Gerald Anderson, makatulo-laway! – Gorgy’s Park

PUNUNG-PUNO ANG NBC Tent nu’ng nakaraang Huwebes dahil star-studded ang Cosmopolitan Bachelor Bash kung saan nagrampahan ang sangkatutak na hunks na talagang pinagkaguluhan, tinilian at halos kabaliwan ng mga kababaiha’t bading.

Sa sampung centerfolds, nangunguna at most applauded si Gerald Anderson pero in fairness naman kay Aljur Abrenica, hindi rin siya nagpahuli.

Sa ganda naman ng katawan, hindi nagpatalo si Aljur dahil matagal naman niyang pinaghandaan ang event na ito.

Sa totoo lang, mas maganda pa nga di hamak ang katawan ni Aljur kesa kay Gerald na medyo may kalaparan tingnan.

Ilan pa sa sampung centerfolds na rumampa nu’ng gabing iyun ay sina JC Tiuseco, Ejay Falcon, Xian Lim, Akihiro Sato at ang guwapong Brazilian-Japanese model na si Daniel Matsunaga.

Suportado ng mga taga-ABS CBN 2 ang mga talents nila at ganun din ang mga Kapuso stars.

Nandu’n siyempre ang leading lady ni Aljur na si Kris Bernal na naloka sa mga seksing boys na nagrampahan. First time daw niyang nakasaksi ng ganu’n.

Present din si Carla Abellana na cover sa issue na iyun at sinabi naman niyang kay Aljur talaga siya magtsi-cheer.

Suportado rin nina Maxene Magalona at Rich Asuncion si JC dahil kasama nila ito sa Kung Aagawin Mo ang Lahat sa Akin.

KABI-BREAK LANG ni JC sa non-showbiz girlfriend niya at si Maxene ay ganun din sa non-showbiz boyfriend niya. Kaya naiintriga tuloy silang mukhang magkadebelopan ang dalawa.

Itinatanggi naman nilang dalawa dahil talagang close lang daw sila at iba raw ang bonding nila sa kanilang sinenobelang Kung Aagawin Mo ang Lahat Sa Akin.

Sa ngayon ay ayaw raw muna nilang ma-in love at mas mabuting sa trabaho na raw muna sila mag-concentrate.

Aljur Abrenica, bading?!

Sweet naman sina Aljur at Kris na very vocal naman ang huli na ang ka-loveteam niyang si Aljur ang pinaka-sexy sa lahat.

Proud na proud nga si Kris sa magandang performance ni Aljur kaya bilang reward, humingi ng halik itong young actor sa ka-loveteam niya na binigay naman agad ni Kris.

Hindi naman siguro ito para sa publicity ng pelikula nilang Nandito Ako…Nagmamahal sa ‘Yo. Talagang iba na raw ang closeness nila lalo na’t nakapag-bonding naman sila nang husto nang nag-shooting sila para sa pelikulang ito sa Bohol.

May mga ilang tsika akong narinig doon na pagkatapos ng rampahan nila ay meron daw isang kasali sa sampung centerfolds na mukhang gusto nang bumigay ang kabadingan.

Ang landi-landi raw nito sa backstage na ipinagtaka ng ibang male models kung tunay na hunk ba talaga ito.

Nakakaloka! Ang dami ko na kasing naririnig na may bahid ng kabadingan ito pero ayoko namang paniwalaan dahil ang guwapo pa naman nito.

Pero nang rumampa ito, medyo naalibadbaran kami dahil parang gusto niyang kumembot, ha!

May mga ilan din kasing models doon na iba rin ang kembot pag rumampa kaya mukhang type rin nitong Cosmo hunk na ito na sumabay.

Natanong nga ito minsan dahil nakukuwestiyon ang kasarian niya pero siyempre, todo-deny naman siya lalo na’t gumaganda naman ang career nito.

By Gorgy’s Park

loading...

31 thoughts on “Gerald Anderson, makatulo-laway! – Gorgy’s Park

  1. as in! ginamit niyo si gerald anderson..yun pala about kay aljur chuva ang topic..ever kayo ha! speaking of aljur, maganda nga ang kanyang kaatawan pro mas hot pa si gerald! mas magaling umarte at mas sikat! etchos!

