Gerald Anderson, pilit pa ring isinasabit sa isyu nina Kim Chiu at Sarah Geronimo

NAGTATAKA LANG ako na ang dami pa rin sa taga-showbiz ang hindi maka-move-on na si Gerald Anderson ay may bago na.

Tapos na ang chapter ng kanyang buhay kay Kim Chiu na pilit pa ring isinasabit at itinatanong sa kanya kahit mayroong Xian Lim na ang dalaga.

Maging si Sarah Geronimo, wala pa ring tigil ang iba na pilit pinapa-comment ang aktor tungkol sa Pop Princess gayong tapos na rin ang sa kanila kahit walang pag-amin na nagmula sa dalawa.

As a true gentleman, tama lang marahil na umiwas na lang si Gerald sa mga katanungan na parang sirang plaka gayong happy and contended naman siya sa buhay niya bilang boyfriend ni Maja Salvador.

Tama lang na mag-“No Comment” siya kapag si Kim or Sarah ang itinatanong sa kanya.

Bilang isa sa mga promising star ng ABS-CBN at ng Star Cinema, hindi lang naman ang kanyang lovelife ang p’wedeng pag-usapan ng media at ng publiko.

Siya bilang isa sa mga magagaling nating artista sa hanay ng mga sumusunod kina John Lloyd Cruz at Piolo Pascual; being a Gerald Anderson is enough without tagging the names of Kim, Sarah or even Maja sa pangalan niya.

With a flourishing career and considered as one of our good performers, Gerald has earned the respect hindi lang bilang isang matinee idol kundi bilang isang aktor.

Kaya nga challenge kay Gerald na makipagtagisan ng acting with Piolo Pascual and Joel Torre sa bagong obra ni Direk Erik Matti, ang OTJ (On The Job) na isang bagong genre na ginawa ni Gerald para masubukan ang kanyang versatility as an actor.

Hindi ako magtataka na sa konsentrasyon ni Gerald sa kanyang career as an actor, mas nabibigyan siya ng importansya ng Star Cinema (at ng Star Magic) to get good roles and projects.

Sa panahon na mahigpit ang kumpetisyon sa liga nila, tama lang at alam ni Gerald kung alin ang prayoridad niya. Sabi nga niya, “Ang chance minsan lang dumarating ‘yan. When it comes knocking in your door, grab the opportunity.”

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

19 thoughts on “Gerald Anderson, pilit pa ring isinasabit sa isyu nina Kim Chiu at Sarah Geronimo

  1. Gerald Anderson is Gerald Anderson! sa mga nagsasabi na gamitero xa? Gosh! Showbiz yan…gamitin mo alas mo habang meron pa! kung ginamit nya si Kim at Sarah, ginamit din xa ni Kim at Sarah…Naikokonek  xa dahil sa mga reporters, pero nag ‘no comment’ xa w/c is the good thing to do…TAPOS NA TAPOS na xa sa patweetum na LOVETEAM! ILANG TAON NA BA SILA? hahaha! Gerald made he’s name ALONE ngayon! hindi gaya ng iba na saka nagkaloveteam kung kelan TUMATANDA NA! kaloka! WALA NG KIMERALD AT SASA-GEGE, GERALD can stand alone. With respect to Sarah, she is talented with lots more things to offer (acting, singing, dancing) eh si KIM? (acting, singing? dancing? hindi nga makapagpasexy para sana me bago haha!) wag ng magpakatweetum kasi pang KATHNIEL, BARBIE, MILES etc. na mga yan pang BAGETS! hindi bagay ang LOVETEAM sa dalawang taong MATATANDA NA na para pang nagliligawan para lang pag usapan.

    “GERALD IS BETTER THAN YOUR NEXT, MAJA IS SEXIER, PRETTIER, TALENTED than your EX.” so hindi sila affected actually..

  2. kahit kailan talaga mahilig mang gamit itong budoy na abnoy nato e….pwede ba tigilan mo na c kim at sarah at mag move on ka na….wala ka nang career kc di ka marunong umarte…at kailan di ka rin papatulan ni maricel kc unang una na  marumi ang isip mo at user ka…..

  3. asus…di rin nmn xa sisikat kung di dahil ky kimmy…
    di rin click ang movie nila sarah kung di dahil ka pop princess

    ky maja at gerald nmn…they will not last long si maja pah…
    maghihiwalay din yan showbiz kpa….

  4. pano hindi ididikit ang pangalan nya sa dalawang babae eh dun lang naman sya napapag usapan,bakit ano ba ang dapat uriratin sa boy na ito wala dba,career wala naman at matagal nang nakatengga,talent very limited din,sya lang naman ang sabit ng sabit sa dalawang girls samantala ung mga babae dedma na sya

    • korek!nanahimik n nga c sarah at kim.nakamove on n sila.at wala n silang paki kung cno man ang syota mo.matagal n yan binubuhay mo pa issue.

  5. Magaling siyang artista. May Kim man or Wala or si Sarah G., Gerald can stand alone na hindi kailangan ng ka-loveteam.
    Kung ang mga babae noon ay nagiinarte tulad nina Kim at Sarah, then tigilan na. Gerald Andderson is enough.
    Mas bongga nga at walang girls na nakasabit sa name niya. Nairaos na niya ang mga a-loveteam-loveteam na yan na sa umisa, nakakatulong sa kanya at sa inili-link sa kanya. ero now, kahit siya ang mag-isa, iba si Gerald .

  6. sabagay nasa artista na yun kung paanu nila sagutin,,trabaho ng reporters ang mang-intriga,,kung ayaw ng artista ng issue,,”no comment” is the best answer at hindi ang kung anung kadramahan,,,i love gerald from the very start,,,kahit anu pa ang mangyari,,susuportahan ko pa rin siya,,,

      • nyahahaah and very good,,,gamitero….nyahahahha,,,,may career pa siya ngayon,,,parang nasa frezzer na siya?….

      • Sana may career pa at hindi ma freezer dahil lang sa pakipag relasyon kay maja blanca hahahaha…..  guapo naman talaga si Gerald at hindi hambog kagaya ng iba dyan na aktor.  

      • Pag mabasa na naman itong post ko ng mises ko, sasabihin na naman na bakla talaga ako dahil naguapohan ako kay Gerald, hahahahah…  Take it easy dear, hindi ako bakla, baklang bakla lang hahahahahha

Leave a Reply

Your email address will not be published.