George and Cecil – Juday at Ryan, baliktad ang mundo

Pagkatapos ng kanilang very private and solemn wedding, heto na nga at balik trabaho na ang bagong mag-asawa na sina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos-Agoncillo. Ito ang kauna-unahan nilang pagsasama sa telebisyon bilang sina mister at misis. At sukat akalain din na mag-asawa ang kanilang papel sa George and Cecil na idinirehe ni Direk Joey Reyes.

Excited na nga ang lahat na mapanood itong bagong mister at misis in town. Pero kung gaano naman sila ka-sweet sa totoong buhay, aba’y aso’t pusa naman sila rito sa George and Cecil. At kapag umere na ito sa June 14, naku tiyak babaliktad nang bonggang-bongga ang mundo n’yo. Knows n’yo ba kung bakit mga kaparazzi? ‘Yan ang dapat n’yong abangan! Basta sey lang ni Juday, kung nakakarelate man daw sila ni Ryan sa show na ito, ‘yun ay ang kanilang pagiging mag-asawa. ‘Yun naman ‘yun! Dagdag pa niya, wala na raw silang ayaw  ng kanyang Fafah Ryan kase nga, graduate na sila sa roon. Meeeh ganu’n?!?

Makakasama nina Ryan at Juday sa kanilang romance-comedy TV show ang mag-asawang sina Gladys Reyes at Christopher Roxas, Malou de Guzman, Al Tantay, Tessie Tomas, Dimples Romana, Ynna Asistio, Archie Alemania, Dionne Monsanto, Dino Imperial at ang ilan sa ating Fear Factor boys. Tiyak, ang George and Cecil ang sitcom na aabangan ng lahat. ‘Ika nga ni Direk Joey, ito ang sitcom ng tunay na buhay! Bongga!

Premiere Shots
by  Jean Oli

Related Post

loading...

One thought on “George and Cecil – Juday at Ryan, baliktad ang mundo

  1. Pingback: Pinoy Parazzi: Ang Larawan ng Katotowaan! » Pinoy Parazzi Vol. II Issue #77

Leave a Reply

Your email address will not be published.