Gerald Anderson at Coco Martin, ‘di dapat napasama sa Walk of Fame!

OLA CHIKKA! DON’T MAKE your Monday a blue Monday! Dahil Monday, fresh na fresh na chismax ang chikka natin ngayon…

Kaloka naman ang Walk of Fame ni Kuya Germs! Bakit ang mga nandoon, sina Coco Martin, Gerald Anderson at iba pang bagets na artista na ang babata at wala pa namang masyadong napapatunayan, ‘di ba? Kaloka!

Mas keri pa sina Sylvia La Torre, Freddie Aguilar at Perla Bautista, dahil at least ang mga tanders na ‘yan ay may mga napatunayan na at karapat-dapat. I mean, may K! Ha-ha-ha!

Nagpunta rin pala sa nasabing event ang mga singers na sina Imelda Papin, Eva Eugenio at Claire Dela Fuente. Kaloka naman sila, mga hindi nagpapansinan. Kung kailan tumanda na…

Ano ba kayo? Pare-parehas naman kayong may mga pangalan. Keri lang ding ilagay sila sa Walk of Fame ni Kuya Germs, ‘di ba? ‘Wag lang ang mga baguhan at bata pa na wala talagang K.

Eh, ano naman magagawa natin? ‘Wag na nating masyadong intrigahin, dahil ang may K lang maglagay d’yan ay si Kuya Germs dahil siya ang nakaisip niyan. Kaya irespeto na lang natin.

Hmmmp… ‘yun na!!!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino itong female TV host na ito? Nakakaloka dahil napapabalitang super wild at nakakaloka dahil nakaraan ay napabalitang nag-aadik ito at napabalita ring jinojombag ng jowa n’ya?

‘Teh, bakit ka naman nagpapajombag? Kaya pala mas napili na lang niyang sumama sa kapwa niya babae… babae?! Means tibo? Wat ano ba naman ‘yan?!

Siyempre kung ako naman ang lola mo, mas pipiliin ko ring sumama sa hindi ako sasaktan, ‘di ba? At mukhang love na love ito ng TV host, kasi naman kung makapulupot ang lola mo parang akala mo aagawin. Ha-ha-ha!

Ang gwapo nga ng jowa niya, mapagkakamalan mo talagang boylet. Ha-ha-ha! ‘Yun nga lang, Tivoli! Ha-ha-ha!

Kung gusto n’yo ng clue, pakinggan n’yo ako simula Lunes hanggang Biyernes sa ganap na 11:30 – 12:00 ng tanghali. Sa’n pa, eh ‘di sa DWSS1494KHZ at online streaming naming na http://dwss-am.mellow947.fm at every Sunday DZRH666KHZ 2:30 to 3:30 p.m.

‘Yun na, BADJAO!!!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleRegine Velasquez, natupad na ang pantasya!
Next articleAngelica Panganiban, nakita na ang tunay na ama!

No posts to display