Parazzi Chikka: Gerald Anderson, ayaw na kay Kim Chiu?!

Totoo ba itong chikkang narinig namin tungkol sa pagla-launch ng bagong show ni Gerald Anderson in two weeks – pero without Kim Chiu?! In-announce ni Gerald na bagung-bago raw ang concept ng nasabing show ngunit nang tanungin siya kung kasama ang long-time loveteam niyang si Kim, eh, hindi nakasagot ang binata.

Nang tanungin din kung sino namang mga aktres ang gusto niyang makatrabaho, sumagot si Gerald ng: ““Gusto ko sana yung mas matagal pa sa akin [sa showbiz] para mas may experience sa showbiz at sa acting and para may matutunan din ako sa kanya, para may maituturo siya sa akin kung sakali man.”

Ito na ba ang simula ng katapusan ng Kimerald loveteam? Ay, ang gulo! Abangan na lang ‘yan!

By Faith Salazar

Photos by Fernan Sucalit

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

Previous articleRedford White, totoong nagpatingin sa St. Luke’s!
Next articleRichard Gutierrez, ‘di bagay mag-host sa reality show?!

No posts to display