Gerald Anderson, nginingitian lang ang ‘photo scandal’

SA WAKAS, matapos ang ilang panahong paghihintay, dumating na rin ang pangarap ni Gerald Anderson na maging isang action star.

Sa pamamagitan ng OTJ (On The Job) na isa sa mga pelikulang bahagi ng 20th anniversary ng Star Cinema, naisakatuparan niya ang pangarap na nagsimula sa panonood ng show ni Joross Gamboa noon sa kanila sa General Santos City sa Mindanao, kung saan doon siya na-discover ng dating manager na si Junn Reyes.

From his humble beginnings na pa-back-up-back-up lang kapag sumasayaw si Joross noon, masasabing nahigitan pa niya ang karir ng kaibigan.

Bilang isa sa mga premyadong artista ng Kapamilya Network at Star Cinema, malayo na rin ang narating niya dahil sa pagtitiyaga.

Kaya nga nang papurihan siya ni Joel Torre (kasama niya sa OTJ) bilang si Tatang sa galing niya sa pag-arte; high na high ang aktor. “Magki-Christmas ‘yun. Kaya best Christmas gift sa akin,”pagkukuwento niya. “That’s something para magbigay ng compliment ang isang respected actor like him.”

Cool na cool si Gerald noong hapong ‘yun. Pero sabi ng kaibigang Rey Pumaloy na katabi niya, ayaw raw nitong sagutin ang tanong about Maja Salvador na girlfriend niya ngayon.

Sayang kung hindi ko pa itatanong nang diretsahan sa aktor nang pailalim na hindi nariring ni Manay Ethel Ramos tungkol sa kumakalat niyang picture sa internet na jumi-jingle na ang side view feature ng lalaki ay siyang-siya. Walang duda na si Gerald Anderson ‘yong nasa litrato.

Ikinatuwa ng mga ilusyonadang mga beki at mga pantaserang girls ang litrato niya. Pista sa mga mata nila.

Siya ba ‘yun? Siyang-siya kasi mula sa tindig at pangangatawan, sideburns at ang kuwestyun, ‘yong hawak-hawak niyang “penis” (para hindi bastos ang lenguwahe), sa kanya ba ‘yun talaga?

Ngumiti siya. Ngiting hindi mo alam kung nanunukso o nagko-confirm sa tanong namin na naghihintay ang sambayanan ng mga bading at nagpapantasyang girls ng kanyang kasagutan.

Gumatong si Rey, “Ikaw ba ‘yun?” na sinundan pa rin niya ng ngiti sabay takip sa bibig niya na ‘di mo mawari kung umiiling na nahihiya o sagot na diretsahang hindi.

Sundot ko, sa tanong sa kanya, no comment means yes? Tumawa siya at biglang balikwas sa kinauupuan niya at sabay nag-pose para sa picture-picturan with the entertainment press.

Sa mga lalaking artista natin sa kasaluyan, feeling ko at ang gusto kong peg sa kanya ay tipong Brad Pitt. Guwaping. Pantasya ng girls na naiinggit kay Angelina Jolie.

Career wise, Brad Pitt na Bradd Pitt ang dating ni Gerald sa amin. Oks sa rom-com at p’wede rin sa drama and and at the same time tipong action star sa Mr. and Mrs. Smith na pelikula nina Brad at Angelina noon at kamakailan ay ‘yong World War Z.

Kung sabagay, hindi naman nagmamadali ang aktor. It took him years bago dumating ang tamang break na biyaya ng langit sa tulong ng Star Magic sa kanya.

Sa katunayan, kasunod ng OTJ, next in line naman ang bagong teleserye niyang Bukas Na lang Kita Mamahalin with Dawn Zulueta, Cristine Reyes and Dina Bonnevie na next month na ipalalabas.

Mas mahaba palang kinunan ang sex scenes nina Piolo Pascual at Shaina Magdayao kumpara sa love scenes nina Gerald Anderson at kaparehang si Dawn Jimenez sa pelikulang OTJ.

Kung sina Gerald at Dawn ay inabot lang ng almost six hours, ‘yong kina Piolo at Shaina took Direk Erik Matti three days to shoot.

Delikado kasi ang eksena. “I need to protect Shaina. Very delicate kasi ‘yong scene,” kuwento ni Piolo sa amin. Sleepless nights ‘yun para kay Shaina.

Mula pintuan hanggang sa kuwarto, tuhog ang eksena nilang dalawa ni Shaina, while ‘yong kay Gerald at Dawn naman, hindi na gumamit ng nipple tape ang baguhan para hindi raw masakit kapag tinanggal ang tapal.

Ang love scene ni Dawn with Gerald ang dahilan pala ng pakikipag-break ni Albie Casiño kay Dawn nang mag-decide ito na tangapin ang project na sa simula pa lang ay alam na niya na may love scene siya with the “Brad Pitt” of Philippine showbiz.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

6 thoughts on “Gerald Anderson, nginingitian lang ang ‘photo scandal’

  1. please stop calling him brad piitt.   Brad pitt  is a world class actor and a devoted family man . please save your soul

  2. malaki naman daw talaga ang nota ni gerald kaya nga always happy si maja at hindi pa rin maka move on si kim chui

Leave a Reply

Your email address will not be published.