Georgina Wilson, ayaw pakasalan si Borgy Manotoc?!

WALA PA raw balak magpakasal sa kanyang boyfriend na si Borgy Manotoc ang newest addition sa lumalaking pamilya ng Bench na si Georgina Wilson na may sarili na ring line ng pabango na siya mismo ang pumili ng mga scents.

Ayon nga kay Georgina, masyado pa silang bata ni Borgy para pag-usapan ang tungkol sa kasal. Too early to tell daw kung kailan ito mangyayari, dahil marami pa siyang gustong gawin sa kanyang buhay at ito raw ang kanyang priority at alam daw nito na ganu’n din si Borgy.

Tsika pa nga nito na napag-uusapan na rin nila ni Borgy ang tungkol sa pagpapakasal at pagkakaroon ng pamilya, pero hindi pa raw sa ngayon. Para kay Georgina, ang marrying age niya ay 30. Kaya naman daw ‘pag 30 years old na siya ay baka roon na siya magpakasal. Pero sa ngayon daw, pareho silang career ang priority.

Masaya naman daw sila bilang magkasintahan at marami silang mga bagay na gusto. Kaya naman daw click silang magkasama. If ever nga raw na dumating na pareho na silang ready to get married, ‘yun ‘yung time na magpapakasal na sila ni Borgy.

 

HABANG TUMATAGAL ay mas lalong gumaganda ang katawan ni Mark Herras at ito raw ay katas ng palaging pagdyi-gym nito.

Ayon nga kay Mark, ito ang pinagkakaabalahan niya ngayon, para na rin daw maging physically fit at naging paghahanda na rin sa kanyang latest show sa GMA 7.

Gusto na nga raw i-maintain ni Mark ang kanyang magandang pangangatawan. Kaya naman daw kahit busy siya ngayon sa kanyang mga trabaho, pilit pa rin niyang binibigyan ng oras ang pagdyi-gym para na rin manatiling maganda ang kanyang body.

 

PANIGURADONG MATUTUWA ang loyal supporters ng mahusay na actor na si Dingdong Dantes dahil sa wakas ay mapapanood na nila ang indie film nito na Dance Of The Steel Bars na idinerehe ng mahusay at award-winning director na si Cesar Apolinario.

Balita namin, sa May 22 na ang playdate ng movie na ipinagmamalaki ni Dingdong Dantes kasama ang foreign actor na si Patrick Bergen. Ito’y exclusive na mapapanood sa mga SM Cinema.

Kuwento nga ng isa sa aming paboritong director na si Direk Cesar, kakaibang Dingdong daw ang mapapanood sa Dance of The Steel Bars, kaya naman daw maraming magugulat at hahanga sa husay umarte rito ni Dingdong.

 

PAREHONG NAGBABALAK pasukin ng winners ng Mr. and Ms. Olive C Campus Model Search 2013 na sina Joefel Alas at Chelsea Starling ang mundo ng pag-arte. Pero sa ngayon daw, mas priority ng mga ito ang pag-eendorso ng Olive C at tsaka na raw ang pagpasok sa showbiz.

Kuwento nga ni Joefel, ang pagiging Mr. Olive C ang kanyang pinto para matupad ang kanyang pangarap na maging artista na pangarap na niya simula nu’ng bata pa siya. Handa raw siyang manirahan sa Manila at pansamantalang iwan ang Davao kung saan siya naninirahan kapag nagkaroon siya ng magandang oportunidad sa industriya.

Samantalang 2nd option lang ni Chelsea ang pag-aartista, dahil mas prioridad daw nito ang maging beauty queen. Pangarap daw ni Chelsea simula noong bata pa siya ang maging beauty queen. Kaya naman daw through Olive C ay unti-unti na raw nagiging totoo ang kanyang pangarap.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

One thought on “Georgina Wilson, ayaw pakasalan si Borgy Manotoc?!

Leave a Reply

Your email address will not be published.