Gerald Anderson at Kim Chiu, gimik lang ang pag-iyak?!

INIINTRIGA ANG STAR Cinema, na baka gimmick lang daw ang pag-iyak na ginawa nina Gerald Anderson at Kim Chiu nu’ng Tuesday sa ginanap na grand presscon ng pelikulang Till My Heartaches End, kung saan dahil sa hinanakit ay hindi na nakayanan pa ng guwapong aktor na tapusin ang presscon. Nagsisikip kasi ang kanyang dibdib dahil sa kaiiyak. Baka kailangan daw mayroong ibang mapag-usapan bago i-showing ang pelikula. Kasi nga, ang ilang buwan nang pinag-uusapan ay ang tungkol sa kanilang paghihiwalay, ang hindi pag-uusap at ang matindi nilang iwasan factor.

In fairness naman sa Star Cinema, hindi scripted ang mga nangyari. Nu’ng ginaganap ang presscon, magkatabi kami ng katotong Rommel Placente, at malapit ang kinauupuan namin sa tapat ni Gerald. Nagsimulang bumigay si Gerald mula sa mga tanong ng reporter na si Allan Diones, at nakita namin ang pagsisimula ng pag-iyak ng aktor, hanggang sa umalis na siya sa kanyang upuan at hindi na nakabalik pa. Umiyak naman si Kim, habang sinasagot niya ang mga katanungan ng reporter na si Tita Emy Abuan, at ako naman ang nagtanong kay Direk Joey Javier-Reyes kung papaano niya napagsama ang magka-loveteam, sa panahong mayroon silang mabigat na problemang pinagdaraanan sa relasyon?

Pormal daw na kinausap ni Direk Joey sina Kim at Gerald, na kung anuman ang gusot sa pagitan nila, kailangang huwag madamay ang kanilang mga trabaho. Bumilib nga raw si Direk Joey, dahil hindi siya binigyan ng problema ng kanyang mga bida sa movie, dahil hindi niya naramdaman ang tensiyon na hindi nga okey ang relasyon ng dalawa. “Kaya talagang hindi ko pinagsisisihan, na kahit kailangang matapos ko kaagad ang movie na ito, dahil may hinahabol na kaming playdate, sila ang mga naging artista ko. Okey silang katrabaho kesehodang mayroong ganyang problema,” wika ni Direk Joey.

MADAMOT PA RIN naman si Jericho Rosales na maglahad ng buong katotohanan tungkol sa naging dahilan ng paghihiwalay nilang dalawa noon ni Heart Evangelista, kaya hanggang ngayon, parang siya ang lumalabas na masama, at walang nagsisimpatiya sa kanya sa tuwing magsasalita ang Tsinitang aktres, na hindi talaga sila nagkahiwalay at naging magkaibigan pa rin sa bandang huli. Mapapansin naman na pasikut-sikot ang mga salita ni Echo sa kanyang mga paliwanag, kaya hindi pa rin niya nalilinis totally ang kanyang pangalan sa hiwalayan nila ni Heart.

Kahit ngayon, sa pinag-uusapang hiwalayan nila ni Cesca Litton, hindi pa rin naman diretso si Jericho sa mga dapat niyang ipaliwanag kung hiwalay na ba talaga sila talaga at kung ano nga ang tunay na dahilan ng pagkaunsiyami ng kanilang relasyon? Hayun, lumang istilo na naman ng mga artistang nanghihingi, na anuman daw ang pinagdaraanan nila, ibalato na lang sa kanila dahil personal na nilang buhay iyon.

Mabuti na lang, ‘yung naging hiwalayan nila noon ni Kristine Hermosa ay klaro na, at wala nang dapat pang liwanagin.  Positibo na ang mga sinasabi ng magandang aktres tungkol kay Jericho ngayon. Na kung babalikan sa isip ang nakaraan, marami raw natutunan si Kristine kay Echo nu’ng panahong sila pa ang magkarelasyon. Okey raw sa ngayon ang kanilang friendship. Kung magkakaroon daw ulit siya ng project, gusto niyang si Jericho ang maging leading man, dahil nariyan pa rin naman daw ang nagmamahal sa kanilang dating tambalan.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

20 thoughts on “Gerald Anderson at Kim Chiu, gimik lang ang pag-iyak?!

  1. kahit nakakaasar na si gerald talagang me chemistry pa din sila ni kim. sa ASAP prod nila kahapon me kilig talaga…sa iba ipartner yang si gerald wla lang…walang dating…kakaiba talaga kahit ayaw mo na kay gerald iba tlaga dating sa tv nung 2…ewan.

  2. talagang kahit nakakaasar na si gerald talagang me chemistry ang KG…. sa ASAP prod nila kahapon iba pa din ang dating talagang me kilig…bakit pag iba na partner ni gerald wala lang….hayss sayang.

