Gerald Anderson, pinasasakitan lang si Kim Chiu?!

OLA CHIKKA again and again to the maximum authority of chikka ng inyong Tita Swarding dahil may programa ako sa London simulcast, ang Pinoy Radio UK, sa Pinoy Radio Nordic, at Pinoy Radio France, via skype. Dito po ang broadcast sa Pilipinas pero ang studio namin sa London, every Saturday 11am to 1pm London time and 7-9pm Manila time.

May nagtatanong sa akin kung nasaan na si Charice? Wala akong maisagot kasi hindi ko talaga alam kung nasaan na nga si Charice. Kasi pagkatapos nu’ng contest sa Channel 2 na The X-Factor Philippines, wala na akong balita sa kanya.

Nabasa ko rito sa Pinoy Parazzi na si Charice daw ay nalilihis na ng landas. Ayon sa kanyang maderaka na si Raquel Pempengco, galit na galit ito sa isang Jamie Anne Peters na tinawag niyang linta, kasi ito raw ang bad influence kay Charice at nagsasama na yata. ‘Wag lang daw mag-krus ang kanilang landas at talagang kakalbuhin niya ang dalawang ito.

Pero teka, hindi ako interesado kay Charice.

 

‘ETO PA ang isang tanong, na nakikiusap sa akin ang mga Kimeralds London chapter, napakarami pala ng mga fans nina Kim Chiu at Gerald Anderson sa London, kung ano na raw ang status ng dalawa? Kung totoo nga ba na si Gerald na nga at si Maja Salvador?

Ang alam ko kasi, nagsalita na si Matteo Guidicelli, na masaya na siya sa relasyon nina Maja at Gerald. Kasi nga naman, nu’ng nagkahiwalay sila, walang third party. Basta na lang iniwan ni Matteo si Maja, kasi mas pinili ni Matteo ang career at ang kanyang sports.

Pero si Maja nagkahiwalay sila na mahal na mahal na niyang si Matteo, kaya lang wala siya magagawa. Kasi si Matteo nga ang umayaw. Kaya nu’ng pumasok daw si Gerald, biglang sinunggaban ni Maja na kahit sina Maja at Kim ay mag-BFF. Kaya masakit nga naman kay Kim na biglang napunta kay Maja ang dati niyang BF.

Kaya sa tanong ng mga Kimeralds ng London, ito lang ang masasabi ko: hanggang ngayon, may natitira pa ring pagmamahalan sina Kim at Gerald. Malay mo, pinasasakitan lang ni Gerald si Kim kaya pinatos niya si Maja para masaktan. Lalabas at lalabas naman ang katotohanan niyan kung magtatagpo ang kanilang landas at may bago na naman silang proyekto na pagsasamahan nila sa Dos.

Kaya sa mga fans, ‘wag kayong mawawalan ng pag-asa hangga’t hindi pa sila kasal at nagsasama sa iisang bubong, ‘di ba naman? Pero kung saan maligaya ang kanilang idolo, hala sige, humayo kayo at mag-ilusyon na lang kayo sa kanila na sila pa rin. ‘Yun na!

 

SIYA NGA pala ‘wag n’yong kaligtaang panoorin ako o pakinggan sa DZRH, RHTV every Saturday na po, 12-1pm, kasama ko si Lady Camille at Lady Ivy. At siyempre sa DWSS, daily 11:30am, at ang programa ko sa London, every Saturday rin. Search lang po n’yo sa Skype: Pinoy Radio UK, simulcast po ‘yan sa Pinoy Radio Nordic at Pinoy Radio France.

Ola chikka na, Tita Swarding! God bless!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

Related Post

loading...

34 thoughts on “Gerald Anderson, pinasasakitan lang si Kim Chiu?!

  1. sus ginoo ang mga buang nga mga Kriminalds at talagang paniwala sa lider ng kulto nila. mga ugok! kung ano man yang pina paasa ng lider nyo paniwalang paniwala naman kayo. diyos ko day! gumising na kayo habang maaga pa. nakakahiya kayo!
    ito namang baklang swarding na ito sinakyan naman ang mga ilusyon ng mga gungong na mga kriminalds.

  2. NAKOH, KIMERALDS, MOVE ON NA KAYO MGA ATENG AT KOYAH! DI NA MAIBABALIK ANG TAMBALAN NG DALAWA. PAGBIGYAN NYO NA SINA BUDOY AT THELMA. TUTAL, PAREHO NAMANG SINGLE. WALA NAMANG DAPAT MAGMURYOT, DE VAH? SI BUDOY, NANLIGAW NANG MAAYOS KAY LAIDA, KASO, BINAKURAN NI MUDRA. SI THELMA NAMAN, MAAYOS NA NAKIPAG-BREAK KAY MATTEO NA MASAYA NA RIN KAY JESSI. O DEVAH? MOVE ON NA!

