Gerald Anderson, may itinatagong girlfriend daw Sarah Geronimo, inaalat ang lovelife!

HINIHINTAY NA talaga ang pagbabalik sa Pilipinas at pagsasalita ni Dra. Vicki Belo tungkol sa hiwalayan nilang dalawa ni Hayden Kho. Alam ng kanyang mga anak na sobra siyang nasaktan sa naganap na hiwalayan, dahil paulit-ulit namang ipinaglaban ng kanilang mommy ang kanyang pagmamahal kay Hayden, kesehodang nagkakatampuhan sila sa pamilya.

Maraming nagsisimpatiya sa sikat na doktora, dahil ang tagal na niyang nagsakripisyo tungkol sa kanyang pagmamahal kay Hayden. Pero hinihintay na rin ang kanyang paliwanag tungkol sa isyung na-buking siya ni Hayden na mayroong ibang lalaki.

Napagbibintangan si Hayden na baka gumagawa lang ng isyu para mailigtas ang kanyang sarili, dahil kaiinisan na naman siya ng mga taga-showbiz kung talagang siya ang nagtaksil kay Dra. Vicki lalo pa’t nakaplano na nga silang magpakasal.

Pero marami rin naman sa mga tunay na kaibigan ng sikat na doktora ang kumokontra na si Hayden ang mapakasalan ni Belo. Marahil daw, kung talagang may ibang lalaki nang napupusuan ang Mommy ni Cristalle Henares, ay sumuko na talaga siya sa pagmamahal kay Hayden.

Nilalait din si Hayden na ang kapal daw ng mukha, dahil nagawa pang pagtaksilan si Dra. Vicki, samantalang lahat na ay ginawa para sa kanya. Huwag namang ganu’n agad ang paghuhusga. Hindi pa naman kasi malinaw ang lahat tungkol sa gusot nila ngayon ni Dra. Belo.

Ang huling usap-usapan ay naghahanap na raw si Hayden ng bagong condo na malilipatan. Kasi nga, para kay Hayden ay ang gulo-gulo ngayon ng sitwasyon ng kanyang lovelife. Gusto muna niyang maging matahimik.

 

MEDYO INAALAT talaga ang lovelife ni Sarah Geronimo, kaya pagkatapos ng hiwalayan nilang dalawa ni Rayver Cruz ay halatadong sobra-sobra pa rin siyang nag-iingat sa susunod na pagkakataon na magkakaroon siya ng bagong manliligaw. Kung sobra siyang nasaktan sa hiwalayan nila ni Rayver at sa pagkakalapit nila dati ni John Lloyd Cruz, ay mukhang tagilid din ang kapupuntahan ng pakikipaglapit

niya kay Gerald Anderson.

Kung tungkol sa loveteam, patok na rin ‘yung kina Sarah at Gerald, kaya nga nakadalawa na silang pelikula na pinagtambalan. Hindi sila naggagamitan, kundi nagkakatulungan, kaya maganda ang friendship nila sa ngayon. Pero kung patungo na sa relasyon at ligawan ang usapan ay maingat silang pareho sa pagbibigay ng mga detalye sa kanilang mga pahayag. Kasi nga, parang mayroong pinagtatakpan, na baka kailangan muna nilang pangalagaan ang kanilang loveteam.

‘Yung pagiging single at conservative ni Sarah ay kapani-paniwala. Pero ang kaguwapuhan ni Gerald ay mahirap pagtiwalaan na iyung-iyo siya. Sobra siyang lapitin ng mga babae sa likod at harap ng kamera, at alam na alam iyan ni Kim Chiu, na iniyakan niya noon. Magaling umiwas si Gerald sa pangungulit ng press. Pero maipapaliwanag ba niya ang pagkakaroon diumano ng itinatagong girlfriend na artista rin, at nasa bakuran ng ABS-CBN? Nadinig na rin marahil ni Sarah ang tungkol sa nasabing tsismis, kaya ipinauubaya niya kay Gerald kung papaano sasagutin ang mga tanong na hindi siya ang dapat sumagot.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

21 thoughts on “Gerald Anderson, may itinatagong girlfriend daw Sarah Geronimo, inaalat ang lovelife!

  1. alam ni sarah yan! binibiro nga ni sarah chick boy daw! he! he! he!   alam ni sarah kung ano gagawin niya.    mas wiser si sarah ngayon!

