Geoff & Glaiza: Happily Ever After!

GEOFF EIGENMANN
Full Name: Geoffrey Michael A. Eigenmann
Birthday: March 24, 1985
Zodiac Sign: Aries
Symbol: The Ram
Ruling Planet: Mars
Quality: Cardinal
Element: Fire
Basic Trait: I Am
Closest Metal: Iron
Lucky Day: Tuesday

GLAIZA DE CASTRO
Full Name: Glaiza Galura de Castro
Birthday: January 21, 1988
Zodiac Sign: Aquarius
Symbol: The Water Bearer
Ruling Planet: Uranus
Quality: Fixed
Element: Air
Basic Trait: I Know
Closest Metal: Aluminum and Uranium
Lucky Day: Saturday

BIDANG-BIDA NA ANG paboritong kontrabida ng Siyete na si Glaiza de Castro sa Grazilda. Ito ang bagong fantaseryeng magpapakilig sa atin gabi-gabi sa GMA Telebabad. Tiyak na sobrang saya ngayon ng dalaga dahil sa wakas ay napansin na rin siya ng kanyang mother studio.

Si Geoff Eigenmann naman ang napiling bagong ‘Prince Charming’ sa buhay ni Glaiza. Ito rin ang unang pagkakataon ng dalawa na magsama sa isang proyekto bilang magka-loveteam. In fairness, may kilig factor sila sa mga trailers, ha? May potensiyal!

Kung sa palabas ay namumukadkad ang chemistry ng dalawa, may pag-asa naman kayang magkainlaban sa totoong buhay ang bagong primetime royal couple?

Isa sa mga common denominator ng Aquarius at Aries ang pagiging malaya at prangka nila. Kung meron silang gustong gawin, gagawin nila ito at sasabihin din nila kaagad kung ano ang kanilang nararamdaman. Para sa kanilang dalawa, maso-solve ang isang problema kung magpapaka-praktikal sila at realistic din ang kanilang approach sa buhay. Punung-puno sila ng mga pangarap, pero hindi ito umuupo lang sa isang tabi at aasa sa iba. Ginagawan nila ito ng paraan at kahit pa kailangang magtiis at maghintay, kakayanin nila ang lahat ng pagsubok.

Ang maganda sa pagsasamang ito, pareho nilang sinusuportahan ang hilig ng isa’t isa. Hindi masyadong malakas ang selos factor kahit na may mga tsansang magsasawa sila sa mga araw-araw na gawain. Halos magkapareho rin sila ng mga interes at hindi sila boring kasama.

Sa totoo lang, mas magtatrabaho ang babaeng Aquarius sa relasyong ito. Kaya nitong palagpasin ang init ng ulo ng lalaking Aries at kapag okay na ito, saka niya kakausapin nang masinsinan. Mas malakas naman ang physical needs ng lalaking Aries kaya huwag nang magtaka kung patago ang pagiging malambing nito sa kanyang kapares. Ang pagiging agresibo ni lalaki ang magpapataas ng interes sa kanya ng babae kaya naman suwabeng-suwabe ang pagsasama nila. Hindi boring, pero hindi rin nakakasawa.

Wow! Pati pala ang mga stars ay sumasang-ayon sa prediksyon na puwedeng maging prinsipe ni Glaiza sa totoong buhay si Geoff! Abangan na lang natin kung magtuluy-tuloy sa simbahan ang mala-fairy tale na bagong tambalang ito. Sana ay maging happily ever after ang ending nito!

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.