Gerald Anderson & Arci Munoz:
“Maybe” You’ll Be My “Baby”!

Gerald Anderson & Arci Munoz: "Maybe" You'll Be My "Baby"!GERALD ANDERSON
Real Name: Gerald Randolph Anderson, Jr.
Birthdate: March 7, 1989
Zodiac Sign: Pisces

ARCI MUÑOZ
Real Name: Ramona Cecilia Datuin Muñoz
Birthdate: January 12, 1989
Zodiac Sign: Capricorn

NASA IKATLONG linggo na sa mga sinehan nationwide ang “Always Be My Maybe”, ang sexy-romance film na post-Valentine presentation ng Star Cinema. Isang sugal ang pagpapares kina Gerald Anderson at Arci Muñoz, na never nagsama sa isang proyekto prior to this movie. This is a surprise hit na muling nagpabalik kay Gerald sa leading man status (after playing support sa LizQuen) at pag-promote kay Arci from ‘one of those’ to a leading lady. Hello, GArci!
Dahil sa chemistry ng dalawa, marami ang nagsa-suggest na sana’y pagsamahin sila sa teleserye. Meron pa ngang nagsasabi na baka someone with Arci’s personality na palaban ang puwedeng makapagpatino sa isang Gerald. Ansaveeh?!
With all that analyzations from the fans, ano kaya ang masasabi ng mga bituin sa love sky?
Magkasalungat ang ugali ng Capricorn at Pisces. Imbes na makasama, ito ay nakabubuti pa para sa kanila. Realistic at praktikal ang Capricorn samantalang mahilig mag-daydream at mag-relax ang Pisces. Mas sensitive din ito kaysa sa isa.
Hangga’t maaari, gusto ng Capricorn na maayos at planado ang lahat ng bagay, samantalang magpagka-‘happy go lucky’ at may motto na ‘come what may’ naman ang Pisces. Dahil sa kanilang differences, maipari-realize nila sa isa’t isa kung ano ang kulang at sobra. Open ang communication ng dalawa at pareho nilang mako-convert ang kanilang dreams into reality. Pareho nilang gusto ang security at commitment. Mas vulnerable ang Pisces, pero in due time ay mag-o-open up din ng kanyang feelings ang Capricorn.
The thing is the two zodiacs have a big chance of transitioning into a lasting relationship. Ang passion ng Pisces man ang magpapalabas sa itinatagong pagka-romantic ng Capricorn woman. Paliliguan niya ito ng bonggang atensyon at pagmamahal. In return, magiging loyal ang babae at ito ang magsisilbing inspiration para sa lalaki na i-pursue ang kanyang mga pangarap sa buhay.
Aba, parang istorya lang sa “Always Be My Maybe”, huh! May bf pa si Arci as of writing, pero give it time… Ang ‘Maybe’ ay magiging ‘Baby’ rin sa tamang panahon!

Pares-Pares

By Madam Damin

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.