  2. kaya gwapo si gerald kasi maganda kalooban! hahahaha!! diba kung inspired ka inside gumaganda din ang epekto on the outside? he’s a good person. parang si sarah din. blooming kasi inspired (by work or love, kayo na bahala)

  3. Gerald
    3 girlfriends before PBB
    Kim Chiu
    Farina Runkle
    Pauleen Luna
    Bea Alonzo
    Kim Chiu ulit
    Sarah Geronimo

    See the cycle??
    I hope wag na lang si bebe sarah natin kung ganun din mangyayari.
    mas bagay sya sa mga liberated. kya di umibra kay kim at sarah

    pero onscreen? ashrald gooo

  4. As an ashrald i feel na kahit iba ang gf ni ge ok lang. kc a tandem is a tandem. meron pa rin ashrald forever.

    there has been some clues na si KIM CHIU nga dw at nagbalikan sila. if ever ok lang naman kay sarah. after ng pinagdaanan nya id rather tahimik lovelife nya para happy na sya kc nasaktan sya dati. non showbiz na guy  n lang kasi sa sobrang sikat nya hindi masasaktan din sya lalo na pag showbiz ung guy. 

  5. i agree,,,sa mga taong ayaw kay gerald andreson,,,kung di niyo siya gusto..kahit RESPETO na lang bilang tao,,,itong paparazzi na ‘to parang juicy lang na show…walang credibility…

  6. wla na bang katapusang paninira ky gerald???…after bea,,ang tagal nang single ni ge,sana kung totoong babaero siya..eh di sana after bea,kaliwa’t-kanan babae niya…pero ang truth,,wala naman,,ilang beses nang sinabi ni ge na single siya,,,at next gf niya di na niya ililihim kasi natuto na siya sa past niya,,,ang ibang press sulat lang nang sulat kahit wala namng basis,,kung my secret gf siya,,eh di sana ‘yun ang date niya nung v-day,at kung my gf siyang secret,siguradong hindin sasama si sasama si sarah na makipag-date sa kanya,,at hindi magiging ganun ka sweet sa kanya si sarah,,,knowing sarah g.???sana tantanan si sasa and gege,,,maganda na ngayon samahan nila,,pareho silang happy,,maging masaya na lang kayo paras a kanila…hindi sinungaling si gerald,,,

  7. kilabutan naman ang mga taong naninira kay gerald. kung di nyo kayang magustuhan ang isang tao, respetuhin nyo naman. sa mga taong concerned kay sarah, alam nyo na maganda ang relasyon nila ni gerald. nirerespeto nila ang isa’t isa at masaya sila. mas malapit si sarah kay gerald kesa sa inyo at nakita nya na mabuti itong tao kaya. wag nyo ng gawing sinungaling ang dalawa

  8. bat kaya di nalang nila itanong yan kay gerald ng personal? hindi nila matanong  kasi nga nakakahiyang itanong ang obvious na walang basis! hindi nila mapapalaki ang storya kasi pagtatawanan lang yan ni gerald.

  9. grabe naman makajudge ang mga tao against kay gerald… in the first place mapapangatawanan ba nila yung mga sinasabi nila against gerald?? kung totoo man na may tinatago siyang gf, ang galing naman nya at sa dami ng nakapaligid at sa dami niyang project ay kinakaya pa nya un. tanggapin nlng kasi na sikat si gerald at busy sya sa trabaho niya. grabe naman yung mang.ungkat ng personal na buhay ng tao para lang masiraan siya. wla namang mailabas na pruweba. sa ibang naglabas ng about sa blurred na kotse na puti, maawa naman kayo sa sarili ninyo. white!!! ilang milyong kotse ang kulay white! hindi man klaro kung ano meron si gerald at sarah, isa lang ang klaro, wala silang sinasaktang tao at masaya sila.

  10.  tama ka jane ! hayaan na lang nasa edad na  lalo na  si sarah natuto nayan  nung nakaraan  at siguro siya na lang nakkalam kung sincere ung lalake o hindi. un lang!

  11. Ano ba kayo alam nyo naman ang pinoy parazzi laging false ang mga articles nila kasi they twist the story. they play with the truth kasi eh. at kung may girlfriend naman si Ge, just leave him alone. It’s his personal life, just be happy with what he’s sharing to his fans. He’s doing his best naman to make them happy. At kung si Kim yong gf o hindi, tanggaping na lang natin. Just wait till Gerald really admits the truth. Para kay SG naman, wala naman talaga syan ginagawang masama. Lahat sila ginagawa nila ang trabaho nila. Huwag nyo na lang pakialaman ang personal at love life nila kung ayaw nila i-share. Just understand na lang..

  12. kung mgtatangka yan ibabalik lang sa mukha ung panloloko simple as that. alam ni sarah records lahat sa babae ni gerald anderson kung sakali utuin si sarah? ngayon lang siya mabbsura sa babae first time! hindi lahat napapasagot niya. makkahanap siya ng katapat  na ibabasura siya. sara is more careful and wiser now.

  13. oww mga tisay talaga type nyang si GA eh lalo na lapitin talaga sa babae. ingat ingat lang mga girls at pati na rin mga fans hinay hinay sa pag assume porket magka loveteam ay magkagustuhan na. showiz is showbizzzzzzzz

Leave a Reply

Your email address will not be published.