Geoff Taylor, reformed chickboy!

Ano ba ang pagkakapareho nina Sarah Geronimo, Erik Santos, Yeng Constantino, Bugoy Drilon at Sam Concepcion? All of them were products of a singing competition and they are now certified stars. With their powerful vocals, formidable stage presence and unflappable determination, they successfully made it big in the music industry where longevity is the name of the game.

Now, singer-actor Geoff Taylor is joining the league. He was the winner of GMA-7’s Are You The Next Big Star? last year. The fast-rising singing sensation is definitely living up to the title of the contest. Geoff’s unwavering motivation, exceptional vocal quality and iron-willed faith ang siyang nagbukas ng pinto sa kanya sa showbiz to be the next big star.

Patuloy ang pag-arangkada ng career ni Geoff. Kaliwa’t kanan ang kanyang projects kabilang na ang Sunday variety show na Party Pilipinas, ang pagiging male lead sa Daisy Siete at pagiging Bench endorser. Sa katunayan, rarampa si Geoff sa taunang Bench fashion show this coming July. This will be his first time to participate in the highly-anticipated fashion show na hindi maikakailang nakatulong sa mga careers ng maraming male celebrities that have gone on to become superstars.

Si Geoff ay bumubuo ngayon ng sarili niyang banda na makakasama niya sa kanyang mga gigs and maybe in recording his forthcoming debut album which will have rock/alternative tracks na ala-Lifehouse at Rivermaya ang dating.

Sa kabila ng kanyang tinatamasang tagumpay ay nananatili pa ring nakatapak sa lupa ang mga paa ni Geoff. Siya pa rin ang binatang nagsimulang bumuo ng kanyang mga pangarap noong siya ay nasa Cagayan Valley pa, ilang taon na ang nakararaan. Siya pa rin ang mabuting anak sa kanyang ina na pinag-aalayan niya ng lahat ng kanyang mga pagsisikap, at si Geoff pa rin ang taong hindi tumitigil na mapaghusay ang kanyang trabaho.

The handsome Gemini is ready to conquer the world. “Madali lang akong mapasaya, madaling makuntento. Simpleng tao,” sabi ni Geoff.

Naka-focus muna ngayon ang atensiyon ni Geoff sa kanyang career. Saka na raw muna ang love life. A reformed “chickboy,” si Geoff ay nagkaroon daw ng pitong girlfriends. “But I’ve learned my lesson. The next time I enter a relationship, it will be for the long haul if not for keeps,” sabi niyang nakangiti.

Kaibigan, usap tayo muli!

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

2 thoughts on “Geoff Taylor, reformed chickboy!

  1. hoy boy, puro mga young actors na hindi mga kilala ang topic mo dito baka naman …sino si geof sa buhay mo ha…malapit ka ng makasuhan ng sexual harrasment. marami-rami na rin ang nakaka-alam sa “dirty activities mo” malapit ka ng mabuko.

Leave a Reply

Your email address will not be published.