Gerald Anderson, ayaw pag-usapan sina Kim Chiu at Bea Alonzo!

KAHIT NAKABITIN SA ere ang pagiging malapit nina Sarah Geronimo at Gerald Anderson sa isa’t isa. Kapansin-pansin ang paging sweet nila, may kakaiba sa ikinikilos ang dalawa. Obvious na may something sa kanila na sila lamang ang nakakaalam. Sa tono ng pagsasalita ni Sarah, malaki ang chance na maging sila ni Gerald hindi dahil sa movie ni-lang Won’t Last A Day Without You. “Kasi po si Gerald napaka-good-looking niya. Nang makilala ko siya sa set mayroon pa palang iba du’n sa good-looks na ‘yun. Mayroon siyang good heart, pagiging warm niya at very appreciative sa kanyang mga supporters. Ang lambing-lambing niya, so ‘yun ang mga discovery ko sa kanya na hindi ko akalain na ganoon siya. Kasi, ‘yung mga nakatrabaho kong new actors, hindi ganu’n, sa kanya ko nakita ‘yun. Pero siyempre, nandito po tayo para magtrabaho at saka showbiz itong ginagalawan natin. Para sa akin, kung sa ngayon, parang hindi ko muna ie-entertain ‘yung ligaw-ligawan, parang ganu’n. Parang ganoon rin naman si Gerald, mas focus din siya sa trabaho.”

Ipinagmalaki ni Gerald na mas malalim na ngayon ang friendship na mayroon sila ni Sarah na puwedeng mauwi sa isang magandang relationship at tuluyang ma-in love sa singer-actress. “Bakit naman po hindi? Napakalambing ni Sarah at napakabait. Napakaganda ni Sarah, ayaw niyang maniwala kahit sinasabihang maganda siya. Hindi ko alam kung bakit? Kumbaga, siya ‘yung tipo ng babae na puwede mong dalhin kahit saan sa mundo. Puwede mong ipagyabang… Mas marami akong alam ngayon tungkol sa kanya. Kumbaga, sa shooting nakakapag-usap kami, nakakapag-bonding kami. Pinag-uusapan namin ‘yung pinagdaanan namin. Kahit ano ang kalabasan ng movie namin, masuwerte ako at nakasama ko siya,” papuring sabi ng binata.

Ano nga ba ang dahilan kung bakit hindi pa nagpapahayag si Gerald ng kanyang saloobin kay Sarah? “Sinabi kasi niya na hindi pa siya ready. Pero nasa stage ako ngayon tulad ng nasabi ko sa kanya na nakaka-miss na. Ang tagal ko nang walang girlfriend, malapit na ang Christmas. Sa movie namin ni Sarah, pakiramdam ko may girlfriend akong totoo. ‘Yun nga, huwag nating madaliin, Sarah is a very beautiful girl, masuwerte ako nakilala ko siya.”

Papasa kaya si Gerald sa Mommy ni Sarah? “Sabi ko nga noon, gumawa ako ng paraan para ipaglaban. Sabi ko, the next time I’ll fall in love, make sure na mag-uumpisa sa kanya na ipaglalaban niya ako na hindi ako lang. Hindi ‘yung babae lang ang nakikipaglaban sa relasyon. Kailangang patunayan ko muna sa sarili ko, itong tao ito, kaya niyang ipaglaban ako. Mahal talaga ako ng taong ito, hindi lang dahil kami or ganoon. Kailangan ko pong maging maingat, ‘yun din po ang natutuhan ko.”

Ayon kay Sarah, okay si Mommy Devine sa mga nakakakilig na eksena nila ni Gerald. “Kumportable na po si Mommy, madalas hinahanap ko si Mommy dahil iniiwan niya ako sa Tita ko. Trusted naman niya ang Star Cinema at si Direk Raz de la Torre.”

Inamin ni Sarah takot na siyang umibig uli dahil sa naging una niyang karanasan . “Totoo ‘yun, naniniwala ako na darating ‘yun sa tamang panahon. Pinagdarasal ko po ‘yan, huwag lang basta-basta na magkaroon lang ng boyfriend, ‘di ba? Siyempre, hinahanap natin ‘yung pang-longterm. Ayaw ko kasi ‘yung papalit-palit, masakit ‘yun sa dibdib. Siyempre, gusto natin ‘yung magiging boyfriend, ‘yun na rin ang pa-kakasalan natin. Kung kailan patapos na itong shooting namin saka lang po kami nagkakausap ni Gerald. God I wish na sana noon pa, ‘di ba? Para mas kumportable kami, alam mo ‘yun. Mas maganda ‘yung chemistry namin,” naka-ngiting nitong sabi.

Nag-comment agad si Gerald sa tinuran ni Sarah. Siyempre, gusto rin po natin lahat, ‘di ba? Kumbaga, matagal rin akong walang girlfriend. Kahit papaano, nakaka-miss din ‘yung text-text, mga yakap-yakap. Siguro dahan-dahan lang, huwag nating mamadaliin,” say naman ng binata.

Sino kina Kim Chiu at Bea Alonzo ang pinagsabihin ni Gerald na I Won’t Last A Day Without You? Hindi po dapat pag-usapan natin ang ibang tao. Si Sarah po kasi, siya ang kapareha ko rito. Puwede natin silang pag-usapan kapag solo lang ako. Siyempre, nakilala ko siya. Siya ‘yung pinakamalapit na babae ngayon. Siya ang nakakaalam ng mga nangyayari sa akin,” seryosong sabi ni Gerald.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Previous articleSarah Geronimo, tapos na raw sa pagka-bitter kay Rayver!
Next articleVice Ganda, may iba nang manager!

No posts to display