Gerald Anderson, Buking na Buking ni Kim!

Malayo na rin ang narating ng tambalang Kim Chiu at Gerald Anderson o mas kilala sa tawag na Kimerald. Mula nang lumabas sila sa bahay ni Kuya, pumaimbulog na ang kanilang karera bilang magkapareha on- and offscreen. Tulad ng ibang taartits, napupukol din ng maaanghang na intriga ang dalawang itey, kaya naman nariyan at rescue to the max ang kanilang mga supporters at die hard fans.

Sa mga lumalabas na balita, nagkaroon ng gusot ang kanilang relasyon bilang mag-partner in real life. Pero teka, naging sila ba talaga? At sa mga nagsusuluputang isyu, ang dahilan daw nito ay ang aktres na si Bea Alonzo.

Aber! Hindi naman ako naniniwala riyan, dahil para sa akin sila pa rin ang para sa isa’t isa. ‘Di ba, mga Kimerald fans? Anong sey n’yo riyan? Takot mang okray, o!

Narito si Gerald, huling-huling nagpapa-cute pa rin sa kanyang prinsesang si Kim. Naman… panalo ito, pramis. He-he-he!

By MK Caguingin
Photos by Luz Candaba & Mark Atienza

Clickadora
Pinoy Parazzi News Service

Previous articleRR’s Back! (and Front!)
Next articleMaldita at Maepal na Aktres, Gusto Nang Sapakin ng Aktor na Kasama sa Sitcom!

No posts to display