Gerald Anderson at Kim Chiu, magpapatalbugan sa ratings!

NAKAKAINIS. BA’T BA naluha kami habang pinanonood ang full trailer ng Budoy ni Gerald Anderson? Lalo na sa ending kung saan nagyakap sila ng umakong nanay niya na si Janice de Belen. Nangilid ang luha namin.

Parang ang sarap-sarap nitong panoorin, sa totoo lang. Advocacy-serye pala ang tawag nila rito kung saan napaka-sensitive ng tema ng naturang teleserye. Si Gerald bilang mentally-challenged, pero may mabuting puso.

Naka-relate kami kay Janice de Belen. Nu’ng araw kasi, gano’n din kami kalusog.

 

HAHAHA! JOKE LANG namin ‘yon sa Twitter, but honestly, iba. Ibang Janice de Belen ang mapapanood n’yo rito sa Budoy. Na sabi nga ni Janice, “Hindi ako nahirapan, dahil to begin with, isa akong ina. At si Budoy ay isang batang masarap mahalin, alagaan kahit pa siya ay isang special child.”

Sa Lunes na ito sa Primetime Bida.

Aba, teka nga munit. Ano ‘to? After ng My Binondo Girl ni Kim Chiu, eh, teleserye na ni Budoy? Ng ex-boyfriend ni Kim?

Kaninong serye kaya ang hahataw nang bonggang-bongga sa ratings?

Honestly, bigla naming na-miss umarte sa teleserye. Huling nilabasan namin (parang ang bastos ng dating – nilabasan) ay ang Mutya kung saan ni-launch si Mutya Orquia. Tumagal lang ‘to ng 14 weeks.

At kung si Janice de Belen ay nakabalik bilang Kapamilya, kami naman na 19 years na bilang Kapamilya, makabalik kaya kami? Chos!

Ang lakas maka-bida ng ilusyon namin. Hahahaha!

 

PARANG OA NA ‘yung reaksiyon sa yosing hawak ni Ate Guy nu’ng piniktoryal ng Yes Magazine. Parang nag-a-advertise daw ng yosi.

Sa aming palagay, hindi naman bobo ang mga makakakita no’n, eh. Knowing karamihan sa Pinoy na matitigas ang ulo?  ‘Pag gusto nilang magyosi, walang makakapigil sa kanila. Ipinagbabawal na nga ang paninigarilyo in public, nakakagawa sila ng paraan, eh.

Ang importante lang naman ay as long as alam mong masama ‘yon sa kalusugan, lalo na sa kalusugan ng makakalanghap ng usok mula sa buga mong hayup ka (teka, na-highblood naman ako this time), eh, gawin mo kung ano’ng gusto mo.

Pagdating naman kay Ate Guy na humingi pa talaga ng sorry at nangakong iiwasan nang magyosi,  good luck, Ate Guy.  Sana, totoo ‘yang sinabi mo.

Dahil kahit hindi ka TV host, hindi ka reporter, at stake ang credibility mo.

At malay naman natin kung tototohanin ni La Aunor, ‘di ba? Eh, ‘di bongga.

 

HAY, SALAMAT AT tapos na ang UAAP. So, balik-E Live na po bukas, Saturday after Happy, Yipee, Yehey!, kung saan bongga ang aming set at nakakalokah rin ang mga pasabog na balita.

Kung mapapansin ninyo, bagets na bagets ang bihis ng show, dahil ang karamihan sa audience ng E Live ay mga bagets at young at heart, ‘ika nga.

Pasensiya na’t wala na munang blind item, dahil susubukin muna namin ang ibang klaseng segment. Alam n’yo naman ‘pag nagba-blind item ka, praning na ‘yung iba. Hindi naman sila ang tinutukoy, inaako nilang sila ‘yung blind item.

Eh, ang bait-bait na nga naming mag-blind item lately, ‘di ba?

 

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

12 thoughts on “Gerald Anderson at Kim Chiu, magpapatalbugan sa ratings!

  1. kung meron man xang gay benefactors eh swerte nya marami xang source of income kaya…..mamatay kau s inggit!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  2. @dugyot:

    si ruel bayani ba nag tinutukoy mo na direktor? di ba meron din si anderson benefactor na rich businessman…. hahahaha…. 

  3. tingnan natin anong rating ng budoy eh pero sinto sinto ang pinagawa kay ga eh bakit para magka award. e hawak yan ng direktor na bading. pilit pinag akting para daw maging christopher de leon. marami pa yang kakaining bigas. di naman yan versatile.

  4. hoy hhh or shebie, ano bang nagawa ni kim sa yo na kung laitin mo parang wala ng bukas. masaya ka ba pag nanlait ka ng tao . tingnan mo muna sarili mo kung perpekto ka ? kumita ang tmhe ha konti lang ang diperensya sa movie nila ni sg . eh mas sikat nga daw e bakit ganun lang di nalagpasan or napantayan yong jlc sg. dahil hindi si sg ang nagdala ng movie. at magbasa ka nga ng ratings sa pep at makikita mo na sa manila lang nalamangan ang mbg ng amaya pero sa national walang wala ang amaya sa ranking. bwahahahaha ka rin. belat mo.

  5. ay uu mas may K as in KALANSAY…hahahha.. yung movie nga ni kim and gerald last year.. magkano nga ba kinita nun??hahahahaha..patawa talaga tong mga kimerald.. hahah..at ang binondo gay ni kim, tinapat pa sa amaya.. kaya ayan nangangamote sa ratings.. Bwahahahahaha

  6. ay magpapatalbugan talaga sa ratings toh… magpapatalbugan sa pinaka-mababang ratings.. nawala na rin ang gana ng mga tao sa kimerald kasi may mga fans na sira-ulo..

  7. hoy shebie ulol ka ano inggit ka kc kahit na atat na atat yang si sarah g. ky gerald ayaw parin sa kanya kasi mas love nya si kim kumpara nga naman kay sarah g. mo na bayaran ka nila ay mas may k si kim kaysa kay sarah gets mo ha

  8. @ronnie, super agree ako sa yo, wala na talagang pag-asa pa ang Pinas maski sino pang kisihudang maging Presidente in the future. Dami kasing kurakot na government official at mga abosado pa, nakakasuka talaga. Only in the Philippines eka nga. Ang Pinas nakasali sa list of most corrupt countries in the world. Nakakahiya.

  9. as usual, ung ibang government official eh mahilig sumawsaw at gumamit ng hot issues para masali sila sa usapan, nakakainis na rin ang mga press releases na kesyo makukulong si ganito, imbestigasyon sa senado pero ang mga nagnakaw at patuloy na nagnanakaw sa kaban ng bayan, nandyan pa rin at panay ang byahe sa ibang bansa.

  10. MERON PA BA “BINONDO SLUT”? AKALA KO SINIBAK NA ITO? SABAGAY MALAPIT NA HALLOWEEN USO NA NAMAN ANG BANGKAY!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!………HAHAHAHAHA

Leave a Reply

Your email address will not be published.