Georgina Wilson, delikado sa Maynila?!

ANG TAPANG nitong si Georgina Wilson para sabihin na ang lahat ng mga tao na bumoto kay Joseph Estrada noong nakaraang eleksyon ay f_ _ _king Idiots.

Sa lenguwaheg kalye, ang mga taga-Manila na bumoto kay Erap ay mga gago, gunggung at higit sa lahat ay mga BOBO!

Sa tapang niya, kakayanin kaya niya kung mag-alburoto ang mga taga-Manila na supporters ni Mayor Erap na pagbantaan siya?

May balita kami na ang mga taga-Tondo, lalo na sa may dating Smokey Mountain, planong sunugin ang mga billboard niya naka-display sa kalye.

May pagbabanta nga na kapag makikita nila itong si Georgina, papanain siya ng mga bagets na likaw ang mga bituka.

Sa legal na pamamaraan, plano ng ilang mga civic-oriented groups at mga taga-Baseco na maghain ng reklamo na gawing “persona non grata” itong si Georgina na isang half-Pinay/half-British sa Manila.

Para sa amin, napaka-iresponsable ng pahayag niya. Kung ang tweet nga naman niya ay isinalin sa Tagalog, sinasabi niya “T_ng In_ mga Bobong mga Manileño na bumoto kay Erap”. For me, si Georgina ang IDIOT! Para magkalakas ng loob na magtapang-tapangan, hari nawa’y walang mangyaring masama sa kanya ‘pag namataan siya sa Manila ng mga halang ang mga bituka.

Kung hindi siya tinirador, baka ang kotse niya basag ang windshield na mababalitaan na lang natin sa radyo.

Teka, knows naman kaya ni Georgina na ang boyfriend niya na si Borgy Manotoc ay apo ng isang “diktador”? Boba!

IBA’T IBA ang reaksyon ng publiko matapos magsalita si Ai Ai delas Alas tungkol sa hiwalayan ng lalaking pinakasalan niya sa Las Vegas noong April. May mga naawa sa komedyante. May nainis. ‘Yong iba, gusto siyang kutusan para matauhan.

Sa Facebook, kung anu-ano ang reaksyon ng mga taga-showbiz. Awa ang nararamdaman nila sa isang sikat na comedienne at box-office star gayong naghahanap lang naman siya ng isang fairy tale na kuwento na pangarap naman niya na sana’y magkatotoo. Kaso minalas. Sa maikling panahon, natauhan siya na hindi lahat ay puwedeng mapasakanya.

Kasikatan at kayamanan, na kay Ai-Ai na, pero ang pagmamahal na hanap niya, ang konklusyon ng marami, binili niya ang kanyang pag-ibig.

Sa simula’t simula pa, alam na niya ang pag-uugali ng mister niyang si Jed Salang. Pero hinintay pa niya ito na umabot sa sukdulan. Battered wife siya sa maikling panahon.

Pero marami rin ang naawa na sa pagkakataong sinasaktan siya, ang holy rosary na hawak niya ang kaagapay niya.

Ang showbiz, parang ordinaryo na buhay ng tao. Hindi lahat ng nakikita natin ay masaya ang ending. May nagkakahiwalay na nauuwi sa pagiging friends na lang, tulad sa kaso nina Richard Gutierrez at Ann Curtis. Pero sa kaso ni Ai-Ai, alam naming hindi lang siya nag-iisa.

Siguro, si Ai-Ai lang ang nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin at aminin sa publiko ang sitwasyon niya.

Marahil, kahit sikat ka, mayaman ka man at box-office star ka, hindi lahat ay mapapasaiyo at ang fairy tale na gusto mo, ihabi para magsakto sa buhay na gusto mo, hindi sa lahat ng pagkakataon ay kakampi mo.

 

PERA PALA ang dahilan kung bakit umalis sa management ni Popoy Caritativo ang alagang si Marian Rivera.

May nagbalita sa amin na milyones ang pera ni Marian na iniwanan sa dating manager na hindi na nito nasingil.

Gusto n’yong malaman kung ano naman ang dahilan at umalis din ang alaga ni Popoy na si Martin Escudero sa kanya?

Sa Friday, abangan n’yo at magugulat kayo.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

5 thoughts on “Georgina Wilson, delikado sa Maynila?!

  1. I guess it was just her opinion, I mean everyone has that right naman eh but yeah dapat careful siya sa mga words nya. 

  2. 2009 PA RAW YANG TWEET NA YAN, LATE REACTION NA ANG MGA TAO, YUN NGA LANG NGAYON SIYA SINISINGIL NG  TADHANA SA MGA KABALBALAN NIYANG POST

  3. Bakla ba yang si Georgina,, Lahing British pala kaya kala mo kung sino magsalita.

  4. kung ako taga tondo pag nakita ko ang pagmumukha niyang babaeng yan, sasabuyan ko ng asido yan at babambuhin ko hahaha!

Leave a Reply

Your email address will not be published.