Gerald Anderson, tagilid na ang career by Archie de Calma

HANGGANG NGAYON, MARAMI pa rin ang nagtatanong ng kung anu-anong isyu kay Jessa Zaragoza tungkol kay Rufa Mae Quinto. Napapangiti lang si Jessa at sinasabi nga niyang sa estado niya bilang ina at asawa, mas mabuting mag-concentrate na lang siya sa aspetong ito ng kanyang buhay, kaya hindi na siya apektado ng kung anu-anong intriga.

Hindi pa rin pala nagtatagpo ang landas ng dalawa. Noong mag-guest si Jessa sa S.O.P. noon as part of the promo for Rosalinda kung saan may mahalagang papel si Jessa, hindi sila nagkita ni Rufa Mae dahil nag-stay ito sa room designated for the hosts. Si Jessa ay nag-stay sa ibang room na malayo, kasama ang iba pang guests. Ina-anticipate ni Jessa na magkikita sila ni Rufa Mae, pero hindi nga nangyari.

Kasi, kung magkikita naman daw sila, wala namang magiging problema. Kung matatandaan, nagkrus na ang landas nila ni Rufa Mae dahil sa naging kaugnayan din nito sa ngayo’y asawa na ni Jessa na si Dingdong Avanzado.

Abangan na lang ang sakaling pagkikita nina Rufa Mae at Jessa dahil nagpu-promote naman itong huli ng comeback album nito, ang Jessa Sings The Great Musical Icons na naglalaman ng sarili niyang versions ng mga klasikong “La Isla Bonita”,”Call Me”,”Don’t Be Cruel”,”When You Tell Me That You Love Me”,”Broken-Hearted Me” at marami pang iba.

MAY MGA NAGSASABING tagilid ang status ni Gerald Anderson ngayong iba na ang kapareha niya sa bagong action-seryeng Tiagong Akyat. Ang leading lady rito ay si Maxene Eigenmann, hindi na si Kim Chiu. Mukhang pagkatapos ng Tayong Dalawa, medyo matatagalan bago magtambal muli ang dalawa.

Aware si Gerald na magwawala ang Kimerald fans nila. Ito ang legion of fans nina Kim at Gerald na sobrang die-hard sa kanila, pero umaasa ang actor na magpapatuloy na sumubaybay sa kanila ang fans nila ni Kim kahit iba-iba muna ang kapareha nila.

Sabi ni Gerald, pagkakataon din naman daw ito para sa kanilang dalawa ni Kim na masubukan ang solo potentials nila. Hindi raw sa ayaw na ni Gerald ng tambalan nila ni Kim, pero mas maganda kung naipaplano ang pacing nito nang hindi sila kasawaan kung sila nang sila ang napapanood together.

PAGKATAPOS NA HINDI umubra ang tuksuhan kina Jericho Rosales at Karylle, heto at ang bagong ibinubuyo ng friends nila kay K ay si Coco Martin. Nagulat na lang kami dahil sa nakaraang edisyon ng ASAP ‘09, hindi mawaring kinikilig itong si Coco sa panunukso ng mga kasama niyang sina Jake Cuenca, Jolo Revilla at Gerald. Mukhang si Coco ang affected at halatang dyahe. Halatang ibinuking siya nina Gerald at Jake. Hindi kaya  napapangunahan ito kaya malamang na maunahan na ng pagkadyahe si Coco at mailang naman si Karylle sa kanya?

Calm Ever
Archie de Calma

loading...

14 thoughts on “Gerald Anderson, tagilid na ang career by Archie de Calma

  1. AY NAKU SURE NA INGGIT LANG KAYO KAY GERALD AT COCO… KAYA MGA LALONG SUMISIKAT EH…

    ANG DAMI KAYANG SHOWS NI GERALD…

  2. ..hoi,sa 5th comment!pwd ba,dahan2 ka ng paananalita mo!!hnd mkakayanan ni gerald kng hnd si kim ang partner nya.isang araw,tatapunan nlang xa ng mga intriga resulting to the deterioration of his career!gerald,nwalan kmi ng gana sayo!

  3. to:HA!HA!

    dba c dingdong nio ay meon movie n katambal nia ay c UGE dba?at meon p yta cla KISSING SCENE ?!!!huh!

  4. Buti naman! nakakasawa na nga silang dalawa nung KIM! Sana ipatner na lang siya kay EUGENE DOMINGO!! Tingnan lang natin kung talagang maging sucess pa yung career niya….

Leave a Reply

Your email address will not be published.