13. im not a fan of gerald and bea pero ung ganitong chismis di dapat paniwalaan hanggat walang ebidence k2lad ng tsika tungkol kay jl at shaina. Sana nmn ung mga nagkakalat ng ganitong chismis eh makunsensya at isipin nila na nkakahiya lalo n sa part ng babae!

  14. di ba ang airlines na tinutukoy sa tsismis ay pag aari ng Middle eastern country? Policy or rule nilang walang bastusan kahit sa plane? Ay ibig sabihin,Hindi tutuo ang Bea-Gerald incident sa airplane na yun? Sana naman mga nag-comment about hhis issue tumigil na kasi kawawa naman si Ge at Bea…ok na sill ni Kim so wag ng dagdagan pa ang mga malisyosong issue .

  15. SInungaling talaga yan gerald na yan! ANONG date lang!.Baka akala mo gerald! di kalat yon ginawa ninyo ni bea sa loob ng airplane airways! ginawa ninyong “MOTEL” ang loob ng eroplano!!!Tapos sasabihin mong nagdidate lang kayo!! TUmigil ka na sa KASINUNGALING MO!! dahil ..kahit ano pang gawin mong paglilinis sa pangalan mo! Sirang sira kana ..at hindi kana kapanipaniwalang tao!!!!

    • pilipino nga naman, parang nakita mo sila sa akto /^o^…narinig mo lang yan dyan sa KANTO eh!!!Kayo talaga mga pausong balita~….

    • Katawa ka naman…nakita ba ng 2 mong mga mata or nabasa kay Cristy fermin na unreliable? I think mga kathang sip lang ang tungkol sa eroplano issue na yan kasi yung airline na sinabi ni C F ay mali,wala tong papuntang London kasi taga duon ako…hay naku! Tsismis nga naman!

    • Let me ask you Lota, have you witnessed it or you just read it in a tabloid? I was a flight attendant before and i don’t believe that chismis, period and period. It’s impossible for a couple to do a “quickie” on board a flight especially if the flight is fully booked. As a flight attendant, we’re supposed to look after the safety of the passengers, hindi lang para pagsilbihan sila, and to allow a couple to do their “thing” on board the plane is absolutely absurd. Mababaw na lang ang utak ng magiisip ng ganyan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.