Gerald Anderson, nagpaparamdam na sa mommy ni Sarah Geronimo?!

HINDI NA IKINAGULAT ng publiko ang ba-lita na hiwalay na raw sina KC Concepcion at Piolo Pascual. Walang makapagsabi kung ano talaga ang naging dahilan ng kanilang break-up. Bigla na lang itong nagpaalam sa The Buzz at fly ang dalaga sa Paris para makapag-isip-isip tungkol sa nangyayari sa kanila ni PJ.

Sa isang interview, parang umiiwas si KC na mapag-usapan si Papa P. Gusto lang daw nitong magbakasyon at makasama uli ang mga dating kaibigan sa Paris. One week lang mamamalagi ang dalaga sa nasabing lugar.

Mukha yatang may mabigat na problemang pinagdaraanan ngayon sina KC at Piolo na sila lamang dalawa ang makalulutas. Maging si PJ ay ayaw magbigay ng comment tungkol sa status ng kanilang relasyon. Iwas to the max ang aktor sa mga nagpipilit na ma-interview siya. Mas gusto raw ni Piolo manahimik na lang muna siya at hintayin ang pagbabalik ni KC para sila’y makapag-usap.

Sa relasyong KC at Piolo, hindi maganda ang negative issues na naglalabasan tungkol sa singer-actress. Kesyo siya pa raw ang naghahabol sa lalaki na never na nangyari.

KAPAG HINDI BUSY si Gerald Anderson sa hectic schedule niya sa taping at shooting. He find time for himself to play basketball. How do you find time for yourself kapag hindi ka busy sa trabaho? “Nagba-basketball ako, nanood ng TV, sine mga ganu’n. Kapag free time, marami rin akong ginawa para sa sarili ko.

Inamin ni gerald Anderson na may kulang pa rin sa kanyang pagkatao dahil wala siya ngayong lovelife. Sabi nga ng mommy niya, “You should find time for yourself and enjoy life.” Say naman ng aktor, “Sa ngayon hindi pa masyado kasi wala pang oras para sa sarili ko. Nagte-taping pa ako tapos nag-start ako ng movie with Sarah Geronimo so, everyday na akong nagwo-work,” say ng aktor.

Kung dati-rati’y napagsasabay ni Gerald ang work at lovelife pero ngayon ay hindi na. “Puwede naman po, pero medyo mahirap din kasi naka-focus ako ngayon sa trabaho. Mahirap ‘yung role ko sa Budoy, a boy who’s suffering from a delay in mild retardation. Marami naman akong inspirasyon pero siyempre, nakaka-miss din ‘yung may naggu-goodnight sa ‘yo, kumain ka na ba? Hahaha!”

Hindi man sinagot ni Gerald ang tanong namin kung sino kina Kim Chiu at Sarah Geronimo ang malapit ngayon sa puso niya, hinulaan na lang namin. Siyempre, si Sarah dahil madalas silang magkita at magkulitan sa shooting ng kanilang pelikula. Nag-uumpisa na nga raw itong magparamdam sa mommy ni Sarah na labis na ikinatutuwa ng singer-actress. Minsan kasi, nagpahayag si Sarah, kailangang pasado sa nanay niya ang lalaking mamahalin niya.

Ayon kay Gerald, friends pa lang sila ni Sarah pero malalim na raw ‘yung pinag-uusapan nila, “Masaya, mas nakilala ko na si Sarah at mas malalim. Marami pa kaming  eksenang kukunan so, marami pa ang puwedeng mangyari. Hindi namin sinasara, kung mangyayari, mangyayari,” sambit niya.

Matagal-tagal na ring loveless si Gerald. Sa darating na Pasko, magka-girlfriend kaya siya? “Kung single pa rin ako sa Pasko, hindi naman ako malungkot, marami rin naman akong kasama. Marami pang puwedeng mangyari.”

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Previous articleNakipagtsikahan kasi kina Liz Uy at Ruffa Gutierrez Shaina Magdayao, nairita kay John Lloyd Cruz?!
Next articlePinoy Parazzi Vol 4 Issue 128 October 12 – 13, 2011 Out Now !

No posts to display