Gerald Anderson, dibdiban na ang panliligaw kay Maja Salvador

MUKHANG DIBDIBAN na yata talaga ang ginagawang panunuyo ni Gerald Anderson kay Maja Salvador. Hindi ba’t tinanong ko siya sa The Buzz kung nililigawan ba niya si Maja? “I love to kung bibigyan niya ako ng chance,” ang diretsa niyang sagot. Hindi raw siya mapipigilan sa kanyang panliligaw kay Maja kung bibigyan siya nito ng pagkakataon.

It was reported that the “rumored” couple spent Valentine’s Day in Tagaytay. Sinasabing nagrenta pa ng isang helicopter si Gerald para dalhin silang dalawa ni Maja sa Tagaytay.

Ayon sa pananaliksik ng The Buzz sa website ng isang local airplane and helicopter rental services company na nag-o-offer ng Manila-Tagaytay package ay mahigit isang daang libong piso ang halaga ng ganitong klase ng date.

Manggagaling sa isang pribadong helipad sa Manila ang helicopter at lilipad patungong Tagaytay sa loob ng isang oras. The package includes a bouquet of flowers, a stuffed toy, chocolates, a bottle of champagne, and a romantic lunch at Antonio’s Gardens. After two hours, the clients will return to Manila via helicopter. 

Maja and Gerald are still mum about their alleged date in Tagaytay pero malakas ang hinala ng publiko na ito ay totoo kung ang pagbabasehan ay ang litratong pinost sa Instagram ni Maja noong Valentine’s Day. Tila kuha ang larawan mula sa isang mataas na lugar (probably from a helicopter).

There was also a photo of Maja and Gerald while they were at Antonio’s ang ipinost sa entertainment blogsite na FashionPulis.com.

Mukhang walang kawala sa birada ng mga intriga sina Maja at Gerald. Nalalaman ng publiko ang kanilang bawat kilos gaano man nila ito itago sa madla dahil sa mga social networking sites. Hindi ba’t ang mga social networking sites ang naging tulay ng publiko para malaman na may namumuong magandang pagtitinginan sa pagitan nilang dalawa dahil sa kanilang mga lumabas na larawan na kuha during their vacation in Misibis Bay in Bicol?

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

19 thoughts on “Gerald Anderson, dibdiban na ang panliligaw kay Maja Salvador

  1. Anu ba ang mukha ni gerald dyan.parang abnoy!c maja ang nag firstmove.ininvite nya c gerald sa misibis bay.bfore sabihin sa bff cla na.hahaha!iba ang look ni gerald non nanliligaw kaw sarah.do u think kylangan pa yang ligawan ni gerald?grab na agad itong maja.easy to get.kapal ng face.kaya nga bsta ang play ang lumalapit tuka agad c budoy.

  2. si maja crush ko yan . galing sumayaw galing umarte. napa ganda pa. sweet matalino kung ako gwapo mayaman sikat naku kahit matapang yan gerald nayan try ko liligawan yan. kakaiba si maja . hanggang crush nalang ako maja .. lagi nalang ako manuod ng inakapatidanak. at asap rock. swerte talaga ni gerald sayo maja. sana magtagal kayo.

    • eh di ikaw na lang ang sumulot kay maja-rot kung gustong-gusto mo talaga siya haha! eh, sa totoo lang, mang-aagaw naman talaga si maja-rot at inagaw lang niya si budoy kay Kim chui noh! Hindi ba naman haliparot, kerengkeng at garapal ang babaeng yan, ex ng friend niya inahas hahahaha! siya na talaga ang reyna ng mga anaconda

  3. move on na kim!! ikain mo nalang yan ng ampalaya@ may xian lim ka naman bagay kayo marehas Chinese, so tama na itinagong galit mo kay gerald and maja,

  4. wala na bang ibang ibabalita si boy abunda kung di si gerald & maja. sige na pet niya ang dalawang ito pero, magbalita naman siya ng totoo. eh obvious naman na di na nanliligaw si gerald.

  5. gud luck gerald and maja. enjoy walang masama kung kayo na. kilig ako sa inyo dalawa pareha kayong tisoy at tisay . gwapo at napakaganda ni maja. sure ako. gudl luck

      • kayo ang yaks.. si gerald lumapit kay maja no!! hay mga bitter parang si gerald ang lalaki sa mundo lang dito maghanap nalang kayo lalaki para kay kim ayaw ni gerald kay kim na yan , umaasa parin pala … kim nayan ligawan ni gerald

      • keber. kahit sino pa ang unang lumapit fact is bigay na bigay ang lola nyo. halatang nagkatikiman na ang kanilang mga pose. di bale let them be. hindi rin naman sila tatagal.

Leave a Reply

Your email address will not be published.