  2. oo nga bkit ang title ng article ay c gerald tpos it’s about aljur nman pla.cguro d marunong ang ngsulat nito or gingamit nya lng ang pangalan ni gerald dhil sikat nman tlaga hehehe…at yung ngsasabing pangit c gerald e ano nlang kaya c aljur nun hehehe…kumusta nman un?hehehe…i dont care kung mka aljur kau bsta go go go gerald!kimerald 4ever!at pwede ba wag ng ihambing c gerald kay aljur humanap nman kau ng iba na may panama.at wag ding icompare ang kimerald sa loveteam nla aljur at kris bernal dhil wla nmang binatbat hehehe…at ung kissing scene ni kim kina gerald at jake dhil lmang sa kailangan ng storya and its worth it nman dhil ang taas ng ratings at number 1 tlaga sa buong pinas hindi lng sa mla!!!

  3. haaayy! kalowka tong writer na to! ginamit pa ang name ni Gerald Anderson as article title eh c Aljur naman pala ang gustong pag-usapan! napaclick tuloy ako! kala ko you’ll talk about Gerald! please lang, if u intend to talk how you find aljur sexy and all, use his name in the subject line! wagggg gamitin name ni Gerald!!!

  4. wag nyo ng kilalanin c aljur at BAKA NDI NA KAYO MANOOD SA DOS…LUMIPAT KAYO SA SIYETE…. in fairness maganda tlga katawan ni aljur…pinoy…na pinoy..walang halo…

    • hahahhaa sinung magkakagusto sa isang manyak at rapist!

      mag-tipon tipon kayong mga kriminal sa GME!

      kaya pala pati Baron Geisler sinulot nyo para madagdagan pa kayo hahahhaa

      • haha rapist daw. siguro kung kamukha mo yung nanggahasa, di na magpapakita yung biktima sa kahihiyan. Eh yung minanyak DAW ni aljur panay ang racket at gustong gusto mag artista. TIGAS

  5. sino c aljur???!! —yung manyak na may kaso nga now about sa girl fr bohol!!!!
    sino c kris bernal???!! — ung very cheap girl na palaging nagpapahalik sa manyak!!!

  6. hay naku, hanggang katawan lng ang ganda ne aljur pwo ndi nman marung umarte,,
    taga GMA talaga,, lgeng ng hahanap nang mga pasisikatin kaso yung kinukuha hndi nman marrunung umarte,, aanhen nman ang beaty kng ndi marung umarte,,Gayahin nyo ksi ang tga ABS dabest tlga,,, bukod sah malaki ang sahod mayapan,, nangunguna pah sah ratings,,,,,,bleeeeeee

  7. Si Aljur yung kapartner ni Kris bernal sa All My Life na tinambakan sa ratings ng Katorse. Bakit kaya malakas ang Katorse wala nama nsikat dito…

    • maganda kasi ang story…..at may lessons na mapupulot hindi katulad sa kalabang show, puro na lang daw halikan ng halikan wala na daw dialogue.

      • hahahhaa may palabas pala yang rapist na yan???

        baka naman sa pirated sa kangkungan lang may nanunuod hahhaha

      • kakadire ang KATORSE. pilit binubuhay ang matagal na patay na career ni Erich. Kaya pati ang SUSO isasangla Kumita lang ang teleserye.

  8. ilove aljur tlga ,first time ko lng humanga sa guys kainis ,i loveyou aljur ,ganda ng katawan ,pwede k bng maexpierience even one hour lng

      • gus2 mo ng proof e2 na oh sa taas picture ni gerald at ang headliner c gerald pero aljhur pla ang topic kc wla mag-aaksaya ng oras kung c aljhur mo lalagay, yung mga mtagal na sa abroad di tlga kilala yan kc tfc mostly d2 like me kung di sa internet di ko din kilala yan lgi kinakabit sa kapamilya pra mkilala..na-alala ko c angel dati hello tfc subscriber ako po c angel locsin..di nga siya nkilala dti ng mga pinoy sa london nun sa gma pa siya eh super sikat siya sa pinas..

      • ang yabang naman ng isang ito. parang TFC subscribers lang ang deciding factor whether sikat o hindi ang pinoy artists.

        akala mo naman ang tataas ng STANDARD nyo kesyo nasa STATES kayo. Eh diba WOWOWEE favorite show nyo, grabe ang CLASS ng TASTE nyo ha!

      • ahaahaaa, nyahaha my point is meron hndi nkakakilala sa kanya esp. yung nsa abroad kc sa ayaw at gus2 nyo 2 million ang subscriber ng tfc kumpara sa 300k ng gma pinoy t.v…tong mga kapiso talaga pikon wag kayo masyado seryoso…

Leave a Reply

Your email address will not be published.