Gerald Anderson, natupad ang pangarap na makasama si Piolo Pascual

HINILA NA agad si Gerald Anderson sa presscon ng OTJ dahil babalik pa ito sa taping ng Bukas Na Lang Kita Mamahalin. Pero sinuwerteng nakausap namin ang aktor nang puntahan namin siya sa dressing room kung saan na-interview siya ng ilang TV crews.

Ayaw nang magbigay ng anumang komento tungkol sa ginawang pagtatanggol sa girlfriend na si Maja Salvador sa mga bashers nito, ipinaliwanag sa amin ng aktor na ‘pag sumagot siya ay hahaba lang ang usapan at lalala.

Tanggap na bawat artista ay bashers at kailangang tanggapin ito ni Gerald, dahil parte ito ng sistema ng showbizness na kung may makakagusto sa iyo ay mayroon ding hindi papabor.

Pokus na lang sa mga magagandang nangyayari sa buhay niya, kung saan sa usaping pag-ibig man o career ay masaya at kuntento si Gerald.

Masayang-masaya nga ang aktor na nakasama niya sa OTJ si Piolo Pascual na noon pa man ay hinahangaan na niya.  Siniguro sa aming walang sapawang naganap, pero bilang mga artista ay pinagbuti nila ang kanilang mga trabaho na gampanan nang maayos ang mga karakter na kanilang ginagampanan. Para kay Gerald, isang pangarap na natupad na nakasama niya sa sa isang pelikula si Piolo.

Ang OTJ ay mapapanood sa August 28 sa mga sinehan kung saan pinapangako ni Gerald na kakaibang Gerald ang mapapanood sa pelikulang ito.

 

Sunshine Cruz, sobra ang pagka-miss sa mga anak

 

SA PICTORIAL ng Galema, Anak ni Zuma, nakausap namin si Susnhine Cruz. Kagagaling lamang sa taping ng Dugong Buhay, diretso na agad sa nasabing pictorial ang aktres.

Kalmante pero ramdam kay Sunshine ang sobrang pagka-miss nito sa mga anak na ilang linggo na niyang ‘di nakikita. Ayon nga kay Sunshine, nabaligtad ang nangyayari ngayon na natanggalan siya ng karapatan sa mga anak nila ni Cesar, gayong ‘di niya pinabayaan o inabandona ang mga anak. Dagdag na pahayag ng aktres, ang gusto lang niya ay makasam ang mga ito pero pinagkakait pa sa kanya.

Sa kuwento ni Sunshine, nakatatanggap siya ng mga text message mula sa mga anak na nagsasabing nami-miss na siya ng mga ito at kung kailan ba sila kukunin ng ina. Pero nang pinasundo niya ang mga ito, ‘di pinalabas ang mga ito ni Cesar kung saan ‘di nito sinagaot ang text messages niya rito.

Hiningan namin ng reaksyon sa pahayag ng kampo ni Cesar na hindi raw totoong ni-rape niya ang asawa nu’ng Mother’s Day, dahil du’n pa raw ito natulog sa bahay niya at ang nangyari sa kanila ay pareho nilang kagustuhan. Maikli lang ang sinagot sa amin ni Sunshine na maglabasan na lang sila ng mga ebidensiya.

Sa tanong kung bukas ba siya sa posiblidad na maaari pa rin silang magkabalikan ni Cesar, para kay Sunshine ay walang nakaaalam sa kung ano ang puwedeng mangyari sa hinaharap.

Pero sa nakikita naming tinatakbo ng mga pangyayari sa ngayon, kung saan nagkalabasan na sila ng mga baho ng asawa ay mukhang malabo na. Kung hindi man ay matatagalan para maghilom ang sugat na dulot ng mga pangayayari.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

2 thoughts on “Gerald Anderson, natupad ang pangarap na makasama si Piolo Pascual

  1. Naku tigilan nga ako ng baklang PIOLA na yan… pwede ba mayaman ka na wag ka nang magpanggap na lalake… Halos lahot ng tao sa Pinas pati overseas alam na na bakla ka… ikaw na lang yata ang di nakakaalam… itong write nato tanga rin pinagpapatulan pa tong gimmick na ito…

Leave a Reply

Your email address will not be published.