  3. wag na kayong umasa, kahit project sa TV mukhang malabo ng mangyari hahaha
    sana I-DECLINE ni Kim lahat ng offer with Budoy, wala naman siyang mapapala
    sa user  na yan…. PALUBOG na ang Career niyan!… pasalamat nga at kahit papano naisalba
    pa siya ni Sarah G, sirang sira na siya sa tao… yun ngang MMK guesting niya, super Flop! bute nga sa kanya!… oh womanizer oh womanizer!… oh………

    • Gimekero na lang yan, at Gamitero, kung ako sa Budoy na yan, pahada na lang siya uli sa mga Bakla diyan sa Network niya

  4. siguro nga may mga natira pang baliw na kimerald fan…
    pero ang mahalaga naman, mas marami nang natauhan,!..
    sa dinami dami ng nangyari, sa dina dami ng BABAENG dinaanan
    ni Gerger the Womanizer, sinusuka na siya ni Kim… wala nga siyang
    respeto, pati BFF ni Kim pinatos niya!…. yung ngang mga kapatid ni Kim
    hate na hate siya, pano pa magkakatotoo yang Pantasya niyo…. 

  5. Hay naku….pano bang magpaasa??? Grabeng gmik nmn ung ngppkta n nga ng mga pics n out of town p eh.ung mga fantards nila kim at gerald pwde b wake up!!!!!iba ung positive thinker sa ilusyunada ok?

    • mga baliw o may mga sakit na lang sa utak yung natira….
      mabuti na lang, at madami nang natauhan…. IN TIME…
      mababagok din mga yan,,, nasa INDENIAL stage pa mga lola mo eh! hahahhahahahha

  6. Matagal na naming kilala ang Kimerald at medyo sanay na kami sa mga pakulo ng network. Kibit balikat na lang at antayin ang paglabas ng katotohanan. Sa ngayon, close mouthed na lang lest ano na namang ka echosan ang ipapagawa sa kanila makumbinsi lang na wala na.

    Ang mga Kimerald andito pa din at dumarami. Waiting lang patiently & naghihintay matapos ang mga palabas.

  7. kimerald for lyf!never sila naghiwalay…promo lang ang lahat..pasasaan din yan matatapos din ang mga promo…hayz showbiz nga nman parang pulitika…napaka dumi..!thats why they called an artist kase magaling sila trabao nila yan ang mag PROMO!go with the flow and let the TRUTH WILL REVAIL SOON!

    • noon pang PAULEEN LUNA at BEA ALONZO isyu yang
      line niyo na —> (PROMO! TRUTH WILL REVEAIL SOON!..)
      ay nako teh! 2013 na…. ilang BABAE pa ba titirahin ni Gerger matauhan lang kayo… hahahahha

      • hahaha as if naman alam nila ang totoo….
        Truth Will Reveal …niyo MUKHA niyo….. mas maniniwala pa
        ako sa sinasabi ni Kim at ng malalapit sa kanya….

  8. naalala ko pa sbi ni gerald ky kim hehehe :) 
    kim is always part of me kahit anung mangyri 5years 10years 20years 30years hanggang sa day i die kim is always part of me dba hehehe kimerald talaga the best!!

  9. positive news happy all kimerald :) tira tira kimerald lalu tumitibay ang kimerald !! walang hanggan love kimge:)

  10. siguro kaya sobra ang hinagpis ni kim chui dahil may nakuha na sa kanya si budoy di kaya? hehe! precious ba ang nakuha ni papa gerald kim? aminin!

    • AY DI BA NGA? PAG BREAK DAW SA TAPING A FEW YRS AGO, NAWAWALA ANG DALAWA AT NAGKUKULONG SA VAN. HAHAHA. KALOWKAH! AT SABI PA NG ISANG BAKLITANG WRITER, UMUUGA RAW ANG VAN!

  11. go go go kimerald :) never give up till the end kimerald always forever :) mula noon at ngaun mahal pa nila ang ist isa :)

  12. Pingback: Gerald Anderson, pinasasakitan lang si Kim Chiu?!Latest Showbiz Scandal | Latest Showbiz Scandal

  13. ewan ko sayo swsarding! andaming fans ng kimerald pero puro itak kalabaw. kung ibash ang nalilink kay Gerald like bea, sarah, shaina and now maja? mungtimang lang kasi umaasa sa wala at ikaw naman nagpapaasa

Leave a Reply

Your email address will not be published.