  3. oh please, showbiz na showbiz ‘tong 2 eto lalo na si gerald, si kim payatot na retokada nman eh patay na patay kay gerald na magaling magpasakay! Hay showbiz nga naman, lahat ng gimik gagawin mapag-usapan at sumikat lang!

    • kahit sabihin mong showbiz 2x TAO parin sila!!! PWEDE silang maging emosyonal , umiyak atbp! SI Kim ssbihan mong patay na patay kay gerald?? eh bakit si gerald iiyak pa ng ganyan…..no need to do that kng ayaw niya kay kim..buti si kim she understands gerald..naku close minded ka naman!!!nanlait ka pa….kala mo perpekto ka

  4. E di madidiscover na may mga goons and guns si Kim niya? Sila yong mga jobless officer maids at mga Cebuana po sila. Malaki din sa payroll ni Kim mga kalasag ni Kim, mga back up ng handler ni Kim sila, now nag backfire at babalikan ng nga police asset. Dapat imbetigahan talaga, not to take lightly.
    Hindi kasi matanggap nila na iiwan na lang si Kim ng ganon ganon, which everybody believed, nadivirginised kasi ni Gerald.

  5. to all kimerald fans:

    GET A LIFE guys!

    wala po ba kayong magawang iba sa buhay nyo at puro sina kim at gerald pinag-kakaabalahan nyo? oo at kumukita mga idols nyo dahil din sa support nyo but it doesn’t mean that you have the right to rule their lives.

    grabe naman po kayo. lol. natatawa ako na naiinis sa inyo. wag nyo masyadong dibdibin. buhay nila yan. pakialaman natin mga sarili natin. umabot pa talaga kayo sa buhusan ng asido ha kaloka kayo! lol. yan nakukuha nyo sa kapapanood ng mga drama. ok lang humanga pero icheck nyo rin yong sinasaing nyo at baka nasusunog na. yun lang po. :) )

    • cool ka lang gimik lang naman daw yan eh… may special participation din ang fans at family….para sa movie dba,, tugma sa title….

  6. ahhh gimik lang pala ito… so kim and gerald parin, for the 1st place ginamit lang si bea…wala silang relasyon ni gerald at hnd nanliligaw…. para maging tugma yung sa ggwin nilang movie…. tapos kunwari may gawa gawang death threats para umiyak si gerald, pati kunwari nagtaksil siya kay kim.. so kim and gerald padin sa huli.. good luck sa movie niyo kim gerald..

  7. AS USUAL,EVERY NGA NAMAN PAG MAY UPCOMiNG MOViE ANG STAR-CiNEMA AY PURO NALANG GANiTO ANG MGA NANGYAYARE,GiMiK DYAN GiMiK DOON PARA LANG MAKA PAG PROMOTE NG KANiLANG PROYEKTO,,ASUS,,BAT Di NALANG NiLA AMiNiN NA GUSTO LANG NiLA MAG PROMOTE?..HAAY NAKU

  8. ang pogi kaya ni gerald noh!
    si echo, kaya quiet lang sa issue nila ni heart, siya naman talaga ang at fault. si kristine naman, kaya good words kay echo ay dahil hindi siya ibinuko ni echo. hiniwalayan siya ni echo dahil (accdg sa balita) ay ipina-abort niya ang baby nila ni echo, dahil that time ay hawak rin siya ni fmg at ayaw masira ang career…

    • puro ka balitang kutsero, kung may katibayan ka ilabas mo. cgurado akong pangit ka kaya inggit na inggit kay kristine hermosa.

  9. 100% gimik lang ang pag-iyak ni gerald..di ba nga sukang-suka na cya ipareha kay KIMpangit,para nga naman kumita syempre magpapa-awa epek….

  10. YUCk!

    Dati hindi ako naniniwala na ang YABANG ni POKWANG pero ngayon parang totoo na, Nagkahawaan siguro sila nila MARIEL at KRIS..

    POKWANG=YABANG which i know RHYMES.

  11. di makuntento kay Kim feeling macho kase. Sumikat lang kala mo kung sino na. bagay kayo ni bea bakulaw aka bea la pata

  12. SURE KA NA GIMIK LANG,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,ASUS GERALD BEAST LIAR @CHEATER KA TALAGA DONG.BINTANG BINTA YAN GIMIK MO SA PRESSCON AT NAG-WALKOUT KAPA TALAGA,,,,,,,,,,,,,,,SURE HINDI MO NILAGYAN NG TABASCO YONG MATA MO GERALD CRYING BABY KA….. PARA KANG BADING YUCKKKKK..

Leave a Reply

Your email address will not be published.