Gerald Anderson, sobrang proud sa kanyang 2017 Los Angeles Marathon finish

HAPPY to learn na wala man sa Top 100 finishers sa mga sumali sa Los Angeles Marathon sa California, USA, isang dream come true para sa Kapamilya actor na si Gerald Anderson na mapabilang sa naturang running event na naganap last Sunday, March 19.

Proud na ipinakikita ni Gerald Anderson ang kanyang finisher medal na nakuha sa katatapos na Los Angeles Marathon sa California, USA.

Ang katibayan ng pagsali at pagtatapos ni Gerald sa 2017 Los Angeles Marathon.

Nagpakuha ng litrato si Gerald kasama ang top finisher ng Los Angeles Marathon noong nakaraang taon na si Weldon Kirui mula sa bansang Kenya.

Sa pre-event, na-meet ni Gerald ang 2016 Los Angeles Marathron top finisher na si Weldon Kirui na taga-Kenya sa Africa at proud siyang nagpakuha pa ng picture kasama ito.

Out of 18,867 finishers, na ang ilang sumali ay hindi umabot sa finish line dahil hindi na kinaya ang mahabang takbuhan at huminto na sa kalagitnaan, ang aktor ay pinarangalan bilang 4,277th finisher.

Dito mo talaga makikita kay Gerald ang pagpupursige na mag-excel sa piniling sports.

Kung maalala pa, noong nakaraang birthday ni Geh ay may paandar siya na mala-duathlon na sinalihan din ng mga kaibigan niya sa showiz tulad nina Jake Cuenca, Matteo Guidicelli, at ng ex-girlfriend niyang si Kim Chiu.

Congrats, Geh! Sa susunod… Boston Marathon na!

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.