Gerald Anderson & Jessy Mendiola: Let The Love Begin!

GERALD ANDERSON

Full Name: Gerald Randolph Anderson Jr.

Birthdate: March 7, 1989

Zodiac Sign: Pisces

Symbol: The Fish

Ruling Planet: Neptune

Quality: Mutable

Element: Water

Basic Trait: I Believe

Closest Metal: Germanium and Strontium

Lucky Day: Thursday

Lucky Colors: Silver, Sea Greens, Mauve, Purple and Violet

 

JESSY MENDIOLA

Full Name: Jessica Mendiola Tawile

Birthdate: December 3, 1992

Zodiac Sign: Sagittarius

Symbol: The Archer

Ruling Planet: Jupiter

Quality: Mutable

Element: Fire

Basic Trait: I Perceive

Closest Metal: Tin

Lucky Day: Thursday

Lucky Colors: Beige, Bronze, Blue, Indigo, Purple, Red and Violet

 

MATAGAL-TAGAL DING NAWALA sa primetime bida ng ABS-CBN sina Gerald Anderson at Jessy Mendiola. Huling napanood si Gerald sa teleseryeng Kung Tayo’y Magkakakalayo, na pinagbidahan nila ng ex-girlfriend niyang si Kim Chiu. Nasulyapan naman ng madla ang mala-anghel na pagganap ni Jessy Mendiola sa TV remake ng Sabel, kung saan nakapareha naman niya ang pumanaw na si AJ Perez.

Hindi natin maikakaila na may ibubuga sa aktingan ang dalawa. Ang pagganap ni Gerald sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya, kung saan siya nanalo ng isang acting award nga ‘ata ang dahilan kung bakit ipinagkatiwala sa kanya ng Kapamilya network ang pagganap bilang Budoy. Isang espesyal na bata si Budoy at paniguradong maaantig ang inyong mga puso. Bilang kanyang love interest, pasok din sa teleserye si Jessy at ngayon pa lang ay marami na ang nagsasabing bagay nga ang dalawa.

Dahil parehong single, hindi naman namin mapigilang isipin ang mga posibilidad na magkadebelopan ang dalawa sa set. Posible naman kaya ito? Tanungin natin sa munting bolang krystal ng pag-ibig…

Parehong mahilig mag-imagine ang Pisces at Sagittarius lalo na pagdating sa kanilang mga minimithi sa buhay. Ito ang kanilang ginagamit na panulak para lalo nilang pag-igihan ang trabaho nila. Madalas nga na determinado silang gawing posible ang mga bihirang mangyari. Ganu’n kalakas at katibay ang kanilang fighting spirit. Mapagbigay rin sila sa kapwa kaya mahal na mahal sila ng mga taong nakapaligid sa kanila. Pareho rin silang idealistic at walastik kung romansa rin lang ang pag-uusapan.

Ang Pisces ay passive, samantalang ang Sagittarius ay sobrang taas ng energy level. Ang pagiging steady ng Pisces ang maaaring pag-ugatan ng away nilang dalawa ng Sagittarius. Feeling nito, madali lang makuntento ang kapareha at wala nang ambisyon para mahigitan pa ang kasalukuyang estado niya sa buhay. Sensitive din ang Pisces at prangka naman ang Sagittarius. Kung hindi nila kayang mag-adjust para sa ikakabuti ng relasyon, baka mauwi lang ito sa wala.

Sa totoo lang, todong effort ang kailangang ipakita ng dalawa sa isa’t isa para tumagal ang kanilang pagsasama. Kahit pa naaaliw ang babaeng Sagittarius sa determinasyon at kakisigan ng lalaking Pisces, hindi malayong isipin nito na baka masyadong nag-e-expect ang binata mula sa kanya. Masyado ring mahal ng Sagittarius ang kanyang kalayaan, habang ang Pisces naman ay mas gustong laging kasama ang dyowa. Doble naman ang pagsasamang ito, basta open ang communication lines at gawan agad ng paraan na ma-solb ang mga problema.

Ayun, pak! Mukhang hindi nga madali ang daan patungo sa bonggang lovelife nina Gerald at Jessy, ha? Pero malay natin, kakaumpisa pa lang naman ng kanilang tambalan. Marami pang oras at kung kami lang ang masusunod, sasabihan namin sila ng “Let The Love Begin! Now na!”

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

2 thoughts on “Gerald Anderson & Jessy Mendiola: Let The Love Begin!

  1. Pingback: Gerald Anderson & Jessy Mendiola: Let The Love Begin! - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.