Gerald Anderson, minamalas dahil kay Maja Salvador?

Gerald-Anderson-Maja-Salvador Gerald-AndersonNANG MAKARELASYON ni Maja Salvador si Gerald Anderson, marami ang tumutol dahil naging matamlay ang showbiz career ng binata. Nabawasan ang karisma nito sa publiko. Maging ang mga fans ni Gerald, hindi boto kay Maja para sa kanilang idolo. Ang iba naglipatan kay Xian Lim na ka-loveteam ng ex-girlfriend niyang si Kim Chiu.

Sinasabi may pagka-jinx daw itong si Maja, bawat nagiging karelasyon, nagiging nega tulad nang sila pa ni Matteo Guidicelli. Hindi ba’t nagsuntukan sina Matteo at Coco Martin nang dahil sa kanya. Kasi naman, super emote pa itong si Maja kay Coco kahit may boyfriend na siya. Naging malaking issue ang pangyayaring ‘yun sa Star Magic Ball. Hindi nagtagal, naghiwaay nang landas sina Maja at Matteo. Ang sumunod na boyfriend na niya ay si Gerald.

Kahit nababalitang madalas daw mag-away ngayon sina Maja at Gerald, itinatanggi ito ng actor. Going stronger daw ang kanilang relationship kahit marami ang kumukontra .Mas nagiging matatag ang kanilang pagsasama, nakikilala nila ang isa’t isa, ayon kay Gerald.

Bilib kami kay Maja, pagdating sa lalaki, bawat matipuhan nito, nagiging boyfriend niya. Infairness to her, iba kasi ang karisma ng actress sa mga lalaki. Pagnanasahan mong talaga, bukod sa ganda ng mukha, malakas pa ang sex appeal. Marunong dalhin ang sarili lalo na sa pakikipagrelasyon. Kaya’t maraming kalalakihan ang nababaliw sa kanya.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

One thought on “Gerald Anderson, minamalas dahil kay Maja Salvador?

Leave a Reply

Your email address will not be published.