Gerald Anderson, babaero nga ba?!

NAUDLOT ANG pagpapalabas ng teleseryeng Little Champ ni Lito Lapid dahil binigyang priority ng ABS-CBN ang action/fantasy serye ni Coco Martin na Juan dela Cruz. May 2012 of last year pa nagsimulang mag-taping ang senador. Ito ang kauna-unahang paglabas niya sa telebisyon. Palibhasa maganda ang project, kaya hindi nahirapan si Madam Charo Santos na tanggapin ng action star/ politician ang TV project. Wala pang balita kung kailan maipalalabas ang first TV series ng butihing senador. Pambata ang nasabing serye na kagigiliwan ng manonood, kuwento ni Alex Marcelino (PRO ni Sen. Lito Laid).

Sabi pa ni Alex, malamang daw na mamamahinga na sa pulitika si Double L pagkatapos ng kanyang termino sa 2016. Tumatakbong councilor ngayon sa Porac ang anak niyang si Maynard. Hahayaan na lang daw ang mga anak niya ang magpatuloy ng kanyang legacy sa kanilang lalawigan. Gusto nitong mapag-ukulan nang panahon ang pamilya at bigyang pansin ang kanyang farm sa Porac. Pagtatanim ng iba’t ibang gulay, prutas at makipaglaro sa kanyang mga apo ang libangan ngayon ng senador kapag hindi rin lang siya busy sa Senado.

HINDI LANG pala eksena sa teleserye ang iri-ngan nina Kim Chiu at Maja Salvador. Maging off cam, hindi talaga nag-uusap ang dalawa. Bagay kay Maja ang pagiging kontrabida, epektibo, dalang-dala niya ‘yung character na pino-portray niya. Maging si Kim, swak sa kanya ang pagiging mabait pero palaban kapag nasa katuwiran.

Si Gerald Anderson ang sinasabing dahilan kung bakit nasira ang friendship na mayroon dati sina Kim at Maja na ngayon ay dyowa na niya. Matinik pala ito sa babae, bawat matipuhan, nagiging syota niya. Well, ang pagiging babaero raw nito ang naging dahilan para makipag-break sa kanya si Kim. Nabalita ring naging sila ni Bea Alonzo (sa US trip nabuo ang kanilang relationship), pero sandali lang dahil na-realize ng actress na hindi siya kaya nitong panindigan.

Nang gumawa ng pelikula sina Gerald at Sarah Geronimo together, nagparamdam ang hunk actor na type niyang ligawan ang Pop Princess. Siyempre, kinilig-kilig ang dalaga hanggang nagkaroon na sila ng mutual understanding. Nabuo ang romansa, pinag-usapan, ikinatuwa ng fans. Nang pumasok sa eksena si Mommy Divine, naintriga ang kanilang love relationship na nauwi sa hiwalayan. Hindi man diretsong inamin ng parents ni Sarah, nagpahiwatig na itong hindi sila boto kay Gerald para maging karelasyon ng kanilang anak.

Ang tsika, totoo raw may reason behind kung bakit tinalaktalakan ni Maricel Soriano si Gerald. Hindi sa dahilang bano itong umarte. Ang kuwento, bago sila nagsimulang mag-taping, nagkasama na ang dalawa sa isang event. Nagkainuman, nagkabiruan, nagpa-charming si Gerald kay Maria na para bang nagpapahiwatig ito na type niya ang actress. Marami raw saksi sa pangyayaring ‘yun na parang may MU na kina Gerald at Maricel nang gabing ‘yun bago sila umuwi.

Palibhasa guwapo, simpatiko si Gerald kaya’t nagkaroon ng physical attraction si Maricel sa hunk actor without knowing na dyowa nito si Maja. Nang malaman ito ng magaling na actress, hindi nito na-control ang sarili sa taping ng kanilang teleserye, galit kasi ang umiral. Marami ang nakarinig nang banggitin ni Maria ang pangalan nina Kim Chiu at Maja Salvador. Feeling kasi ni Ms. Taray Queen, nabastos siya at gustong isahan ni Gerald. Ganu’n?

 AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

9 thoughts on “Gerald Anderson, babaero nga ba?!

  1. wala kc gustong gawin c gerard kung di ang mangbabae at mangbakla….kaya yung taping sana nila ni inay maria…ginawang laro laro lang….sana maging dedicated siya sa work nia para tumagal cia…ngayon sikat kc bata ka pa budoy aka bano, pag tumanda kana at wala ka talagang talent at di ka talaga marunong umarte hanggang sa pagtanda mo….di ka na papansinin…so bano budoy….gising!

  2. babaero yang si gerald…kim, sarah, bea, maja haynaku alam na! at siguro pumapatol rin yan sa mga beking exec ng dos haha

  3. Weee!? Mga article mo katulad ng pagmumukha mong BASURA! Puro gawa gawa! Sinong maniniwala sayong isang matandang kagaya ni Maria magkagusto sa isang ka edad Lang ng anak Nya! Gumawa ka nga ng article na original mo di yung Gaya Gaya sa article ng iba! Kinukuha mo Lang yung idea ng article mo sa mga nababasa m ring articles! Wala kang originality! Copy cat ka Lang! BOBO!

    • Lahat naman ng writer dito tamad mag trabaho. Kaya puro nangongopya na lang sila o kaya mag-iimbento.

      Hindi yata naiimbitahan ang mga writer dito sa mga presscon, wala yata silang press pass. O ban sila sa lahat ng networks?

      Puro kasi pangingikil ang ginagawa. Attack and collect.

Leave a Reply

Your email address will not be published.