Gerald Anderson and Jewel Mische: The Action Prince meets his new Princess

GERALD ANDERSON

Real Name: Gerald

Randolph Anderson Jr.

Birth Date: March 7, 1989

Zodiac Sign: Pisces

Symbol: The Fish

Ruling Planet: Neptune

Quality: Mutable

Element: Water

Basic Trait: I Believe

Closest Metal: Germanium

and Strontium

Lucky Day: Thursday

JEWEL MISCHE

Real Name: Jewel Fataima

Avajade Mische

Birth Date: June 29, 1990

Zodiac Sign: Cancer

Symbol: The Crab

Ruling Planet: Moon

Quality: Cardinal

Element: Water

Basic Trait: I Feel

Closest Metal: Silver

Lucky Day: Monday

NAGING KONTROBERSIYAL ANG pagtatapos ng taong 2010 para kina Gerald Anderson at Jewel Mische. Halos itakwil ng mga fans ni Kim Chiu si Gerald Anderson nang lumabas ang tsikang pinopormahan nito si Bea Alonzo. Umabot pa sa puntong nakatanggap ng death threats ang mga involve sa break-up nila, na talaga namang nakakaloka! Ang ending? Hindi na itinuloy nina Gerald at Bea ang umuusbong na sana nilang love story.

Si Jewel Mische naman ay tinawag na ‘girlfriend sa dilim’ ni Richard Gutierrez. Ayon pa nga sa mga bubuwit, tinanggihan daw ni Jewel ang ilang mga TV shows at pelikulang gagawin sana niya dahil hindi sang-ayon si Richard. Ang ending? Lumayas sa Kapuso network ang dalaga at ngayo’y nasa ABS-CBN na. Break na rin daw sila ngayon ni Richard Gutierrez.

Dalawang taong nag-umpisa sa teen reality shows na naging kontrobersiyal ang buhay pag-ibig. May pag-asa naman kayang mahanap nila ang ligaya sa piling ng isa’t isa?

Kapag nagsama ang Crab at ang Fish, paniguradong punung-puno ito ng emosyon. Pareho kasi silang mada-ling madala ng kanilang emosyon. Kitang-kita kung sila ay masaya, malungkot o kaya’y in love. Naiintindihan nila ang isa’t isa kaya naman malaki ang tsansang tumagal ang kanilang pagsasama. Pareho pa silang mahilig sa musika at sining.

Marami rin silang pagkakaiba pagdating sa pananaw sa buhay at mga gawain, pero bihira itong maging ugat ng isang malaking away. Mas malawak ang pananaw ng Pisces pagdating sa trabaho at oportunidad, samantalang ang cancer ay mas dumidepende sa mga kapamilya at kaibigan. Pareho nilang pinaiiral ang puso kaysa sa utak (kapansin-pansin naman siguro sa past relationships nila, ‘diba?). Pagdating sa romansa ay malambing at maasikaso ang dalawa. Ito nga siguro ang dahilan kung bakit sila nagki-klik bilang magkasintahan. Dapat lang ni-lang siguraduhin na hindi sila malunod sa dagat ng paglalabing-labing. Mahirap na, ‘noh!

Dahil parehong emotional at romantic, bonggang-bongga ang kalalabasan ng tambalang ito. Magiging isang real-life Prince Charming ang isang Cancer sa katauhan ng isang Pisces. Gagawin ng Pisces ang lahat para lang maiparamdam sa Cancer na mahalaga ito sa kanya. Ang Cancer naman ay magiging maalaga at malambing para maparamdam sa Pisces na hindi ito nag-iisa sa mga hamon ng buhay.

Ayun naman pala, eh! Kung stars ang pagbabasehan, may rason nga para mag-alala sina Kim at Richard. Hindi na kataka-taka kung ma-lovestruck talaga sa isa’t isa sina Gerald at Jewel. Magtuluy-tuloy na kaya ito sa happily ever after? Let’s just wait and see!

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

One thought on “Gerald Anderson and Jewel Mische: The Action Prince meets his new Princess

  1. Pingback: Tweets that mention Gerald Anderson and Jewel Mische: The Action Prince meets his new Princess | Pinoy Parazzi -- Topsy.com

Leave a Reply

Your email address will not be published.