Gerald Anderson, ‘di magandang makitungo sa press?!

HINDI LANG ISANG beses namin narinig ang mga hinaing ng mga field reporter ng mga showbiz talkshow tungkol  kay Gerald Anderson. Isang umpukan ‘yon nang may marinig kami na mukhang negative news about Gerald.

Ayaw naming maniwala, pero noong dalawa o tatlo na ang nagsasabi, roon namin pinakinggang mabuti ang mga kuwento.

Kapansin-pansin ang pagbabago na nga raw ng ugali nito pagdating sa pakikitungo sa mga nag-iinterbyu sa kanya, nagrereklamo na raw ito?

“Nung intinterbyu namin siya, ang sagot niya, may nauna nang nag-interbyu sa kanya. Ang sabi pa niya, ang haba-haba na nga ng interbyu at mukhang tamad na siyang magpainterbyu,” sey ng isang naka-experience.

“Sinagot ko siya na iba naman ang tanong namin sa nag-interbyu na nauna. So, hindi na namin siya pinilit, ayaw ng tao kaya anong magagawa namin?” Pahayag pa ng isang field reporter.

“Ngayon namin nakita na malaki na nga ang ipinagbago niya. Sana lang, ha?! Huwag dumating ang panahon na wala nang lumalapit sa kanya na press para siya interbiyuhin. ‘Yun ang masakit tanggapin, ‘yung kung kelan mo gustong mainterbyu, saka naman walang may gusto,” sey pa.

“May nagbago na talaga sa kanya. Hindi na siya ‘yung tulad nang dati,” sabi pa.

Ayaw naming isipin na lumaki na ang kanyang ulo dahil sikat na nga siya. Big star, ‘ika nga. Kaya nga habang maaga ay malaman nitong si Gerald na may hindi tama sa kanyang mga ginagawa.

Hindi pa naman huli ang lahat at may panahon pa para magbago.

At hanggang ngayon nga, hindi kami makapaniwala. At pati raw sa billing ay may reklamo na raw ito? Nagtatanong lang po.

KINAUSAP NAMIN SI Ejay Falcon sa variety show para sa piyesta ng Kamias, Quezon City sa paanyaya ni Kapatid na Ogie Diaz. Umiikot kasi ngayon ang balitang meron na siyang anak sa pagkabinata. At sa probinsiya pa nila raw nakatira ang babaeng kanyang naanakan.

“Hindi totoo ‘yon, huwag kayong maniwala sa tsismis,” sagot ng binata.

“Maniwala kayo ‘pag may balitang meron na siyang apo,” sagot naman ng kanyang manager na nagpapatawa.

“Ang totoo, nagka-girlfriend ako noon sa province namin, mga 5 to 6 years ago na. Matagal na ‘yon pero hindi kami nagkaanak. At mga bata pa kami nu’n,” explain niya.

“Nagugulat din ako sa mga bali-balita. Wala pa po talaga akong anak,” tanggi niya ulit.

Well…

NAKITA NA NAMIN nang harapan ang limang nagwagi sa PBB Double Up last Sunday sa studio ng The Buzz. Nakita rin namin nang harapan ang favorite naming si Jason na naging third placer lamang.

Hinabol pa nga namin siya sa kanyang dressing room. Pero isinara ang pinto kaya hindi namin siya nakausap.
May kaliitan lang pala siya. At matangkad pa yata kami. Nagkaroon pa raw ng briefing para sa mga mag-iinterbiyu sa kanila.

Pero kahit na pangatlo lamang siya ay du’n namin nakita na malakas siya sa masa. Kaya naman hindi malayong sumikat na nga siya. Sa totoo lang, kahit hindi siya ganu’n kaguwapo ay meron naman itong karisma kaya naman marami ang sumuporta sa kanya.

May nagtanong nga sa amin kung ano sa tingin namin, may naging gay lover na raw ba si Jason? O, kaya naman ay may naiwang girfriend  ito sa kanilang malayong probinsiya.At baka isang araw ay magsalita ito in public at sabunutan na lang itong si Melissa, Melai o Isay ba?

Ang speaking of Melai, masuwerte na nga siya dahil nga sa dami ng pumila at nagpa-auditions ay isang Melai at hindi pa kagandahan ang magiging Big Winner. Nagkaroon pa siya ng ka-loveteam kaagad. At ‘yan ang lamang niya kay Pokwang.

Kunsabagay, bata pa si Melai at tama lang namang siya’y umibig at ibigin.
Sana hindi lumobo ang ulo kaagad nina Melai at Jason.

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

loading...

14 thoughts on “Gerald Anderson, ‘di magandang makitungo sa press?!

  1. Ang isang big star ay mahirap pabagsakin nang mga
    reporters, kahit anong negative publicity pa ang ikalat,
    a big star will always be a big star. Example, back in
    the 60’s then movie queen Amalia Fuentes ay may
    reputasyon na suplada at prangka, walang kinatatakutan
    at maraming kaaway na reporters si Amalia nuon. There
    was a time na binoycott nang press si Amalia pero hindi
    nila napabagsak si Amalia, patuloy ang pagsikat at
    patuloy na box-office hits ang mga pelikula.

  2. Nakuh hnd true yang kay papa ge npka bait at super humble nian,,kya impcble yan,bka aman pag0d ung ta0 tp0z pnplit prn nlang intrbyuhn,eh mga ta0 dn ang artsta np2g0d dn,eh tp0z wla pa clang 2l0g sa dmi ng gngwa nla,,kya sana maintndhn nla un!?getz?

    Iwasan nga ang pg2ng crab mentality,,ska d rn maiiwsn ang mga negative issue kc ckat eh,,pr0 sna ung 220 lng ang ibalita…getz?

    We l0ve papa ge
    We l0ve kimmy
    We l0ve kimerald

  3. @churvatika hindi naman po sila ang nagdedecide kung pupunta sila o hindi e. ang management po. hindi sila. hindi sila.

    well.. ganyan talaga. naoutshone na kse nila ung ibang artista kaya pilit pinapabagsak.

    crab mentality nga naman. :)

  4. whatever. i still love gerald anderson. XD

    iba na po talaga pag sikat. andaming intriga. :))

    gerald anderson all the way..

    love love love

    <3kg

  5. Nagbago na ang KIMERALD! nalulunod na sa isang basong tubig sabi nga ni Kristy Fermin…

    diba nga hindi sila sisipot sa presscon nila (recent film) kung nanduon si RICKY LO…

    • Sure kb?kilalang kila2 m0 ba ang kimerald pra sbhn m0ng ngbg0 na cla,kaya cla na bebless lal0 kc npka bait nla,npka humble at npka d0wn 2 earth,,kht malau na tlga nrtng nla eh never lumaki mga ul0 nla..mga pin0y tlga npka crab mentality…

      At ung issue sa pressc0n at b0ut ky ricky l0,my snsn0d lng clang ut0s at hnd cla ang ngddcsy0n n0n c mr.m un ang humhwk sa knla kya un ang nsu2n0d,kya paan0 m0 nsbng cla ang my sbng hnd cla sisip0t…getz? Ganyan talaga pag sikat palging gngwn ng issue..getz?

      We l0ve kimerald,,n0.1

  6. melai and jason..i miss you both!!!!!!!sana sa lahat ng show dun kayo araw araw at sana may 24/7 parin kahit saan kayo pumunta..hehehe

Leave a Reply

Your email address will not be published.