Georgina Fortalejo, palaban sa sexy reality show

Georgina-FortalejoPASOK SA final 4 ng reality competition show ng Viva Entertainment na Pantaxa (prounounced as Pantasya) ang bagong contract star ng nabanggit na production outfit na si Georgina Fortalejo, gayundin ang kapwa Viva contract artist nitong si Anya Aragon.

Parehong discovery ng pamosong talent manager ang dalawa. Taga-Matnog, Sorsogon si Anya; samantalang si Georgina ay tubong Butuan City.

Sa Pagudpud, Ilocos Norte kinunan ang preliminary competition ng Pantaxa na nakatakdang mapanood sa January 2, 2016 sa TV5 at sa Viva Channel.

Makalalaban nina Anya at Georgina ang dalawa pa sa final 4 na sina Anne Mateo at Bea Vega. Winner of the said reality competition will be based kung sino sa kanila ang makakukuha ng pinakamaraming text votes.

“Maraming daring na challenges,” excited na sabi ni Georgina.

“Like ‘yong hanggang saan mo kayang magpakita ng kaseksihan. And sa akin, okey lang naman. Hindi ko na lang sasabihin kung gaano ka-daring ‘yong mga challenges. Para may aabangan ang viewers. And I have no qualms doing it. Kailangang kayanin ko, kasi pumasok na ako rito, e!” sabay tawa ni Georgina.

Hindi pa ba nagkakaroon ng rivalry o professional jealousy sa pagitan nilang dalawa ni Anya?

“Hindi naman. Okey kami ni Anya. Iisa lang kami ng manager kaya dapat hindi kami magkaroon ng problema sa isa’t isa. Hindi man masasabi na talagang close na close kami but we’re okay.”

Georgina is 20 years old. She’s 5’ 5” tall at may vital statistics na 34-24-34.  Third year accounting student siya sa FEU. Nag-stop muna para makapag-concentrate sa showbiz career na inuumpisahan niya ngayon.

“But I still plan to go back to school. Because I value education so much at maganda rin na meron kang college degree para may fall back ka, dahil hindi naman forever na propesyon ang pag-aartista. Mahilig akong sumali sa mga beauty contests bago ako pumasok sa modeling. Naging Miss Tourism-Butuan City ako, tapos Miss Silka, and ilan pang local beauty titles.”

Bakit hindi siya tumuloy na sumali sa mga national pageants like Bb. Pilipinas, Miss World-Philippines o Miss Earth- Philippines?

“Actually maraming nag-advice. Pero parang walang ano ako sa sarili ko na gano’n. Lalo na ngayon na pumasok na ako sa showbiz. Parang nawala na talaga ang interes ko sa mga beauty pageants. Happy na ako na bukod sa showbiz career na inuumpisahan ko ngayon, tuluy-tuloy pa rin ‘yong modeling. Madalas ay nalilinya ako sa pagmu-model sa mga car shows, hindi lang dito sa Pilipinas but also abroad. Pinaka-recent ‘yong Singapore. I’ve modeled na rin sa mga car shows sa Vietnam at ilan pang Asian countries. And that’s the best thing about modeling. You get to travel for free and at the same time, you get paid,” tawa ulit niya.

Wala ba siyang na-encounter na mga indecent proposals?

“Hindi ko masyadong ini-entertain. Kasi kapag gano’n, alam mo naman kung ano ang ini-expect nilang kapalit, ‘di ba? Kuntento naman ako sa kinikita ko sa modeling. Happy na ako na I get paid well sa trabaho ko. Ni suitors nga, hindi ako nag-i-entertain sa ngayon. Ayoko muna, kasi parang magiging problema lang at sagabal ito sa trabaho ko ngayon.”

May nanligaw na ba sa kanya na aktor o male celebrity?

“Oo. Pero… ayoko nang sabihin kung sino, nakakahiya!” tawa ulit niya. “Nakaraan na kasi ‘yon. Wala na.”

Puwedeng magbigay siya ng kahit ilang clues lang?

“Actor siya. Guwapo and hunk ang porma. Eh, ayaw sa kanya ng parents ko. Kaya walang nangyari sa panliligaw niya. May image kasi siyang babaero. At gano’n din ang parang na-observe ko sa kanya, kaya hindi ko siya naging bet.”

Ayaw niya ng showbiz na boyfriend?

“Oo. Kasi sa naoobserbahan ko, kadalasan sa mga showbiz na relationships, hindi nagtatagal dahil nagigiging maintriga. So for me, mas okey ang non-showbiz. Para tahimik lang.”

Aside from her pretty face and sexy body, ano pa sa palagay niya ang magiging bentahe niya bilang bagong ginu-groom na artista ng Viva?

“I’ve done acting workshops kasi. At sabi no’ng facilitator namin, may potential daw ako sa acting dahil meron akong pinaghuhugutan. Abangan n’yo na lang kapag nag-start na lang kapag umere na ang Pantaxa at nagawa ko na ‘yong iba pang projects na inila-line up sa akin ng Viva,” nangiting huling nasabi ni Georgina.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.