Gerald Anderson has high appreciation to Sarah Geronimo’s family

SARAH IS GIRLFRIEND material. Lahat ng qualities na p’wedeng magustuhan ng isang lalaki sa isang babae, meron si Sarah. She’s pretty, talented, down-to-earth, mabait.” Ito ang binitiwang pahayag ni Gerald Anderson tungkol sa kanyang Catch Me… I’m in Love leading lady na si Sarah Geronimo which was posted on Push.com.ph.

Pero bago pa man mag-isip ang iba ng posibilidad na magka-debelopan ang dalawa ay may nakahanda nang paliwanag si Gerald tungkol dito. “Pareho kami ni Sarah na pumasok sa movie na ito na ang gusto lang namin is maging successful. Trabaho lang talaga.” Dagdag pa niya, “Pero hindi naman natin napaplano. Kung may ibang babae para sa akin o ibang lalaki para kay Sarah, hindi natin masasabi sa ngayon.”

Malaki ang naitulong ng pelikula sa friendship nilang dalawa. Dahil sa Catch Me… I’m in Love ay naging close sila ni Sarah na dati ay nakakasalubong lang niya sa backstage ng ASAP. “Dito lang kasi sa project na ito [kami] nagkakilala talaga ni Sarah. I’m so thankful na because of this movie naging friends kami. Sana tuluy-tuloy na. If ever magkaka-project uli kami. Sarah is a nice person and she’s a great friend,” papuri ni Gerald kay Sarah.

Masaya ang dalawa sa suportang natatanggap nila sa bago nilang pelikula na patuloy pa ring namamayagpag sa takilya. Dati kasi ay may konting kaba pa sa kanilang dibdib kung magki-click sa kani-lang mga fans ang bago nilang tambalan. Hindi naman isang suntok sa buwan ang movie nila dahil pinag-isipan at pinaghandaan ito nang husto, pero hindi rin maikakaila na malakas talaga ang hatak ng Ki-merald at Sarah-Lloydie tandems. Hindi ba’t nagkaroon pa nga ng mga sari-saring reaksyon mula sa fans nang una nilang marinig na pagtatambalin sina Sarah at Gerald sa isang pelikula? Ngayon ay nakakahinga na nang maluwag sina Sarah at Gerald dahil napatunayan nilang patok din ang kanilang tandem sa publiko. After ng Catch Me… I’m in Love, matuloy naman kaya sa isang teleserye ang kanilang team-up? Abangan na lang natin.

Contrary to rumors na mahigpit ang parents ni Sarah ay puring-puri naman sila ni Gerald. Kuwento niya na mababait daw sila sa kanya during the shooting. “Mabait sila. Very supportive sila sa bawat eksena namin. Sobra nilang inaalagaan si Sarah. Sobrang bilib ako. Mahigpit sila pero dapat lang. Kung anak ko si Sarah, talagang aalagaan ko. Bilib nga ako sa pamilya nila.” Naiintindihan daw niya ang mga ito kung masyado silang protective kay Sarah.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

6 thoughts on “Gerald Anderson has high appreciation to Sarah Geronimo’s family

  1. Boy, kala ko ba you just finished your master’s degree? Di yata magandang pakinggan ang Gerald has high appreciation TO Sarah’s family. Di ba dapat eh, “Gerald has high appreciation FOR Sarah’s family?”

Leave a Reply

Your email address will not be published.