Gerald Anderson, kakaiba ang saya ‘pag kasama si Arci Muñoz

Gerald Anderson, kakaiba ang saya 'pag kasama si Arci MuñozHindi ko alam kung ang tipo ni Gerald Anderson ay madaling mahulog ang loob na nauuwi sa pagka-in love kapag ang babae na palagi niyang nakasasama ay mabait sa kanya.

Ito ang assessment ng ilan sa nakapansin kay Gerald Anderson mula nang magkasama sila ni Arci Muñoz sa pelikulang “Always Be My Maybe” ng Star Cinema na mapanonood na bukas (Wednesday) nationwide. Mas relaxed ngayon ang binata since ang kapareha niyang si Arci ay cool na cool at always feeling good vibes.

Mula kasi nang maghiwalay sina Gerald at ang last girlfriend niyang si Maja Salvador, sa ibang bagay nag-focus si Gerald.

Nandyan ang pagkahumaling niya sa sports at kamakailan lang ay halos inikot nila ng ama at ng kapatid niya ang Amerika by land na dala-dala lang ang RV (‘yong malaking sasakyan na kumpleto ang loob na may kama, maliit na kitchen, living room, at shower room). Nag-joy ride sila na na-enjoy ni Geh ang road trip nila ng ama at ng kapatid.

Kaya nga ang saya at personal enjoyment na nakukuha at nae-experience ngayon ng binata, lalo na’t kasama niya si Arci Muñoz sa mga mall shows at TV promo nila ay sapat na sa puwang na hinihintay ni Geh na mapunan.

Sabi nga, nagkakamabutihan na raw sina Gerald at Arci na hindi naman malayo lalo pa’t ang binata ay naghahanap talaga ang kapartner mula nang maghiwalay sila ng last girlfriend niyang si Maja.

I just don’t know kung kamusta na kaya si Arci at ang boyfriend niya?

Knowing Gerald na kapag gusto niya, pursigido siya at hindi bibitaw, at sa kaso ni Arci, seryoso ang binata. Pareho silang cool. Bagay naman silang dalawa kung saka-sakali.

Tonight nga pala ang red carpet celebrity premiere ng pelikula na isasagawa sa SM Megamall.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.